"I'm sorry." Bulong niya. "If it feels like an insult, then I'm sorry. I like you so much Maiarie."

Namamaso ang buo kong katawan. Sa tingin ko ay dahil sa mainit niyang katawan.

Sinama niya ako sa penthouse niya pagkatapos naming magkaayos sa apartment ko. Dalawang oras kaming nag-usap at inayos ang problema. Yung sinabi niya ay tinama niya para hindi daw ako maging masama ang loob ko sa kanya.

"I would like to tell you about your work. I want you to come to my penthouse every weekends only. You know I'm worried about you studying and working at the same time. Instead of working for me thrice a week, I want you to work for me every Saturday and Sunday. But! I won't deduct your salary. And also, I want your time for our date."

Alinlangan siyang ngumiti sakin. Para siyang kinakabahan kung papayag ba ako o hindi. Madali naman akong umuoo pero...

"Pero paano pala ang trabaho ko kina Lola Gracia? Hindi ko pwedeng iwan yun dahil hindi kaya ni Aling Lupe na maglinis." Yun ang inaalala ko. Magtataka sina Aling Lupe, lalo na si Lola Gracia. Malaki pa naman ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagpapasok sa akin sa mansyon niya para maglinis.

Hindi ko pwedeng iwan yun dahil matagal na akong naglilinis sa mansyon nila.

"Oh that? I already told Abuela that I found a new cleaning lady in our mansion. Don't worry about it okay, she's not mad or confuse because I said that you are working for me and I need your extra time and also it's too far in there."

"Hindi naman yun problema yun sakin dahil sanay na ako. Baka nga bumalik ako sa bahay namin sa squatter area dahil malapit yung university namin do'n." Mas maganda yata na umuwi ako sa bahay namin pero hindi naman palagi dahil yung ibang gamit ko ay nasa apartment na.

"What?! No way. In squatter area? Maiarie it's not safe there. It's your house, yes, but it's too dangerous." Singhal niya.

Nasa penthouse niya na kami. Magkaharap kami pareho, nasa harap siya ng single sofa at ako naman ay nasa kabilang single sofa din dito sa parlour niya. Hindi ko maialis ang pagkamangha ko sa penthouse niya. Parang ang sarap tumira dahil ang minimal ng kanyang taste pagdating sa interior ng kanyang penthouse.

"Malapit lang kasi do'n. At hindi pa naman naibebenta yung bahay namin kaya do'n muna ako titira."

May plano si tatay na ibenta nalang ang lupa na yun dahil hindi na daw niya kailangan yun. Maganda na ang buhay nila do'n sa probinsya. Ako naman ay maganda din ang tirahan ko sa bago kong apartment. Kapag magbakasyon sila ay sa apartment sila. Pinaalam ko kasi kay tatay na lumipat na ako. At hindi siya tutol dahil matagal na niya akong pinagsabihan na lumipat ng tirahan dahil baka daw may mangyaring masama sakin.

"Ibebenta? Then you'd sell it off. It's not safe there. Sa mansyon ka nalang muna tumira."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"Nasisiraan ka na ba? Hindi pwede no. Baka magtaka si Lola Gracia. At baka umuwi ang parents mo at pati si sir Phinneas."

"Why are you worrying about them? Worry about yourself because you're a woman. A lot of men species in our country are wolves. Ayokong may mangyari sayo Maiarie. I'm genuinely worrying about your safety." Tumayo siya at lumapit sakin. Lumuhod siya sa harap ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Dinampihan niya ito ng malambot na halik.

"Ayokong maging pabigat kina Lola Gracia. Atsaka hindi na ako magtratrabaho do'n diba? Nakakahiya lang."

"You shouldn't be. We're talking about your safety. I'm really worried. Kaya nga ako nanliligaw sayo dahil hindi lang boyfriend ang gusto kong maging role sa buhay mo. I wanna be your protector too. Your knight. Kung may mangyari man sayo ay baka pati bangkay ng hayop na yun ay ipapakulong ko pa. Just let me handle you okay?"

PhoebianDonde viven las historias. Descúbrelo ahora