Chapter 7

688 13 1
                                    

Break time ng muling magkita ang magkaibigang sina Sarah at Coco.

“Bes! May good news ako sa’yo.” Tuwang tuwang sabi ni Coco

“Let me guess, nakuha mo yung lead role para sa upcoming play? Tama ba?” Nakangiting sagot ni Sarah

“Oo! Tapos sabi ni ma’am eto na raw yung chance ko para madiscover ng isang talent scout. Marami daw kasing pupunta na mga talent managers sa play.” Masayang pagmamalaki ni Coco

“Congrats sa’yo bes! Galingan mo ah. Alam kong kayang kaya mo yan!” Masiglang sabi ni Sarah

“Salamat sa suporta ah. Alam mo bang para sa’yo to?”

“Para sa akin? Bakit?”

“Eh, ano kasi, espesyal ka sa akin. Para to sa mga taong mahalaga sa akin. At isa ka na dun.” Pautal utal na sagot ni Coco

Niyakap ni Sarah si Coco na ikinagulat naman ng binata, “Ikaw talaga Co! Mahalaga ka rin sa akin. Best friend kita, at ikaw ang pinakabest na best friend sa buong mundo!”

“Basta kahit anong mangyari ah, walang iwanan.”

“Walang iwanan. Pero tama na tong drama na to, at baka kung saan pa tayo mapunta.” Pagkasabi nito ay bumitaw na sa pagkakayakap si Sarah kay Coco

“Maiba nga pala ako Sars, ano nga pala yung balak mong ikwento sa akin?”

“Ahh, may bago kasing body guard si kuya. Eh hindi naman siya pinakilala sa akin ni kuya kagabi so akala ko kaninang umaga magnanakaw siya. Muntik ko pa nga siyang mahampas ng walis tambo eh, buti na nga lang at nakailag siya. Kundi natamaan ko siguro yung sugat niya.”

“Siya ba yung nabalitang nagligtas sa kuya mo?”

“Oo, siya yun. Nahihiya nga ako kasi muntik ko na siyang masaktan, eh siya nga tong dapat kong pasalamatan ng todo todo kasi niligtas niya si kuya. Gusto ko ngang bumawi sa kanya para naman maiba ko yung pagkakakilala niya sa akin. Baka kasi isipin niya na masyado naman akong judgmental.”

“Ed kausapin mo siya. Magaling ka naman dyan eh. Kaibiganin mo.”

“Do you think it will work?”

“Definitely. Ikaw na yata ang pinakamabait at pinakafriendly kong nakilala. Saka ikaw lang yung kilala kong mayaman na hindi mata pobre.”

“Eh alam mo naman kung bakit ganun ako di’ba? Kasi…”

“Oo, palagi mo namang sinasabi sa akin yan. Pero wag mo namang maliitin yung sarili mo porke’t ampon ka lang. Tandaan mo na dala-dala mo na ang apelyido ng pamilya mo, tunay ka na nilang kapamilya, kadugo ka man o ampon. Saka wala naman ng issue dun, anytime soon gagawa ka na rin naman ng pangalan para sa sarili mo. Magiging sikat na singer ka na rin.”

“Kahit kailan talaga hindi mo nakakalimutang pagaanin ang loob ko. Salamat ng marami Co! Kaya mahal na mahal kita eh!” Sabay pitik sa tenga nito

Tinitigan ni Coco si Sarah na nakatingin na sa librong binabasa nito, “Mahal na mahal rin kita Sarah.”

Natauhan naman si Coco pagkasabi niya ng mga katagang iyon, “Uhmm, ahh, Sarah, mauna na ako ah. May aasikasuhin pa kasi ako. Ano, kukunin ko pa kasi yung script ko kay ma’am.”

Napatingin naman si Sarah kay Coco, “Sige. Ingat ka. Baka hindi na tayo magkita mamaya, so text text na lang. Ok?”

“Ok. Sige Sars.”

Paalis na si Coco ng tumayo si Sarah at hinalikan siya sa pisngi, “Bye! Ingat ka ah. Galingan mo!”

Napatigil ng saglit si Coco sa kinatatayuan at pagkatapos nun ay dali-dali siyang naglakad papalayo.

Slow Dance, RomanceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin