Chapter 2

689 7 0
                                    



Umaga na at nakaupo sa veranda si Richard habang nagmumuni-muni. Nakatanaw siya sa kalawakan na tila malalim ang iniisip.

  

"I never wished for a life like this. Ang gusto ko lang naman noon ay ang magkaroon ng maayos na buhay, yung may sariling bahay at palaging may pagkain sa mesa. Yun lang naman talaga ang gusto ko because I know that living a rich life has its own consequences.

Don't get me wrong. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang unti-unti akong nilalamon ng buhay na to, na umaabot sa puntong hindi ko na magawa yung mga gusto ko kasi dapat inaasikaso ko kung paano pa mas pararamihin yung pera ng pamilya. It feels like I'm starting to get tired of this routine.

Narerealize ko na ngayon na tama si Sarah, palaging yung iba kasi yung inuuna ko kaysa sa sarili ko. I'm what? 34 years old and I don't still have my own family. I've never got myself into any serious relationship that lasted for more than 6 months kasi palagi raw akong busy. I guess it's time na rin para hanapin ko yung taong mas magpapasaya at bubuo sa buhay ko. It's about time that I should think of myself first.

Richard Lim, Richard Lim. Ano na bang balak mo sa buhay mo?"

Hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ang kapatid niyang si Sarah.

"Lalim ng iniisip mo dyan ah. Sobrang lalim na parang naglalakbay na sa kung saang lupalop yung kaluluwa mo kuya."

Nagulat si Richard, napatayo siya at napailing. "You know what, hanggang ngayon panira ka pa rin ng moment."

  

"May pa moment moment ka pang nalalaman dyan, aminin mo na lang na namimiss mong magka-girlfriend. Hindi naman mababawasan ang pagkalalaki mo kapag umamin ka kuya." Pang-aasar ni Sarah

"Tigilan mo nga ako Sars. Ang aga-aga nangungunsumi ka na naman."

"Si kuya hindi mabiro. Inistorbo lang kita kasi magpapatulong sana ako sa'yo."

  

"Sana sinabi mo na agad, kung saan-saan pa napadpad yung usapan eh. Tungkol ba saan?"

  

May inilapag na notebook si Sarah, "Sagutan mo naman to kuya. Please?"

Tinitigan ni Richard ang notebook at biglang napadilat ang singkit nyang mga mata, "Slambook?"

"Oo kuya. Slambook."

Slow Dance, RomanceOnde histórias criam vida. Descubra agora