Chapter 4

707 9 0
                                    

Pagkalipas ng ilang araw ay susunduin na ni Richard si Gerald sa ospital. Nalaman kasi nito na wala na pala itong kasama sa buhay, magkakasunod kasing namatay ang tatay, kuya at nanay nito. Naisip niya na patuluyin na lang ito sa kanila bilang pagtanaw ng utang na loob.

Sa araw din iyong binalak bisitahin si Gerald ng kanyang best friend/ate. Siya na lang ang itinuturing na kamag-anak ni Gerald sa Maynila dahil karamihan sa kamag-anak nito ay nasa malayong lugar. May dala siyang mga prutas at bag ng damit dahil nalaman niyang titira na sa bahay ng amo ang kanyang kaibigan.

Dali-dali niyang tinahak ang lobby ng ospital dahil gustong gusto niya ng makita si Gerald. Halos isang linggo na rin kasi silang hindi nagkikita nito.

“Nasaan na ba yung kwarto nung mokong na yun? Parang nalibot ko na ata itong buong ospital kakahanap sa kwarto niya.” Sabi sa isip ng babae

Maya-maya ay nakita niya na ang kwartong hinahanap, dali-dali niyang binuksan ang pinto ng hindi man lang kumakatok. Nilapitan niya ang lalaking nakatalikod sa kanya, nakatayo ito sa tabi ng kama. Hinampas niya ito ng sobrang lakas sa pag-aakalang ito ang kaibigan niyang si Gerald.

“Aray!” Sigaw ng lalaki. Napaigtad ito at hinanap ang taong humampas sa kanya.

Pagkakita sa taong humampas sa kanya ay napadilat ang singkit na mga mata ni Richard. “Ma—Maya?” Gulat na sabi ni Richard.

Namula ang mukha ni Maya dahil hindi niya inaakalang muling makikita pa niya ang taong nasa harap niya ngayon. “Ri—Richard? Pa—pasensya na kung nahampas kita. Akala ko kasi i—ikaw yung hinahanap kong kaibigan ko na naka-confine dito sa ospital.” Nahihiyang sabi ni Maya, namumula na rin siya habang sinasabi niya ito.

Matagal silang nagkatitigan. Tila huminto ang oras ng muli silang nagkita. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita dahil sa sobrang pagkagulat. Nagising lang sila at bumalik sa realidad ng bumukas ang pinto ng CR.

“Ate Maya, andito ka na pala.”

“Magkakilala kayo?” Napalingon sila kay Gerald at magkasabay siyang tinanong ni Richard at Maya.

“At magkakilala rin kayo?” Nagtatakang tanong ni Gerald

“Classmate ko siya nung college…” “Niligawan ko siya nung college…” Magkasabay na sagot nila Maya at Richard, ayon sa pagkakasunod.

Nagulat si Maya sa sinabi ni Richard pero madali siyang nakaisip ng sasabihin kay Gerald. “Sa totoo nyan Ge, classmate ko talaga siya. Classmate ko siya nung college. Siya yung sinasabi kong…” At bigla na lang tinakpan ni Maya ang kanyang bibig dahil hindi niya naman dapat sasabihin ang huli niyang binanggit.

“Ako yung sinasabi mong?” Pag-uusisa ni Richard kay Maya

“Ikaw po yung sinasabi niyang classmate niya na naging sobrang mayaman.” Mabilis na sagot ni Gerald

Naging seryoso ang mukha ni Richard at sinabi, “Ahh. Magka-ano ano ba kayo? Magboyfriend-girlfriend ba kayo?” Seryosong tanong ni Richard kay Gerald

“Ay naku sir. Hindi ko po papangaraping maging girlfriend yan.” Pang-aasar ni Gerald kay Maya. Hinampas naman ng malakas ni Maya si Gerald. “Sa katunayan po, best friend ko po siya. Parang ate na rin po. Kababata ko po siya. Namin ni kuya.”

“Hindi ka ata naikwento sa akin ni Miguel.”

“Baka naman kasi hindi mo tinanong.” Sagot ni Maya

“Ate Maya, si sir Richard na nga pala ang bago kong boss.” Pagmamalaki ni Gerald kay Maya. “Mababayaran ko na rin yung mga utang ko sa’yo.”

“Ikaw ang bagong boss nito?” Nagtatakang tanong ni Maya kay Richard

“Oo. May problema ba?”

Slow Dance, RomanceWhere stories live. Discover now