"Sir Phoebian? Anong ginagawa mo dito?" Nagpalinga-linga ako, baka may ibang tao na makakita sa kanya— sa aming dalawa. Mabuti nalang at walang may CCTV camera sa side ng comfort room.

Napasinghap ulit ako dahil sa talim ng kanyang tingin sakin. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa kanya. Pumapasok naman ako sa trabaho. On time pa nga ako. Wala pa akong absent at hindi rin ako mahilig makipag-tsismis sa mga kasamahan ko tungkol sa kompanya nila, lalo na sa kanya. Iniiwasan ko ang mga yun. Hanggang nandito pa ako sa puder niya ay hindi ako gagawa ng kahit anong masama laban sa kanya.

"Why are you with that intern guy? Is he your boyfriend? I thought hindi ka pa nagpapaligaw?"

"Ho?" Napaawang ang labi ko. Gulat ako.

"That's Mr. Nieves right? Why is he always with you?"

"Sir wait lang huh. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. At hindi po ako nagpapaligaw—"

"Then bakit siya sunod ng sunod sayo? Look. If he's bothering you then don't go around with him like he's your freaking suitor." Maanghang niyang diin.

Nag-iwas ako ng tingin. Napag-isip ako. Ano ba ang problema niya sa buhay? Hindi ko siya pinapakialaman pero bakit nangingialam siya sa buhay ko? Ang labo niya.

"Hindi ako nagpapaligaw. Mabait lang siya sakin."

Naglabas siya ng hangin mula sa kanyang ilong, nangungutya niya akong binalingan ulit ng tingin. Para siyang babae kung makaganyan. Daig pa ako.

"Marami ang mababait sa panlabas na anyo. If you act coy for the rest of your life then he might take advantage of your innocence."

"Ihahatid lang naman niya ako. Walang malisya yun." Mabilis kong sagot na pinagsisisihan ko rin dahil sa realisasyon.

Nalaglag ang kanyang paa. Umigting din ito kalaunan. "At nagpapahatid ka pa? What are you? He's damsel in distress? 'Wag kang magpahatid. Sabihin mo sa kanya na may maghahatid na sayo." Masungit niyang responde.

Napailing ako. Tinaasan niya ako ng kilay. Hinayaan ko siya. Nahiwalay nalang ako sa kanya nang may marinig ako na mga emplayado. Mabilis akong umalis sa harap niya at bumalik sa mga kasamahan.

Nakita ako ni Hiro. Niyaya niya na akong lumabas at syempre ay pumayag nalang ako dahil hindi na ako makatanggi. Ito na yata ang pinakahuling oras na masasama kami. Sa susunod na semester ay balik sa skwela kami para sa ibang subjects namin.

"Ito ang helmet. Mabuti nalang at may dala ako palagi na extra. Kasya lang yan sayo dahil hindi naman yan para sa lalaki."

Pinahiram sa akin ni Hiro yung kulay pink na helmet. Amoy bago pa yung helmet at tiyak na wala pang ibang babae ang nakakagamit nun. Motor lang ang gamit niya. May kotse daw sila pero para sa pamilya na yun. Wala pa siyang sariling kotse dahil hindi pa naman daw siya nakakaipon sa pambili nito.

Sumakay ako sa likod. Dahil nakapalda ako ay umupo ako na parang nakasakay lang sa train. Kumapit ako sa balikat ni Hiro. Yung isang kamay ko lang ang nakahawak dahil yung isa kong kamay ay nakahawak sa buntot ng kanyang motor. Paalis na kami nang lumingon ako sa building, malakas ang instinct ko na dapat lumingon ako. At yun nga, nagmamadali si Phoebian habang nakatingin sa amin. Hindi siya makasigaw dahil madaming tao. Pero klarong-klaro na kami ang hinahabol.

Nakaalis na kami. Lumingon na ako sa harap. Parang nakonsensya ako na hindi ko sinunod ang payo niya. Pero makokonsensya din ako kung tanggihan ko si Hiro gayung pumayag na ako na ihatid niya ako sa huling pagkakataon. Ito na yung huling oras na magkasama kami. Alam ko na alam niya na ayaw ko talagang nililigawan ako dahil hindi ko pa gusto.

PhoebianWhere stories live. Discover now