31. Queen Amry Versus Lara

67.8K 2.5K 95
                                    

LARA

Nahulog si Amber mula sa giant book ni Moondane. Nagulat ang karamihan sa mga pangyayari. Her answer was voided and she was disqualified from that round. Alam kong sinadya niya ito sa di ko malamang dahilan. Siguro ay kausap nito ang kinagigiliwang si Mistress Fhaun.

Nang lingunin ko si Mistress Fhaun ay tahimik lang ito na parang malalim ang iniisip. Nandoon din si Master Uran na napansin kong kanina pa nakatingin sa kinaroroonan namin. Kanina pa masama ang kutob ko sa mga nangyayari. Sigurado akong pati ang mga kasama ko ay ganun din ang nararamdaman. Who is manipulating this game? At sino si Queen Elmaea? Bakit parang magaan ang loob ko sa kanya kahit na ang larawan lang niya ang nakikita ko? Bakit kami magkahawig?

Napatakbo ako nang mabilis na sumaklolo sina Silex sa nahulog na si Amber. All of us were worried about her. Mabuti na lang at sa damuhan ito bumagsak kaya ang sakit lang ng likod nito ang nirereklamo.

"Lara, the Queen is manipulating the game!" Bungad saakin ni Amber nang pabalik na kami sa aming pwesto at natapos na siyang gamutin ng mga komite ng palaro. Her voice was shaky. It was the first time I saw that reaction. "She's one strong bitch!"

"Siya ba ang may pakana ng lahat?" I heard Laurent spoke. Sa tono niyang yun ay parang wala itong sasantohin sa oras na malaman niya kung sino ang nagmamanipula ng laro.

Lahat kami ay napatingin kay Amber. Kita ko ang maghalong takot at kaba sa mukha nito. "M-mukhang alam na niya ang nangyari sa Garon. Lara, parang alam na niya ang tunay mong pagkatao! Kilala niya ang buong angkan ko at ang bawat isa saatin."

Pakiramdaman ko'y para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig."She's not happy about it?" Wala sa sarili kong nabanggit.

"She's not. Kaya niya tayo hinahamon kung hanggang saan tayo magtatagal. May binabalak siya. M-may kinalaman ito sa black prophecy Lara." Amber nervously said.

"H-hindi kaya may kinalaman din siya sa pagsunog sa aking pamilya?" Doon ako magsimulang magduda. Kung napagtagpi-tagpi na ng Reyna Amry ang katotohanan, hindi ko siya sasantohin sa oras na malaman ko kung ano ang tunay na nangyari nung gabing 'yon. Sa oras na mapagtagpi-tagpi ko ang katotohanan at mapatunayan kong siya mismo ang salarin, hindi ako magdadalawang isip na ilibing siya balot ng pinagtagpi-tagpi kong galit.

"I'm sorry guys. Kailangang magback out ako sa round na yan. The Queen is planning something at ang tanging paraan lang na hindi siya magtagunpay ay ang hindi kumagat sa pain niya." Amber continued.

"What if we just escape from this?" Silex suggested.

"The council will not approve it." Alvis butt in. "Baka maging dahilan pa yun para mawala tayo sa academy."

Nagkakagulo na. Hindi na rin nakaimik si Laurent. Siguro ay napaisip na din ito. Hindi magiging madali ang lahat. Mapapasabak kami sa mga kamay ng reyna. What shall we do now? Ako na ang susunod...

Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang matapos ang round three ng olympics. Wala kaming puntos. Ibig sabihin dehado kami. Nasa bingit kami ng dalawang nagbabadyang panganib. Kung magpapatuloy kami at ipapanalo namin ang laban, magkakaroon ng dahilan para ipagpatuloy ng council ang pag-iimbestiga saaming lima. Kung magpapatalo kami, baka isa yung patibong na gawa mismo ng reyna upang malantad ang tunay kong katauhan. Hindi ko rin alam kung anong motibo ng reyna. Kung anong alam niya sa akin bukod sa pagiging total keeper ko. Naisip kong, siguro ay may kinalaman ang pagiging total keeper ko sa kung sino at ano talaga ako. Now think Lara. Think!

"Round four! Mangyari ay magtungo ang mga kalahok sa designated keepers test tube na nasa sentro ng field!" Anunsyo ng isang boses mula sa ere. Biglang bumukas ang limang kwadradong bahagi ng sentro ng field at unti-unting umangat ang limang malalaking test tubes. Doon kami papasok at doon mismo gagawin ang round four, the stage of illusion. Bawat tube ay may nakalagay ding malaking screen. Marahil ay doon ipapakita ang mga pangyayari sa simulation habang kami ay nasa isang ilusyon.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon