Parang kahapon lang.. pero kakayanin... Aalis man Ako pero hindi ko sila kakalimutan..



Napag pasya na namin na umuwi na.. pero before nila akong ihatid ay may binigay pa si Christine na mga sulat saakin, basahin ko nalang daw pag meron na akong oras..



Napatalikod na ako at pumasok na sa gate.. diretso Ako sa kwarto at kusang na hulog nalang Ang mga luha ko..


Ayaw Kong Iwan Ang mga taong nakasanayan kona.. Pero kailangan eh..


Hapon na ako nang maka uwi.. nag iimpake na rin ako.. walang labis walang kulang.. wala akong na Iwan.. sila Christine, April at rendelle lang..


Habang nag iimpake Ako ay napa isip Ako, kaya dali Kong kinuha Ang phone ko sa bag at nag text sa kanya..


Kahit sa huli nalang gusto ko syang kausapin at mag paalam..



Gabi na nang nag paalam Ako na lalabas muna at mag cocomputer.... Pero hindi, tinext ko si tyron Kong pwedi bang mag kita kami mamayang Gabi, nag thumbs up reply naman sya.. pero di Ako sigurado kung pupunta sya..


Hannah:
Nasan kna?


Tyron:
Otw.

Hinintay ko lang sya sa gilid nang palawan.. Maya Maya ay dumating na sya.. tumango lang sya saakin at lumakad na kami..



Walang kibuan, Walang hi or hello lang.. diretso lang..


Nang malapit na kami sa Roselawn ay kinakabahan Ako.. pero kaya kuto.. ngayong gabi ko tatapusin lahat to..



Humanap kami nang upuan.. nang maka-upo na kami Ang kaba ko nandon parin..




"Okay kalang ba? Ano masakit Sayo?" I'm glad he care's





Ngumiti Ako at habang nagtataka, nag iiba Ang asal nya.. Kaya ito sinimulan ko na ang tanong..



"Pasensya sa nagawa ni April ha.. Hindi ko rin alam na gagawin nya yon." Panimula ko.



"Okay lang" Sabi nya..



"Masaya naman tayo diba?" Tanong ko. "Pero bakit mo ako ginago? Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang ako pa yung Mali? Bakit parang.." Hindi Kona tinapos kasi napahikbi na ako..





Tahimik pa rin sya.. he just stared at me.


"Ang saya saya pa natin.. tapos naging ganito na? Ito ba? Yung sa una lang pala magaling? Yung sa una lang Yung makaramdam na Mahal at mahalaga ka.. gusto mo bang Isa isahin ko Ang mga pangakong sinabi mo na ngayon ay bura na?" Dagdag ko..



Parang mawawalan ako nang hininga.. Hindi ko kaya.. Mahal na Mahal ko sya..




"Mahal na Mahal kita.. nandyan Ako sa mga araw na kailangan mo Ako.. pero Wala ka sa mga araw na kailangan kita... Ikaw nalang Yung nagbibigay lakas saakin.. kailangan kita nang mga araw na nawala si tita... Kailangan kita sa panahon na nalaman ko na buntis Ako, kailangan kita sa panahon na nagsusuka Ako, ni text o kamusta wala.. ni Sabi ng iloveyou wala.. ni sabi na kaya mo yan or motivational words malang.. wala.. noong nawalan ako nag malay sa hospital at sinabi Ng doctor na buntis Ako at nag text Ako sayo pero Walang reply.. Kailangan ba Ako nalang palagi Ang umiintindi???.. kailangan ba talaga akong masaktan??" Napa sigaw na ako sa galit, sa Sama nang loob.. kailangan Kong sabihin sa kanya itoo..




"Napagod rin ako, pero nag pahinga lang ako.. Ikaw? Sinabi ko lang na mag pahinga ka.. pero Hindi ko sinabi na Iwan mo Ako
....." Sa sobrang sakit ng Naramdaman ko na hampas ko pa sya..






"Nandon, nandon na sa part na ipakilala na kita, dumating na sa punto na mag kakaroon kana ng anak..  pero siguro hindi pa ito yung Araw... Bata pa Tayo.."




Ilang minuto akong natahimik, ilang minuto Ako na iyak lang na iyak sa harap nya.. sya alam ko na alam nya rin Ang Naramdaman ko..





Hinarap ko na sya.





"Mahal naman kita eh, Mahal na Mahal.. nangako Kang Hindi ka bibitaw.. pero Ikaw pala Ang unang umayaw.." kusang tumulo Ang luha ko. "Sinaktan mo Ako. Without knowing na may sinaktan rin ako dahil sayo, kaya Kong ibigay lahat mapasaya kalang.."




"Sorry.." bigkas nya..




"Kumapit Ako sa salitang iba ka, pero nauwi sa salitang katulad ka din pala nila.. Sa una kalang magaling ty! Napakatangina mo!!.." sigaw ko sabay hagis nang wallet ko sa kanya..




Nasalo nya at nilagay sa mesa.





"Pasensya na, Hindi ko naman sinasad-...." Bigkas nya..





"Hindi mo sinadya? Eh ano yon? Hindi pa tayo nag hihiwalay may bago na? Alam mo napaka Gago mo.."




"Alam ko."





"Buti alam mo! " Sigaw ko sa kanya..





Hindi ko kinaya pero kailangan ko sabihin lahat nang ito sa kanya..





"Ikaw Yung unang lumapit...pero bakit saakin Yung huling sakit?" Bahala na kung Ang pangit kong umiyak Basta masabi ko lang lahat sa kanya..





"Binigay ko naman lahat ah, minahal kita kahit Ang sakit mong mahalin... Akala ko noong una Ikaw na Ang huli, pero Hindi pala.." Hindi ko alam, pero na ubos na Yung luha ko..





"Ikaw lang Yung nag bigay saya saakin.. sa mga araw pananatili ko rito.. makakaya ko naman diba? Makakaya ko na Wala ka.."





Umangat sya nang tingin saakin. "Pasensya kana kung nagawa ko yon.. kung hindi ko dinamdam Ang nararamdaman mo. Hindi pa naman kamii.. Hindi ko na ma ibalik dahil nangyari na eh, pero Sana mapatawad mo Ako, magbabago Ako, kakayanin ko para sa Bata.. bigyan mo lang Ako nang Isang pagkakataon na patunayan Sayo ." Salitang bigkas nya..







Napatingin rin ako sa kanya.. "Siguro Hindi ngayon, pero dadating din dyan, wag Kang mag-alala, ipalaglag ko Ang Bata.. para Wala Kang dalhin na konsensya."







"Hindi ko alam Kong saan Ako nag kulang, kung saan Ako nagkasala.. hindi ko alam Kong saan Ako lulugar.. pero ito na yung Gabi na makikita mo Ako na umiyak nang dahil sayo.. im giving up the man that i love the most pinapalaya na kita.." bigkas ko.








"Dadating Ang araw na matitigan din kita, na Wala nang nararamdaman pa. Let's reach our dreams but not together. Ingatan mo palagi Ang sarili mo." Huling binigkas ko Bago tumayo at umalis na..




ANA MARIE

ITS EASY TO SAY ILOVEYOU (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon