CHAPTER 9.

46 9 0
                                    

CHAPTER 9.

Nagising ako dahil may kumakatok sa kwarto ko kaya dali dali akong bumangon at binuksan tumambad naman ang ang pagmumukha ni tita.

"Alas syete na, papasok kapa ba?" Tanong nya

"Papasok ho ako, inaantok lang." Sagot ko sa kanya.


"Mag half kanalang kaya, Mamaya kana pumasok."


Tumingin ako sa kanya. "Marami kaming gagawin ngayon tita. Maliligo na ho ako."


"Sige."


Isinara ko ulit ang pintuan at umupo sa kama ko. Inaantok pa ako. Gabi na nong umuwi si tita, hinintay ko sya hanggang umuwi sya. Kaya inaantok ako ngayon.



Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung merong message. Puro GC at si tyron, hindi ko na binasa ang GC namin dahil nang gugulo lang ang mga yan kaya kay tyron nalang ang binasa ko. Nag chat lang ng 'GoodMorning' kaya nag reply lang rin ako.


Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Chinarge ko na rin ang cellphone ko. Kinuha ko na ang tuwalya at lumabas na. Pag pasok ko sa sala nakita ko si tita na nag luluto.



"Anong oras uwi mo Mamaya?" Tanong nya.


"Hindi pa nga ako umaalis tita eh."



"Nag tatanong lang, baka gabihin ako ng uwi Mamaya ha."



"Saan punta mo?"



"Magbibirthday ang bestfriend ko, sasama kaba?"



"Hindi, dito nalang ako."



"Sigi dalhan nalang kita nang lumpia."



Hindi na ako sumagot at pumasok na sa banyo.



Nang matapos akong maligo ay manadali ko lahat dahil late na talaga ako. Nag plansta, bumihis at kumain.




"Ilagay mo nalang dyan ang pinggan ako na ang huhugas. Late kana."



Lumabas ulit ako at kinuha na ang gamit ko. Sumigaw nalang ako kay tita para mag paalam. Nang ma buksan ko ang gate ay dali dali ko ring sinira at nag para ng motor.




Nang makarating ako sa Iskwelahan ay chineck pa ni guard yung ID ko at tumakbo nalang ako para makarating sa room. Late na talaga ako!




Malapit na ako sa room ay nag Hinay Hinay pa ako at tumingin sa bintana. Napa hayyy nalang ako nang makita wala ang teacher namin. Dali dali akong pumasok at diretso sa upuan.




"Bakit late ka?" Bungad ni Christine.



"Pasalamat ka naaksidente si sir kaya wala sya ngayon." Sabat naman ni April.



Tiningnan naman sya ni Christine. "What do you mean? Magpapasalamat kasi na aksidente si sir? So mas gusto mo pang wala si sir? Ano ang matutunan natin nyan ha."



"Aba? Ikaw nga walang natutunan eh." Giit ni April.



Tiningnan ko silang dalawa. "Ang aga aga ang iingay nyo noh?"




ITS EASY TO SAY ILOVEYOU (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now