CHAPTER 17.

39 9 0
                                    

Chapter 17.



Tulad nang nakaraan, nagsimba kami ni tita, Tapos Simba ay Uuwi muna kami sa UMA, birthday kasi nang tita ko na kapatid ni mama at ni tita na rin, kaya may kaunting handaan.



"Dito nalang ako tita." Kanina ko pa sya pinipilit eh.




Tiningnan nya ako nang masama." Naku Hannah, huwag kang tamad. Atsaka ayaw mo bang Makita nanay mo?"




Napatungo Ako. "Hindi naman sa ganun, kaya lang. Wala talaga akong gana gumala ngayon."



"Mag bihis kana at dadaanan pa natin ang inorder ko na cake para sa tita mo. Huwag kang tamad Hannah. Kakasimba palang natin Ganyan Ganyan kana." Galit nyang Sabi. "Bilisan muna dahil nandito na si mark." Sabi nya at pumasok sa kwarto.




Kinuha na naman Si Kuya mark para mag drive. Tss.




Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagbihis, black plain croptop lang ang sinuot ko at black short na highwaist. At nag suot na rin nang sapatos. Tapos kong magbihis ay inayos ko naman ang mukha ko. Naglagay ako kaunting pulbo at nag Lagay na rin ako nang liptint. For me it's called simple make up.




Hannah: Uuwi muna ako saamin😭




Tyron: haha. Ingat ka love, kumain ka nang madami.




Hannah: bukas nalang tayo magkikita?




Tyron: oo may pasok naman eh, iloveyou.





Nag reply nalang rin ako nang 'iloveyoutoo' tapos ay lumabas muna ako sa kwarto dahil narinig ko na may kumakatok sa gate. Baka nandito na si Kuya mark.




Tama nga Ang hinala ko kaya binuksan ko na at pinapapasok si Kuya mark. Diretso naman sya para eh check Ang kotse, Ako naman pumasok ulet sa kwarto ko at kinuha ang sling bag ko. Nidala ko ang tatlo kong liptint at pulbo, dinala ko na rin ang power bank at cord ko and handkerchief at wallet.




Sinarado ko muna ang bintana sa kwarto ko, lumabas na at ni-lock ang pinto. Na una nang sumakay si tita, Ako kasi mabubukas at sasara nang gate. Binuksan ko naman Ang gate at nang lumagpas na ang sasakyan at sinara ko na at ni-lock, diretsong pumasok na ako sa sasakyan.





Tulad nang sabi ni tita kanina, ay dumaan pa kami para kinuha ang cake na order nya. Tapos ay diretso na kami.




"Na lock mo ba ang lahat don Hannah?" Tanong ni tita habang nagsasalamin.



Tumingin naman ako sa kanya. "Oo naman."



Hindi na nya ako sinagot, ni-lean ko nalang ang likuran ko sa back seat at sinuot ang seat belt ko.




Hannah: going na kami, hru?



Tyron: Ingat kayo😁 naglalaro ako love.





Hannah: Sige, pahinga mo naman ang mata mo Maya Maya wag puro laro.





Tyron: yes boss.




Hindi na ako nag reply at natulog nalang. Nang magising ako ay malapit na kami. Nag retouch muna ako, nag lagay ulet ako nang liptint at pulbo. Aarte pa ako?





Bumaba na ako sa sasakyan at kinuha ang dala ni tita. Naglakad pa kami nang kaunti Bago kami makarating sa bahay namin.




Ang bahay namin ay ganun parin naman, walang bago. Nag beso lang ako kay mama at papa. Binati ko na rin ang mga kapatid ko. Na miss ko sila eh.




Naghintay pa kami nang ilang sandali Bago dumating ang tita ko na may birthday. Natuwa pa sya kasi may handaan, Sabi nya kasi ayaw nya nang maghanda kasi matanda na raw sya, pero hindo nya alam na pupunta kami.




Nag pray na ang Isa ko na tita at nag simula na kaming kumain.





Maya Maya ay lumapit ang isa sa mga, pamangkin ko na babae, actually she's not. But inampon lang kasi sya kasi that time Akala nila nang cousin ko Hindi sila magkaka anak nang asawa nya kaya nag ampon sila, pero after a year nag bunga ulet ang pagsasamahan nila, My cousin's wife gave birth, A girl again. Then after a year ulet girl ulet. Parati akong pumupunta sa kanila, but nakita ko kong paano nila pagalitan Ang pamangkin ko Which is ang ampon, Hindi naman nya kasalanan pero sya ang umaako, kaya pinapagalitan sya nang nanay, marami nang rason na Pinagalitan at sinabihan na nang Kong ano ano na dapat Hindi pa marinig nang pamangkin ko.





Yes, for me she is my pamangkin. Hindi sa ayaw ko sa dalawa nyang kapatid na kadugo ko, pero dahil kahit ganito lang ay maparamdam ko Ang pagmamahal ko sa kanya. I treat her better, Pag umuwi ako ay sinusuklay ko ang buhok nya. Sinasabihan na wag gupitan ang buhok nya kasi blessings ni God. Sinusubuan ko pasta kahit Malaki na sya. Ayaw kong maramdaman nya na walang nagmamahal sa kanya. But my cousin love her so much, Ang nanay lang talaga Ang may galit. Hindi porket na may anak na kayo ay babaliwalain nyo lang Ang ampon nyo, remember Nang mga oras na Hindi pa kayo magka-anak, biyaya sya ni God na binigay sainyo, so please ingatan nyo sila because they are blessings ♥️




And I Said to myself, one day kung successful na ako, kukunin ko sya at Ako Ang mag papa-aral sa kanya.




"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya habang sinusuklay Ang buhok nya gamit Ang kamay ko. "Gusto mo nang cake." Dagdag ko pa.



"Busog pa ko Ako tita Hannah." Sabi nya at hiniram ang cellphone ko.

Sinuklay ko nalang ulet ang buhok nya, pinapalaro ko lang sya sa cellphone ko.



"Kamusta ka don? Mag aral ka nang mabuti." Sabi ni mama nang makalapit saakin.



Tumingin Ako sa kanya. "Oo naman."




"Wag munang mag boyfriend ha, bawal pa."dagdag pa nya




"No worries ma." Sabi ko nang nakangiti.





Umalis na sya at naiwan na naman kaming dalawa dito, napa-sigh nalang ako. Ang lungkot kaya kung walang inspiration. Napa ka bitter naman ni mama.







Napa-iling nalang ako at tumayo, kumuha nang cake. Naki chismis na rin ako sa mga tita ko dahil nag-uusap sila nang kung ano ano. Eh curious Ako eh.





Nang Hindi ko naman ma intindihan ay pumasok na ulet ako at tumabi sa pamangkin ko at sinubuan sya nang cake.







Nang matapos akong kumain ay bored na bored ako dahil, na kanya Ang cellphone ko. Wala akong magawa. Kaya umidlip muna ako.











:)

ANA MARIE

ITS EASY TO SAY ILOVEYOU (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now