Chapter:04

179 4 0
                                    

Chapter 04: The Queen bee

Tahimik lang akong nag iisang nag lalakad sa hallway patungong classroom, kinailangan kong bumalik dahil nakalimutan kong dalhin ang wallet ko.

Nag pumilit sila Rye na sila na munang mag bayad para sa akin pero tumingi ako, nag prisinta din silang samahan ako pero hindi rin ako pumayag masyado nila akong binebaby, kaya ko naman na ang sarili ko eh....

"Look who's here, nag iisa ka lang ata ngayon?" napa tigil ako sa pag lalakad nang harangan Ako nila Akiesha.

"Obvious naman diba? Unless may nakikita kang kasama ko na hindi ko na kikita?" inosenteng tanong ko rito lihim naman akong nag diwang nang mawala ang malawak nitong pag kakangisi at napalitan nang naiiritang itsura.

"May tinatago ka din palang kademonyahan eh noh?"nakangising muling saad nito

"May nakikita ka bang sungay ko?" takang tanong ko saka kinapa ang ulo ko para mas inis sila

"Saka the last time Icheck hindi ko rin binanggit na mabait Ako."naka ngusong saad ko para mas lalo pa siyang inisin

Napasinghap ako sa gulat dahil bigla na lang niyang ibinuhos sa akin ang hawak niyang mineral water..

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat yung kinakalaban ako." turan nito, para na akong basang sisiw sa itsura ko

"Wala naman akong ginagawang masama sayo ah."

"Ayaw ko sa isang tulad mong 'Basura' Hindi ka na babagay rito ang mga tulad niyo dapat ay nasa isang basurahan."

"Ang ibig mo ba ay 'sayo'? Hindi bat basurahan ka?ah mali isa ka palang malaking garbage site kung saan tinatapon ang mga 'basura'ng kagaya ko kamo?"inosenteng turan ko rito

I silently laugh dahil halatang halatang inis na inis na siya

"You b*tch! How dare you to compared me with a Trash like you!"nag pupuyos sa inis nitong wika saka ako dinuro duro sa noo medyo na papaatras Ako dahil halatang nag pipigil lang ito nang galit kaya napapalakas ang pag duro duro nito.

"Naamoy ko kasi Ang bulok mong ugali tulad nang basurang tinatapon sa basurahan tulad mo."

"B*TCH!!"Galit na galit nitong wika saka malakas na sinampal napabaling sa ibang iderection ang mukha ko dahil sa lakas nang pag kakasampal nito sa akin.

"Sisiguraduhin kong araw araw mag sisisi kang pinili mong mag aral rito."turan nito bago nila ako iwan

Ramdam ko ang hapdi sa mukha ko dahil sa lakas nang pag kakasampal niya sa akin, paniguradong may bakas nang kamay niya sa mukha ko, tsk ang puti ko pa naman mahahalata agad ang pamumula...

Inis kong pinag patuloy ang pag punta sa classroom para kunin ang wallet ko saka ako tumungo sa locker room para mag palit dahil basa na talaga at para na rin takpan ang namumulang pisngi ko...

Naka ngiting pinag mamasdan ko ang mukha ko sa salamin para siguraduhing ayos na Hindi na mahahalata ang pamumula ng pisngi ko sanhi ng pag kakasampal niya..

Nakakainis ah ni minsan hindi ako pinag buhatan nang kamay ng kahit na sino pero ang babaeng yun ang lakas nang loob na sampalin at saktan ako nang ganun ganun na lang samantalang wala naman akong-fine kasalanan ko dahil ginalit ko siya tsk apaka pikunin kasi ang lakas nang loob na maging attitude tapos ang dali daling mapikon aba matinde.

"Natagalan ka ata?" takang tanong ni Rye pag kaupo ko sa tabi siya

"Naligo Kaba?basa kasi buhok saka iba na yung design ng hoodie na suot mo."takang tanong ni Zia,wiw napansin niya yun mukhang observant ang isang toh..

Secretive (COMPLETED)Where stories live. Discover now