Nagkibit balikat siya. "I'm still the President even if I hire someone as the new CEO of the company. I just want to stay with my family. I will miss everything here if I stay there and work my ass out."

Klinaro niya na para sa pamilya kaya siya nandito sa bansa. Pero bakit mabigat ang pakiramdam ko? Paglunok ko ng laway ay parang may mapait akong nalasahan?

"Ikaw naman ang founder diba. Okay lang na... dumito ka muna pansamantala."

"Yeah." Garalgal niyang sagot.

Nag-iwas ako ng tingin dahil parang glue ang kanyang tingin. Ayokong dumikit sa matalas niyang mata dahil baka masaktan ako.

"Ah, papasok na po ako sa loob."

Hinawakan ko ulit yung handle pero nagsalita ulit siya. Humarap ulit sa kanya.

"Can I invite myself in?"

Nalaglag ang panga ko. Anong gagawin ko? Wala akong maihahandog sa kanya na masarap na pagkain o kahit mamahaling inumin na kagaya ng stocks niya sa penthouse niya.

"Ho? G-gabi na po eh. Hindi ka ba pagod sa trabaho?"

Ngumisi siya. "I became tireless when you said yes on my offer to send you here."

"Ano naman ang gagawin mo dito? Wala akong kahit ano sa apartment ko."

Wala pa akong binili na TV dahil masyado akong busy sa trabaho. Mabuti nalang at nakabili ako ng couch bago pa ako maubusan ng pera. May naayos na ako sa loob ng apartment pero ang plain pa rin ng loob nun dahil hindi ako artsy.

"Why? It doesn't matter if you don't have anything to offer to. I'm fine with your presence alone."

"Pero—"

"No buts nuts. Come out."

At nauna pa siyang magbukas ng pinto sa side niya. Mabilis kong hinawakan ang handle at binuksan ang pinto. Sinarado ko yun. Nag-alala ako dahil alam ko na hindi siya sanay sa maliit na espasyo gaya ng apartment ko. Nakatira siya sa mansyon at may sarili siyang penthouse na may pitong kwarto at apat na bathrooms. Yung akin? Isang banyo at isang kwarto lang. Para sakin ay malaki na yun dahil laki ako sa hirap.

Nasa likod ko siya habang hinahalukay ko ang laman ng bag ko para hanapin ang susi ng apartment. Pagbukas ko ay nauna akong pumasok at binuksan ang ilaw sa sala. Diretso sala na itong apartment ko, pero pinalagyan ko ng barrier sa tabi ng hamba ng pinto para hindi durodiretso. Yung barrier ko ay bali siya yung nagsisilbing linya para kunwari ay hindi boring yung loob. May halaman din akong nilagay sa parehabang shelf. Two meters lang ang haba niya at do'n ko linalagay ang mga magazine na binibili ko at may indoor plants na nasa maliit na pot para may disensyo.

"Maupo ka muna." Aniya at pumasok ako sa kusina. Wala din akong ref dahil hindi sapat yun pumasok sa budget ko ang pagbili ng gamit sa apartment.

May iba pa nga ako na gamit na hindi ko pa kinukuha sa bahay namin sa may squatter.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Alam ko na hindi pa siya nakakakain pero tinanong ko lang siya para makasigurado ako.

"Actually, hindi pa."

"Okay." Napakagat ako ng labi. Dinikit ko ang bewang ko sa lababo. Nag-isip ako kung ano ang lulutuin ko. Wala ni isa akong stock ng karne dahil kapag bumibili ako ay inuubos ko naman lahat na lutuin.

Sardinas at iba pang canned foods lang ang mayroon ako sa aparador. Hindi naman ata kumakain ng sardinas si Phoebian. Huminga ako ng malalim. May gulay ako pa ako na dapat ipapakbet ko. Yun nalang siguro.

Inumpisan kong hugasin ang mga gulay. Nasa malalim ako ng pag-iisip nang lumitaw si Phoebian. Nagulat ako sa presensya niya dahil para siyang kabote.

"Phoebian! Ginulat mo ako."

PhoebianWhere stories live. Discover now