He's a fine grown-up man.

Nagsimula na kaming mag-prepare ni Manang Linda pagkaalis ni Santi. Leave ako ngayong araw sa trabaho. May magagawa ba sila, e ako ang boss.

May tatlong bar akong negosyo, isang pastry shop at dalawang five star restaurant. Nakuha ko ang lahat ng iyon sa yumaong intsik kong asawa na mayaman. Matanda na kaya hindi na talaga magta-tagal ang buhay.

Biyudo na rin siya at walang anak, kaya lahat ng negosyo niya dito sa Pilipinas walang ibang magmamana kun'di ako lang.

Mayaman din naman ang pamilyang pinanggalingan ko, tinakwil nga lang nila ako dahil sa pagbubuntis ko ng maaga kay Santi. Akala ko noon pananagutan ako ni Hernan kaya lakas-loob din akong umalis sa amin. 'Yon nga lang duwag pala ang hinayupak na 'yon at iniwan din ako sa ere.

Nagtrabahao ako kay Mr. Chang, iyong intsik na biyudo na naging asawa ko ng mahigit isang taon bago namatay. Naging mabuti siyang Ama kay Santi kaya totoong minahal namin siya. Hindi nga lang naging maganda ang ending dahil maaga siyang kinuha sa amin.

Kaya heto ako ngayon, sixteen years ng single and always ready to mingle.

Nagliligpit ako ng pinagkainan namin ni Santi nang may sunod-sunod na pag-doorbell akong naririnig na nanggagaling sa labas ng bahay namin. Nag-angat ako ng tingin para sana tawagin si Manang Linda, nang naalala kong pinapunta ko nga pala siyang grocery saglit para bumili ng ilang kakailanganin namin.

No choice, ako ang lalabas. Iisa lang kasi ang kasama namin sa bahay. Mahirap na akong magtiwala sa tao, kaya si Manang Linda na nag-iisang kasama sa bahay ni Mr. Chang noon at ang nagpalaki kay Santi na lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko.

Para na rin kasi naming siyang pamilya.

Matanda na rin si Manang Linda kaya nag-aalala na rin ako kung sino na lang ang makakasama namin ni Santi kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Sana nga lang wala at mas tumagal pa ang buhay niya.

I left what I'm doing and see who's making that noise. Hindi kasi matigil sa pag-doorbell, parang nawawala.

Pagkabukas ko ng pinto kaagad kong nakilala kung sino iyong kanina pa gustong sumira ng doorbell ko. It was Sevi, my son's bestfriend.

Si Sevi lang pala.

"Tita! Andiyan pa po si Santi?!” Kumaway-kaway pa siya mula sa labas ng gate, animo'y nasa kabilang bundok din kung magsisigaw.

Hindi ako sumagot at naglakad na lang palapit sa kan'ya. Wala ako sa mood sumigaw.

“Nakaalis na si Santi. Ikaw, bakit nandito ka pa? Late ka ng bata ka,” kaunting sermon ko sa kan'ya habang nagbubukas ng gate.

Nasa kabilang bahay lang nakatira si Sevi, hindi siguro niya napansing nakaalis na ang kotse ng anak ko. Madalas kasi siyang sumabay kay Santi kapag naiiwanan siya ng mga magulang niya. Palagi kasi yatang late magising.

“Seryosos ba, Tita? Sabi ko hintayin niya ako, e. Nakaalis na kasi sina Mommy.” Napakamot siya sa ulo at bahagyang tumingin pa sa garage namin. Akala siguro nagbibiro ako. Tsk.

I rolled my eyes. “Wanna come? Nagpe-prepare kami para sa party ni Santi,” anyaya ko pa sa kan'ya kahit nakaka-stess na siyang bata siya.

Madalas sigurong sumakit ang ulo ng mga magulang nito. Matigas din kasi ang bungo nito, sabi ni Santi. Babaero at lasinggero.

“Ha? Ngayon po pala ang birthday ni Santi? Muntik ko nang makalimutan. Kaya pala nagchat siya sa akin kani-kanina lang. Akala ko nandito pa siya.”

“Muntik? E, mukhang nakalimutan mo nga. Ano, papasok ka ba o hindi? Marami pa akong gagawin.”

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now