"Sure tita. I'll be there." then we eneded the call.



Oo nga no? hindi nya ako natatandaan pero pwede ko pa rin naman syang mapa-in love sa akin. Bakit di ko naisip yun?



Nag-shower agad ako, mag-eight na. Nagbihis ako ng dress na simple lang, inilugay ko lang ang buhok ko na kulot sa dulo at nag-lipstick lang ako ng light pink para mukhang natural lang.



Pagkatapos ay pumunta na agad ako sa kotse ko at umalis na para pumunta sa bahay nila Ralph.



I'm going to get you back Ralph.



*



"hija" bumeso sa akin si Tita.



"Tita, nice to see you again po." sabi ko.



"Nice to see you too." sabi nya. "lets go inside?" duktong nya pa.



"Sure po." sagot ko.



I hope na maging effective ito.



Pag pasok ko, halatang nagulat si Ralph nang makita nya ako. Ang gwapo nya, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kahit naka V-neck shirt lang sya na white tapos shorts ang gwapo na nya, ang gwapo talaga nitong si Ralph! gusto ko syang yakapin. Yung lips nya parang kulay pitch at ang pinaka nagpagwapo sa kanya yung bagong gupit nyang buhok.



"Hija?" tawag sa akin ni tita na nagpabalik sa akin sa katinuan.



Tumingin ako kay tita at ngumiti. Pina-upo nya ako sa harap ni Ralph. Grabe, pakiramdam ko bumabalik ulit ako sa pagka-highschool. Pakiramdam ko kinikilig ako sa crush ko! PBB Teens! Umayos ka Jane, baka ma-turn off sayo si Ralph!



Hindi ko maiwasang hindi mapa-tingin sa kanya. Kung alam nya lang kung gaano ko sya ka-gustong yakapin, kung alam nya lang na miss na miss ko na sya, yung Ralph na mahal ko.



"Hija, are you okay?" tanong sa akin ng mommy ni Ralph.



"Opo, bakit po?"



"Umiiyak ka kasi." sagot ni tita.


Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now