Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating na rin ako sa wakas sa lugar na ito. Teka san ko ba naibato yung telephone na yun? inikot ko ang buong lugar at sa wakas nakita ko na.




Nang hawakan ko ang telephone na yun ay agad na umilaw iyon at nag-ring. Medyo natatakot ako, kasi syempre di naman naka konekta yun sa kung saan tapos bakit nagriring?



Pero nilakasan ko ang loob ko at sinagot ko ang tawag. "He-hello?"



"Hi jane. Welcome back!" masayang bati ng babae sa kabilang linya.



"teka, sino ka ba? ba't kilala mo ako? at tsaka paano ka nakakatawag dito?" tanong ko.



"kilala kita kasi isa akong fairy."



"Fairy? Fairy kita?" tanong ko.



"Uh, pwede na rin. " sabi nya.



"Oh tutal fairy naman kita... pwede bang tanggalin mo na kay Ralph yung winish ko. Please naman fairy oh." pagmamakaawa ko.



"Ooops. No no no. Hindi yun ganun kadali Jane at isa pa isang beses ka lang pwedeng mag-wish sa akin. Kaya nga meron tayong kasabihan na be careful what you wish for because you just might get it." sabi nya.



"Eh fairy hindi ko naman alam na nag-eexist pa pala ang mga fairy ngayon at isa pa malay ko bang isang wish lang. Please Fairy, give me another chance."



"My dear Jane, na sa'yo na lahat ng chance pero ano? tinake for granted mo lang yun at sinayang. Siguro isipin mo na lang isa itong lesson para sa iyo."



"Wala na ba akong magagawa?" tanong ko.



"Alam mo naman yan sa sarili mo." sagot nya.



"No, hindi ko alam! tatanungin ko ba kung alam ko!" naiinis na ako.



"Alam mo yan, sarado lang kasi ang puso mo. Try mong buksan baka sakaling malaman mo ang solusyon sa problema mo."



"Per—-"



Pero wala na, binabaan na nya ako. Ano ba yun? Ano ba ang dapat kong gawin? Naiiyak na naman ako.



Pauwi na ako pero dumaan muna ako sa isang mall may bibilhin lang ako. Pagkapark ko, nakita ko si Ralph na kalalabas lang din sa kotse nya. Ano ba kailangan kong gawin? baka kailangan ko lang mag-sorry? sige mag-sosorry ako, baka sakaling yun lang pala ang sagot. Tama.



Lumapit ako kay Ralph. Lalakasan ko na ang loob ko, kaya ko 'to!



"Ralph." tawag ko sa kanya.



Napalingon sya sa akin. Tinaasan nya lang ako ng kilay, nagbago talaga sya.



"I'm sorry, Ralph." Maluha-luha kong sabi sa kanya.



"Okay." sabi nya at naglakad na palayo.



"Ralph!" sigaw ko sa kanya kasi medyo nakalayo na sya. Lumingon sya.



"Hindi mo pa rin ba ako natatandaan? Si Jane 'to. Please naman, natatandaan mo na ba ako?" umiiyak na naman ako.



"Umuwi ka na." sabi nya at umalis na sya ng tuluyan.



"Mahal kita Ralph. Mahal na mahal." bulong ko habang pinapanood syang naglalakad paalis.



Ang sakit na panoorin mo yung taong mahal mo na naglalakad sa'yo palayo, yung alam mo na hindi na sya babalik...




Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now