DI BALE NANG MASAKTAN

Depuis le début
                                    

"Siya nga po pala Tita, sya po ang matalik kong kaibigang si Sandra. Kababata ko po siya at inimbitahan ko rin pong mag-volunteer dito sa foundation kapag may libreng oras. Kaibigan din po siya ni Jerome. Siya po ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ng anak nyo," pakilala niya sa kaibigan.

Nahihiyang ngumiti  at pormal na yumukod si Sandra. "Magandang araw po, Mrs. Hernandez."

Natuwa si Mrs. Hernandez sa huling sinabi ni Jessica. Nakangiti itong lumapit kay Sandra at napansin nito ang pagiging simple ng dalaga na nakasuot lamang ng kulay asul na T-shirt ng Dream high, maong na pantalon at rubber shoes. Hinawakan nito ang mga kamay ng babae.

"Naku, ikaw pala ang dahilan ng pagkakakilala ni Jerome at Jessica! Maraming salamat at binigyan mo ng napakabuting girlfriend ang anak ko," masayang wika nito sabay pisil sa pisngi ng nahihiyang dalaga.

Naasiwa si Sandra sa ginawa ng ginang . Nahihiyang tinanggal niya ang kamay sa pagkakahawak nito at mapagkumbabang nagpaalam. "Hindi naman po. Nagkagustuhan po sila at mahal nila ang isa't isa. Yun po ang dahilan hindi po ako... sige po babalik na po ako sa mga bata. Enjoy po kayo sa paglilibot niyo," sabay yukod niya bago tuluyang talikuran ang nakangiting ginang.

Masiglang bumalik si Sandra sa mga bata. At bago muling ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga kuwentong pambata, napahawak muna siya sa dibdib. Hindi niya maintindihan pero tila kinabahan siya nang makaharap ang ina ni Jerome.

"Miss Sandra. Ibang story naman. Yung tungkol naman kay Little Red Ridinghood." wika ng isang matabang batang babae.

Agad siyang natauhan mula sa pag-iisip at saka ipinagpatuloy ang masayang pakikisalamuha sa mga bata."Little Red Riding Hood? Okay simulan naman natin ngayon ang kwento ng isang batang babae na nagngangalang Little Red Riding Hood ..." ipinikit muna niya ang mga mata ng ilang saglit upang alalahanin ang buong kwento.

Seryosong-seryoso ang mukha ng mga bata habang nakikinig kay Sandra. Nadadala ang mga ito sa detalyadong-detalyadong pagkukuwento ng dalaga. Kung hindi ka nakatingin, aakalain mong may hawak-hawak itong libro.

" Ang galing niyo naman Miss Sandra! Ang dami niyong alam na story. Pwede po bang Snow White naman?" puri at hiling ng isang bata.

"Jack and the Beanstalk naman...." hirit naman ng isa pa.

"Miss Sandra Alice in Wonderland naman po..."

"Sandali!Sandali. Isa-isa lang. Huwag kayong mag-alala lahat yan ikukuwento ko," natatawang wika ni Sandra.

"Meron ka bang nakatagong library ng children's book dyan sa utak mo?"

Mabilis na napalingon si Sandra sa nagsalita. "C-Clark?"

Naghagikhikan ang mga bata nang makitang nagulat ang dalaga. Sinenyasan ang mga ito ni Clark na wag sabihing lihim lang siyang nakikinig sa likuran ng babae.

"Okay mga kids next time na lang ulit! Maghanda na kayo at maya-maya  lang ay magsisimula na ang program," nakangiting pagtigil ni Sandra sa pagkukuwento para harapin ang binata.

Nagtayuan ang mga bata upang pumunta ng hall ngunit lumapit ang matabang batang babae kay Sandra. Mahinang hinatak nito ang dulo ng T-shirt ng dalaga.

"Miss Sandra promise mo babalik ka ulit dito sa Dream High ha? Tapos pag pumunta kayo, hanapin nyo po ako ha."

"Syempre naman."  nakangiting wika ng dalaga at sabay haplos sa buhok ng bata.

"Manonood pa po ba kayo ng program o aalis na kayo?"

"Manonood pa. Siyempre panonoorin pa kita."

"Natatandaan nyo po ba ang pangalan ko?"

"Oo naman... ikaw si Missy diba?"

Fast BreakOù les histoires vivent. Découvrez maintenant