LARO NG PUSO

87.5K 1.4K 120
                                    


Naalimpungatan si Sandra. Pagmulat ay kaagad niyang nakita ang mukha ng nakaupong natutulog na kapitbahay. Maingat syang bumangon mula sa mga hita nito at tumingin sa tahimik na paligid. Napatingin siya sa suot na relos, alas dos na ng madaling araw. Ilang oras ba syang nakatulog?

"Mabuti at nagising ka na?"

Napalingon siya sa lalaki. Naalala niya ang mga nangyari. Bigla siyang nahiya sa kapitbahay. Masyado niya itong naabala at nagawa pa siya nitong samahan hanggang sa mga oras na iyon.

"Maayos na ba ang pakiramdamdam mo?"

Tumango siya. "Salamat. Pasensiya ka na at naabala kita. Iniwan mo na lang sana ako nung nakatulog ako."

Tumayo siya para bumalik na sa kanyang unit. Ngunit nang humakbang sya ay pinigilan ni Jerome ang isa niyang kamay.

"Ikaw ba?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya makasagot. Naguguluhan siya sa tanong ng kapitbahay.

"Ikaw ba ang dahilan ng mga kalungkutan na nararamdaman ko mula sa mga libro?"

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw ba?...ikaw ba ang anino na binabanggit ng paborito kong libro?...Ikaw ba?...ikaw ba ang pinaghuhugutan ng mga isinusulat ni Jessica?"

Hindi pa rin siya sumagot. Sa halip ay tinanggal niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jerome. "Pakiusap Jerome, huwag mo muna akong kausapin. Gusto ko pang magpahinga."

Dali-dali siyang naglakad papalabas ng rooftop habang pilit itinago ang biglang naramdamang kaba dahil sa mga tanong ng kapitbahay...

-----

Binasa ni Sandra ang pangalan ng building. Sinisigurado kung yun nga ang gusali ng opisina ng kaibigan. Matagal na silang hindi nag-uusap ni Jessica, simula pa noong nagkaroon sila ng pagtatalo. Gusto nyang makita at makausap ang kaibigan...bago sya umalis ng New York.

Sumakay siya sa elevator at ng papasara na ito ay biglang humabol ang dalawang babae. Natatandaan nya ang mukha ng isang babaeng kulay dilaw ang buhok. Ito ang sekretarya ng kaibigan.

"Mylene handa na ba ang isusuot mo sa party para bukas?"

"Ay oo naman girl! Pinaghandaan ko talagang mabuti yan. Ilang araw akong hindi nakatulog sa kakapili ng design. Lahat na yata ng pagri-research ginawa ko. Inaasam-asam ko talaga na this time sana may matisod na akong prince charming at sana si Mr. Clark Montecastro yun eeeeiiii kinikilig ako sobra!"

"Grabe ang yaman-yaman talaga ng Bluestar no? Imagine mo sa party pa lang na inihanda nila kay Ma'am Jessica eh milyon-milyon na ang halaga!"

"Ay mayaman talaga girl! At huwag kang mag-alala pag napangasawa ko si Clark Montecastro, pamamanahan kita!"

"Pero di ba Mylene, malaki dati ang problema natin sa Bluestar? Bakit parang nabaligtad yata ang mundo ngayon?"

"Ganito kasi yan girl. Itong si Mr. Montecastro may itinatago ding pagkakrung-krung. Noong una inaalok nyang mapangasawa si Ma'am Jessica pero kung ikaw si Ma'am ipagpapalit mo ba ang jowang Jerome Hernandez? No way! At eto na bigla daw may umeksenang kaibigan si Ma'am Jessica na sya naman ngayong biglang hininging kapalit ni Mr. Montecastro para magkasundo sila ni Ma'am. Nagtataka nga ako kung sino ang kaibigan na yun? Wala naman akong nakikitang close friend ni Ma'am na madalas niyang nakakasama."

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang dalawang nag-uusap na babae. Naiwan ang nakatulalang si Sandra. Hindi niya magawang humakbang. Tama ba ang pagkakaintindi nya sa huling sinabi ng sekretarya? Ipinagkasundo sya ng kaibigan nya sa isa rin nyang kaibigan?

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon