LIHIM SA PAGKATAO

95K 1.5K 147
                                    


'....Somewhere over the rainbow
Bluebirds fly.
Birds fly over the rainbow.
Why then, oh why can't I?

If happy little bluebirds fly
Beyond the rainbow
Why, oh why can't I?'

Kumakanta ang isang malusog at magandang bata sa harapan ng kanilang bahay. Nakabihis ito ng puting pambatang bestida at puting sapatos. May puting laso ang mahaba, makapal at maitim na buhok. Nakakatuwang pagmasdan ang namumula-mula nitong pisngi, mapupulang mga labi, matangos na ilong at mga matang may mahahabang pilikmata.

Ngumiti ang bata at nahihiyang iniugoy ang katawan pagkatapos kumanta.

"Ang galing galing!" masayang puri ng pumapalakpak na mamang tagapanood.

Pinitas ng lalaki ang isang pulang rosas sa bakuran at ibinigay sa batang inosenteng nakangiti.

"Nandyan ba ang mga magulang mo?" tanong nito na noon ay may bitbit na isang bag.

Tumango ang bata.

"Pwede ba akong pumasok gusto ko silang makita?"

Walang pag-aalinlangang sinamahan ito ng bata papasok ng kanilang bahay.

Lumabas mula sa kuwarto ang mga magulang ng bata. Nagulat ang mga ito sa estrangherong pumasok sa kanilang bahay. Binuksan ng estranghero ang dalang bag at naglabas ng baril. Sa ilang iglap lang ay walang awang pinagbabaril nito ang mag-asawa.

Nagtago ang bata sa tabi ng isang silya.  Umiyak nang malakas habang nakahandusay sa harap niya ang walang buhay at duguang mga magulang. Dinampot siya ng lalaki. Karga-kargang itinakas patungo sa malapit na gubat.

Doon ay ibinaba siya ng mama. Umatras papalayo ng ilang hakbang. Kinuha ang baril... Itinutok sa ulo... At nagbaril ng sarili.

------

Nagmulat si Sandra. Nakita nya ang puting ilaw sa kisame. May kaingayan ang paligid. May naglalakd ng mga nakaputing uniporme. Lumingon sya sa kanyang kanan at nakita ang nakasabit na dextrose. Nakabantay sa tabi niya si Justin. Bigla itong umayos ng upo nang malamang gising nsa siya.

"N-Nasaan ako?" Mahinang tanong niya.

Sinubukan niyang bumangon ngunit pinigilan siya ng lalaki.

"Andito ka sa emergency room ng isang hospital. Huwag mong piliting kumilos. Sandali lamang at tatawag ako ng doktor." Mabilis na tumayo si Justin at dali-daling pumunta sa nurse station.

Agad na napaupo si Sandra  matapos marinig ang salitang hospital. Tatayo na sana siya ngunit nakaramdam sya ng pananakit sa kanang kamay. Napatingin siya sa palad na nababalutan ng benda. Unti-unti nyang naalala ang mga nangyari. Nagmadali siyang tumayo ngunit siya namang balik ni Justin.

"Sandra please huwag ka munang gumalaw. Hintayin natin ang doktor," pigil nito.

Kunway tumawa siya. "Wala to. Huwag kang  mag-alala. Ganito lang talaga ako minsan pag nakakainom ng alak... Kanina pa ba ako dito?"

"Mga dalawang oras ka ring nawalan ng malay."

Hinanap niya ang kaibigan. "Nasaan si Jessica?"

"Nasa kotse, magkasama sila ni Jerome. Magkakasama kaming nagdala sayo dito pero ako na lang ang nagpasok sayo sa ER baka magkagulo lang ang mga tao pag sumama pa sila."

Hindi mapakali sina Jessica at Jerome habang naghihintay sa kotse. Nanginginig ang mga kamay ni Jessica. Namumutla na sa pag-aalala sa kaibigan.

"Huminahon ka. Walang mangyayaring masama kay Sandra," kalma ni Jerome sa kasintahan.

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon