SINUNGALING KONG PUSO

85.9K 1.5K 146
                                    




May dalawang nakaparadang tour bus sa harap ng Dream High Foundation. Lahat ng kasama sa outing ay nakasakay na sa loob maliban kay Sandra na nakatayo pa rin sa labas at nakaabang sa kalsada.

Bumaba sa bus ang naiinip ng si Jessica. "Sandra ano ka ba? Nakakahiya na kay Jerome, isang oras na tayong naghihintay! Hindi na darating si Clark! Baka sumunod na lang iyon kasi hiningi niya naman sa akin ang address!"

"Sandali lang Jessica. Hintayin natin. Fifteen minutes na lang."

"Fifteen minutes na lang talaga ha. Kapag hindi ka pa umakyat ay bubuhatin na kita dyan at isasakay dito sa bus!"

Bumalik sa loob ng bus si Jessica. Magkatagpo ang mga kilay na tumabi sa boyfriend. "Pasensiya ka na Jerome, fifteen minutes na lang daw. Ang tigas ng ulo ng kaibigan kong iyan. Umaasa pa ring darating talaga si Clark."

Sinilip ni Jeromes sa bintana ang nag-aantay na babae. Hawak-hawak nito ang telepono habang paulit-ulit na tumatawag. Maya't maya rin itong tumitingin sa kalsada at sa relos.

"Madalas ba itong mangyari sa kaibigan mo?" kaswal na tanong niya.

"Ano pa ba ang inaasahan niya sa isang presidente ng malaking kumpanya! Syempre kahit nakapangako sa kanya ang tao eh hindi pa rin maiiwasan na may mga emergency na maaring mangyari sa trabaho. Alam niya namang minsan ay hindi hawak ng boyfriend niya ang oras."

Pagkalipas ng labinlimang minuto ay matamlay na umakyat si Sandra sa bus. Tahimik itong naupo sa tabi ni Missy.

"Ano Sandra pwede na ba tayong umalis?"tanong ni Jessica.

Sumagot ng tango ang dalaga.

"Huwag kang mag-alala, susunod yun si Clark. Syempre pababayaan ka ba naman nun na magbakasyon ng tatlong araw na hindi siya kasama," sambit ni Jessica nang mapansin ang malungkot na mukha ng kaibigan.

Sinagot ni Sandra ng tipid na ngiti ang kaibigan. Alam niyang pinapagaan lamang nito ang pakiramdam niya. Pero gaya niya, alam na rin nito na may posibilidad na maaaring hindi na siya siputin ni Clark.

Sinimulang paandarin ng driver ang makina at nagpatutog ito ng mga pambatang kanta.

"Sandali!" sigaw ni Jerome.

Tumayo si Jerome at lumapit sa driver. Binusisi niya nang mabuti ang mga kanta. Gusto niyang makasiguradong may isang kantang hindi mapapatugtog. Pagbalik ng upuan ay agad siyang binigyan ni Jessica ng nagdududang mga mata.

"Gusto ko lang makasiguradong magiging maayos ang byahe natin," bulong niya.

Umabot ng apat na oras ang naging biyahe nila. Pagdating sa resort ay masayang nagbabaan ang mga bata. Nabighani ang lahat sa ganda ng tanawin ng kanilang pagbabakasyunan. Napapalibutan ito ng matataas na bundok na may mga naglalakihang mga maple tree na mga naninilaw at namumula na. Sa loob ng resort ay matatagpuan ang isang magandang waterfalls na may malakristal sa linaw na tubig. Maganda rin ang ilog na pinagdadaluyan ng tubig mula sa talon. Bukod sa natural na paliguan, merong dalawang kaya-ayang mga swimming pools. Isang pambata at pangmatanda. Maraming nakatanim na puno't halaman. Maaliwalas at magaan sa pakiramdam tingnan ang maliliit ngunit cute na mga cottages.

Inarkila ng Dream High ang buong resort. Iniiwas ni Jerome ang foundation mula sa mga mapanuring matang bumubuntot sa kanya. Tahimik ang resort at nang magsidatingan sila ay saka lamang umalingawngaw ang ingay dito na nagmumula sa mga masasayang bata.

"Magkasama po tayo sa room ha," bigkas ni Missy hawak kamay silang naglalakad ni Sandra.

"Siyempre naman. Eh sino pa ba naman ang pwede kong makasama kundi si Missy lang."

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon