Pinatakbo na ng mama ang taxi. Nakahinga uli ako ng malalim dahil nakapasok kami sa village na yun at pinara ako sa zone kung nasaan ang apartment ko. Nagbayad ako at saka lumabas.

Ang lalim ng ginawa kong pagbuntong-hininga.

Napansin ko yung malamig na bagay na hawak ko. Yung canned beer na dala ko pa. Napanguso ako saka tinapon nalang ang beer. Wala talaga akong ganang uminom lalo pa't hindi ako sanay.

"That's not so very nice miss Gascon."

Napasinghap ako nang may magsalita sa gilid ko. Hindi ko napansin ang aninong bulto na nakasandal sa malaking sasakyan. Akala ko ay ibang tao ang nakaabang sakin pero dahil natunugan ko agad ang kanyang pamilyar na boses ay nawala ang takot ko.

Lumabas siya mula sa madilim na sulok na kinatatayuan niya kanina. Nakapamulsa siya.

Para siyang nasa men in black dahil sa suot niyang three piece suit. Ang ganda sa mata ang kanyang porma. Ang ganda niya talagang pumorma kahit saan siya magpunta. Kahit nasa bahay lang siya ay elegante parin ang dating niya.

"Uh, sir Phoebian? Ano po ang ginagawa niyo dito? Gabi na. May importante ba kayong kailangan sakin?" Pakiramdam ko ay may kailangan siya sakin dahil hindi siya pupunta dito sa lugar ko kung wala siyang kailangan.

Inisip ko agad ang penthouse niya. Baka yun nga. Baka kailangan kong linisin ang penthouse niya dahil ilang Linggo na rin na hindi yun naglilinisan dahil palagi siyang wala.

Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya ng malalim. Kasing dilim ng gabi ang kanyang tingin sakin. Bakit?

"I found out you weren't home. I knocked on your door but your landlady told me that you're still not home. Where have you been? The night is dangerous for a single woman like yourself."

Nag-iwas agad ako ng tingin.

Paano kaya niya nalaman yung apartment ko? Sure ako na hindi ko pinaalam sa kanya. Nagtanong ba siya? Posible.

"Uh... nagkayayaan yung sales department na...uh... lumabas at uminom. May birthday kasi kaya napasama kami."

"And you just came home? Ang bagal pa ng lakad mo. Paano kung may makakita sayo dito na lalaki at hindi tuwid yung isip? You'd take note of it. Maiarie even though you're 22 or 23, those nymphos could do whatever they want to do with you. I hope this is the last time na uuwi ka sa apartment mo na gabing-gabi. Dapat ay natutulog ka na sa oras na'to. A beauty like you should sleep soundly at this very hour."

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinupuntos niya. Alam ko na maraming masamang tao ang umaaligid sa village namin pero kahit naman saang lugar ay hindi ligtas.

Kung ano man ang gusto niyang iparating, wala naman problema sakin yun. Basta ang importante ay nakauwi ako ng buo. Okay na yun sakin.

"Noted sir Phoebian. May iba po ba kayong kailangan sakin? Ano nga po pala ang sadya niyo dito?"

Maitim parin ang awra ni Phoebian. Pero kalaunan ay tinapik niya ang balikat ko at may binilin sakin.

"Tomorrow evening. You know what to do in my penthouse. I have your phone number by the way, I just text you my password of my penths because I have anything else to make. Just see you on Monday. Get inside now."

"Huh? Hindi ko po kayo maintindihan."

Mahina niyang tinulak ang likod ko para papuntahin sa apartment ko. Nalilito pa rin ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

Hindi ako makaalma sa kanya dahil tulak-tulak niya ako.

"Phoebian." Madiin kong sabi.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kanina ay para siyang lobo na handang manakmal. Ngayon naman ay nagawa na niyang ngumiti.

PhoebianWhere stories live. Discover now