"Satingin niyo mahalaga pa ang bagay na iyon!? Bakit, deserve ba ni Matilda na galangin kahit na hindi siya marunong manggalang!?" puno ng frustasyon na sabi ni Lie. Kitang-kita niya ang panginginig ng mga braso nito dahil sa matinding galit. 

"Mr. Chaves, wala ho kayong sapat na evidence para mapatunayan na talagang sinasaktan ni Matilda ang nanay niy-" 

"Hindi pa ba sapat na evidence 'tong mga sugat ng nanay ko!?" sigaw nito. Halata na mas lalo itong nagagalit akaya agad ng umiksena si Lia. 

"I hope this photo is enough to be evidence." Saka niya nilahad ang litrato na kinuha niya kanina lamang. 

Tumango ang principal at binalik na sakaniya ang phone. Mabilis niyang binulsa iyon at nakayukong dumiretsyo papunta sa labas. Kanina pa ang oras ng klase nila ngunit wala pa rin siya kaya kailangan niya ng kunin ang mga gamit niya na iniwan sa lapag. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Hindi na naka-abot si Lia sa isa niyang subject kaya ang sunod na subject na lamang ang naabutan niya. Mabuti na lamang at walang assignment na binigay sakanila kanina nag teacher niya kaya hindi na siya nag-aalala pa. 

Hindi niya na rin muna ininda ang likuran niyang kanina pa sumasakit. Pilit niyang hindi pinapansin ang nararamdaman niya dahil kung pagtutuonan niya iyon ng pansin ay baka mas lalong sumakit iyon. 

Sinundo pa 'nga ng isang teacher ang mga kaibigan ni Matilda kanina lamang dahil siguro ay paparusahan na ang mga ito. Sa ngayon ang piangdadasal niya ay sana hindi gano'n kalala ang natamong sugat ng ginang. 

Ayaw niyang makitang nasasaktan si Lie kaya ginawa niya lahat ng makakaya niya upang hindi lumala ang sitwasyon ng nanay niya. 

Hanggang sa mag-uwian ay wala siyang nakitang Lie. Kahit ang bulto nila Olivia, Nate at Cary ay wala. Pero naiintindihan niya naman dahil kailangan talaga nila pagtuonan ng pansin ang ginang. 

Paika-ika siyang naglalakad pauwi. Hindi na siya nag aksaya ng pera para mag tricycle dahil nag-iipon siya gamit ang mga baon na binibigay sakaniya ng kaniyang ina. Iniipon niya iyon para in case of emergency, may may magagamit siya. 

Pinag titinginan pa 'nga siya ng mga tao dahil para siyang nabalian ng buto habang naglalakad. Pa minsan-minsan ay tumitigil siya upang makapagpahinga. 

Nakahinga naman siya ng maluwag ng tuluyan na siyang makapasok sa bahay nila. Hinayaan niya na lamang ang mga gamit niya na bumagsak sa sahig at diretsyong nagtungo sa sofa. Padapa naman siyang humiga at hinayaan ang sarili na kainin ng dilim. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Nagising na lamang si Lia ng marinjig na may sumisigaw sa labas ng bahay nila. Kahit masakit at naantok pa siya ay pinilit niya ang sarili na tumayo. 

Para siyang zombie kung maglakad papunta sa pintuan. Papikit-pikit pa ang mata niya habang naglalakad siya papunta sa gate. 

May pamilyar na bulto siyang nakita ngunit hindi niya pa maibuka ng tuluyan ang mata niya dahil hinihila pa rin siya ng matinding antok. 

"Who are you-" Hindi na natuloy ni Lia ang pagsasalita niya ng maramdaman niya na lang na nakasandal ang ulo niya sa dibdib sa istrangherong lalaki. 

"Sorry," puno ng pagsisi na bulong nito at mas lalong hinigpitan ang yakap sakaniya. 

Nawala lahat ng antok ni Lia sa katawan niya at mahinang tinulak ang dibdib ni Lie upang makita niya ng tuluyan ang mukha nito. 

"W-Why are you here?" Para siyang nakakita ng multo sa tono ng boses niya. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now