Nakalabing tumango naman si Lia. "Y-you're good at massaging." 

Mariin na nakagat ni Lie ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang sarili sa pag ngiti niya ng malawak. Baka tuluyan ng mapunit ang labi niya kung hindi niya pipigilan ang sarili. 

"Mula pa lang noong bata ako ay ako na ang nagmamasahe kay mama kapag galing siya sa trabaho. Dahil doon ay na inspire ako mag tayo ng isang salon balang araw. Nakikita ko kasi si mama dati na kinukuluyan niya 'yung sarili niyang daliri gamit ang nail polish kaya gusto ko balang araw, ako naman ang gagawa sakaniya 'nun. Aayusin ko rin 'yung buhok niya tapos ma-make up ko rin siya. Wala akong pake kung sasabihan nila akong bakla. Imudmod ko pa sa mukha nila 'yung mga nail polish ko eh." 

Mahinang natawa si Lia na siya lamang ang nakakarinig. Pero sobrang natutunaw ang puso niya dahil sa narinig. Mas lalo niya pang nakikilala ngayon si Lie. Kung gaano siya kabait, maunawain, ma-alaga na anak, kapatid at kaibigan. 

May kakaibang nararamdaman na naman si Lia ngunit agad niyang inalis iyon. 

Tinapik niya muli ang ulo ni Lie na para bang puppy niya ito. "For sure, your mother is really proud of you. And she's lucky because you're his son." 

"Sobrang swerte ko rin dahil siya ang naging nanay ko 'no." 

Lumabi siya saka tinanguan si Lie. "Parehas kayong swerte sa isa't-isa." 

Hindi maiwasan na makaramdam ng inggit ang dalaga sa pamilya ni Lie. Hinihiling niya na sana iba na lang ang nanay niya. Na sana napunta na lang siya sa nanay na handa siyang alagaan at pasiyahin sa abot ng makakaya niya. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Nag-unat ang dalaga ng sa wakas ay natapos na ang lahat ng gawain sa caregiving lesson nila. Siya lagi ang nahuhuli na umalis sa room nila dahil laging may pa extra na pinapagawa sakaniya ang teacher nila. 

Hindi naman niya magawang mag reklamo dahil may dagdag iyon grades. Isa pa at kailangan niya na talagang bumawi sa lahat ng subject niya, at kasama ang caregiving doon. Ayaw niya na ulit makarinig ng sermon at sumbat mula sa nanay niya. 

Mabuti na 'nga lang at hindi natuloy ang binabalak ng mga classmates niya noon na gagawa sila ng paraan upang bumagsak siya at hindi na siya tuluyang maka graduate. Hindi na rin siya ginugulo ng mga 'to simula noong huling away nila. 

Pero kahit gano'n ay parang may mali siyang nararamdaman. 

Tahimik na naglalakad lamang siya sa walang ka tao-tao na hallway ng bigla na lamang siyang nakarinig ng halakhakan. Hindi niya na sana iyon papansinin pero narinig niya na may pamilyar na nagsasalita kaya dahan-dahan niyang nilingon kung sino iyon. 

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagtakip ng bibig niya upang hindi tuluyang lumabas ang malakas niyang pagsinghap. 

Nakita niya lang naman na pinapalibutan nila Matilda at ang mga kaibigan niya ang nanay ni Lie. Gamit ang mga nanginginig na kamay, nilabas niya ang kaniyang cellphone upang picturan ang bawat scenario na ginagawa nila Matilda. 

Sinasabutan, tinatadyakan at sinasabihan ng kung ano-anong masasakit na salita ang nanay ni Lie kaya hindi maiwasan ng dalaga na masaktan. Parang may kung anong matulis na tumatarak sa puso niya habang pinapanood ang nanay ni Lie na walang ginagawa para lang makalaban. 

Sa hindi malamang dahilan ay bigla niya na lamang nakita ang sarili ngayon sa sitwasyon ng nanay ni Lie. Gan'yan na gan'yan din siya noon, ni wala man lang siya ginawa upang mapagtanggol ang sarili dahil alam niyang wala lang silbi iyon. 

Malakas siyang bumuntong hininga at binulsa na ang phone niya. Nilapag niya ang mga gamit niya sa sahig at tinali ang buhok. Wala na siyang pakialam ngayon kung masusugatan man siya sa gagawin niyang pangengealam, ang mahalaga ay maligtas niya ang ina ni Lie. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now