CHAPTER 3

24 2 0
                                    


Leanna

Matapos ang nangyari ng araw na 'yon ay tinulungan ko talagang maka-move on si Finn. Although up until now ay hindi pa rin siya nakakapag-move on pero we are working on it already.

Sana lang talaga ay makalimutan niya ang ex niya. Kasi I don't know what would I do anymore actually.

Nahihirapan ako, aaminin ko 'yon pero hindi ko 'yon gagawing rason para sukuan siya. Mahal ko na siya eh.

Hindi na 'to crush lang. Hindi na 'to gusto lang.

Mahal ko na talaga siya.

At ang nararamdaman kong iyon ay hindi ko maamin sakanya.

Hindi ko maamin because I don't want to confuse him. I want him to realize his own feelings, his own true feelings. I don't want him to love me just because I love him. It doesn't work that way.

Magkasama kami ngayon sa mall dahil nag-aya siya ng date. This is not our first time going on a date pero hindi ko pa rin mapigilan na sumaya at kiligin sa tuwing inaaya niya ako.

"Hey, saan mo gusto kumain?" tanong sa akin ni Finn habang naglalakad kami sa loob ng mall.

"Kahit saan naman, ikaw bahala." nginitian ko siya.

"No, Ikaw ang pumili. Sige na." nginitian niya naman ako pabalik.

Sasagutin ko pa sana siya pero inunahan niya na ako.

"Come on, ikaw na ang pumili. At tsaka sa tuwing may date tayo ako ang nag de-decide kung saan tayo kakain kaya ikaw naman this time." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Makulit talaga 'to eh. Pero cute naman hehe.

"Sige na nga," sagot ko sakanya at hinila siya sa isang restaurant.

"Royal Prince Restaurant?" basa niya sa pangalan na nakalagay sa taas ng restaurant.

"Yup! Favorite restaurant ko 'to kasi sobrang sarap ng dumplings and spring rolls nila dito. Promise!" I said in an excited tone.

Highschool ata ako nung first time ko kumain dito kasama sina Mom and Dad. 'Yon rin ang first time naming mag bonding ng walang istorbo from their work kaya memorable iyon sa akin.

And mababait rin kasi ang workers dito kaya naman parang naging comfort place ko na 'to.

Minsan nga dito ako napunta at nakain kapag stress or may problem ako kasi kumakalma at gumagaan talaga ang kalooban ko sa tuwing kumakain ako ng dumplings nila.

"This is a Chinese restaurant, right?" tanong sa akin ni Finn habang hila-hila ko siya papasok ng restaurant.

"Yes." sagot ko habang may malawak na ngiti sa mga labi.

Tumango-tango lang siya at umupo na kaming dalawa sa isang table at may lumapit na isang waiter sa amin.

"Good afternoon po, ma'am and sir. May I take your order po?" the waiter smiled at us and may nilapag siyang isang menu sa table namin.

"Try mo 'yung dumplings and spring rolls dito. Sobrang sarap non." sabi ko kay Finn.

"Sure! I'll try that." tumingin naman siya sa waiter at sinabi ang order namin.

"Dumplings and spring rolls po." he said and nakita ko na inilista ito ng waiter sa isang papel na hawak niya.

"Chow Mein tsaka sweet and sour pork rin po." sambit ko sa waiter kaya inilista niya rin ito.

"How 'bout drinks po?" tanong sa amin ng waiter.

Naghanap ako sa menu ng pwede naming inumin.

"Iced tea will do po," tumango naman si kuya waiter sa sinabi ko.

A Fragile's CryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora