PROLOGUE

53 5 5
                                    


Leanna

Kanina pa ako nakasimangot dito dahil wala akong tigil na inaasar ng lalaking bugok na 'to.

Argh! Nakakainis siya! Bakit ba ayaw niya akong lubayan?

"Ano ba?! Kanina pa ako nagtitimpi sayo ah! Bakit ba ayaw mong tigilan 'yang pang-aasar mo sakin ah?" tanong ko sakanya habang naka-kunot ang noo.

"Nakakunot na naman 'yang noo mo, ang cute cute cute mo talaga" pinisil niya ng pino ang pisngi ko.

Inis na tinanggal ko ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi at pinaghahampas siya. "Bwisit ka talaga" inirapan ko siya at akmang aalis na pero hinila niya ako pabalik.

"Oh ba't aalis ka? Samahan mo ko rito" nag pout pa siya sa harapan ko.

Yuck! Kadiri naman 'to, akala niya naman cute siya doon.

"Ayoko nga! Ano tayo close? Hoy hindi no!" sabi ko sakanya at binawi ang braso ko.

"Sasamahan mo lang ako eh, saglit lang naman" sambit niya sakin.

"A.YO.KO" pag-emphasize ko pa sa salitang ayoko sakanya.

"Sa ayaw mo at sa gusto sasamahan mo ko rito." ngumiti siya sakin at hinila ulit ako papalapit sakanya.

"Ano bang trip mo ha? Sa dinami dami ng babae dito sa university na 'to ako ang naisipan mong pag-tripan?" I gave him a death stare while waiting for his answer.

"I'm not playing around, Jannyn. I just want to be with you masama ba 'yon?" what he said made me silent.

Ano bang pinagsasasabi nito? Gusto niya akong makasama? Bakit?

"Loko-loko ka ba? Isang linggo pa lang tayo magkakilala kung maka-dikit ka naman sakin diyan akala mo childhood besties tayo." sabi ko sakanya na ikinatawa niya.

"Really? Besties? Is that what you want us to be? Just friends?" inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa akin kaya naman napa-atras ako.

"Hindi." sagot ko,

Nakita ko naman ang pag-taas ng isa niyang kilay sa sagot ko. "Then what?" he asked me again, bringing his face closer to mine.

"Ayoko maging kaibigan ka kasi masakit ka sa ulo! Lagi mo akong inaasar, gago 'to. And can you please stop calling me Jannyn? Lea na lang ang itawag mo sakin." sabi ko at itinulak siya palayo.

Baka may makakita samin tapos ma-issue pa kaming dalawa. Buti na lang wala masyadong nakain dito sa fast food chain na 'to.

Hala, baka kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko, lagot na naman ako kung ano-ano na namang tanong ang matatanggap ko doon sa mga 'yon. Itong lalaking kasing 'to akala mo naman nasa akin ang pagkain niya at ayaw akong payagang umalis.

"Nope. I will call you Jannyn. End of discussion" ginulo niya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sayo, Oliver."

"How many times do I have to tell you na Prince ang itawag mo sakin,"

"Oliver na lang" sabi ko

"Prince" pagpipilit niya.

"Oliver" sabi ko ulit

"Prince" pagpipilit niya ulit.

"Oo na! Oo na! Prince na ang itatawag ko, okay na?" I gave him a bored look.

Aayos na sana ako ng upo ng biglang makita ko ang dalawang tao na iniiwasan ko.

Shit! Ayoko na dito!

Tumayo na ako bigla at umalis na, hindi ko na hinintay ang sasabihin ng lalaking bugok na 'yon.

Kailangan ko na ring umalis kanina pa ako tinetext ng mga kaibigan ko.

Ayoko pa makita siya, kailangan kong mag-move on. Mahirap na maging tanga ulit. Mahirap na.

——————————————————————————————————

                   tender_lotus

A Fragile's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon