CHAPTER 2

22 3 0
                                    


Leanna

Nakain na kami ng dinner ngayon habang walang tigil ang pagtatanong sa akin nina Allie at Steph.

Kanina pa nila ako kinukulit sa kung ano raw ba ang ginawa namin ni Finn.

At kanina ko pa rin sinasabi sakanila na tinuruan ko lang siya.

Ang mga bruha ay gusto pa raw ng details, kung meron pa raw ba kaming ginawang iba. Kung umamin na raw ba ako. Kung sweet ba siya sa akin. Kung sumugod raw ba 'yung girlfriend niya.

Jusko! Sumasakit ang aking head sakanila. Ang kulit ng mga kaibigan ko, my gosh.

"Guys, wala nga kaming masyadong ginawa. Tinuruan ko lang talaga siya tapos kwentuhan ng kaonti. 'Yon lang." I gave both of them a look and continued eating.

"Eh anong pinag-kwentuhan niyo?" tanong ni Allie,

"Kung ano-ano lang," sagot ko, hindi tumitingin sakanilang dalawa.

"Masaya ba siya kasama?" tanong naman ni Stephanie,

"Oo," sagot ko naman ulit, hindi pa rin tumitingin sakanilang dalawa.

"Did he asked you out?" Stephanie asked again

"No," kinuha ko ang baso at uminom ng tubig

"Ano ba 'yan, tsk." reklamo ni Allie

"Sabi ko naman sainyo, nothing special happened." ngumiti ako ng tipid sakanilang dalawa.

Natapos na kami kumain at ako ang nag-ligpit ng pinagkainan namin.

Pagkatapos ko mag-ligpit ay nag-shower na ako at naggawa ng assignments. Buti na lang at hindi ganoon karami ang binigay sa amin ngayon kaya hindi ako stressed out.

Patapos na ako sa mga assignments ko nang biglang nag-ring ang phone ko kaya tinignan ko ito at unknown number 'yung tumatawag. I don't answer unknown numbers kaya hinayaan ko na lang mag-ring ito. After ilang minutes ay tumigil na ito sa pagtunog pero biglang may nag-pop na notification sa phone ko kaya tinignan ko.

It's a message from the unknown number na tumatawag kanina.

Kumunot ang noo ko at tinignan ko 'yung message na sinend niya.

'Si Prince 'to, answer me.'

Prince? Wala naman akong kilalang Prince ah. Baka naman wrong number lang si kuya. Nagulat ako nang biglang nag-ring ulit ang phone ko, 'yung number ulit 'yung tumatawag na si Prince daw siya.

I decided na sagutin ito para sabihin na wrong number siya.

"Hello?" wala akong narinig na kahit ano mula sa kabilang linya.

"Hello po?" sabi ko ulit pero wala talagang nasagot.

Baliw ba 'tong Prince na 'to? Tatawag siya pero hindi naman magsasalita.

"Uhm, wrong number ka po ata, kuya." sabi ko naman

Wala pa rin nag-sasalita. This is starting to creep me out kaya I decided na mag-paalam na.

"I'll drop the call now. I don't know who you are" sabi ko at ibababa ko na dapat ang tawag pero may nag-salita sa kabilang linya.

"Yeah," lalaki 'yung boses. Ang lalim ah at tsaka ang gwapo ng boses.

Jusko, Leanna nakuha mo pa talagang icompliment 'yung boses nung lalaki eh what if may balak na masama 'yan at itrack itong call.

Natakot naman ako dahil sa naisip ko kaya binaba ko na talaga 'yung tawag. Ang creepy naman non. Dahil natakot ako ay binura ko na 'yung number at tinurn off 'yung location ko.

A Fragile's CryWhere stories live. Discover now