"Napakaganda Binibini!" sambit ko sa kaniya. Napangiti ito habang nakaharap sa salamin. "Sa iyong palagay Eliana maganda ba ito sa paningin ni Ginoong Samuel?" Muli niyang tanong.

Napatango ako sa kaniya. "Tiyak Binibini na kayo'y marilag sa paningin ni Ginoong Samuel" tugon ko habang pinagmamasdan siya sa harap ng salamin.


Tinulungan ko rin siyang pumili ng mga alahas na gagamitin niya at sinuot iyon sa kaniya. Ternong puti ang aking suot na may kinang nang kaunti, regalo ito sa'kin dati ni inay at itay noong aking kaarawan.

Hindi ito kasing ganda at garbo ng damit ni Binibining Miranda, at kung mayroong mang magarbo sa'kin iyun ay ang suot ko lamang na ipit na regalo mismo ni Binibining Solana.

"Halika ka na Eliana at baka kanina pa nasa labas sila ina." wika niya nang matapos na siyang mag-ayos napatango ako sa kaniya at at lumabas na rin kami sa kaniyang silid.

Nadatnan kong nasa sala si Manang Linda, Lita gayun na rin si Rosa. Nginitian ako kami ni Manang Lita. "Humayo na kayo Binibining Miranda nauna na ang inyong ama't ina, si Ginoong Lazaro ay susunod na rin." wika niya.

"Sige ho, mauuna na ho kami." paalam  ni Binibining Miranda bago ako nito hinawakan sa aking kamay. Nagpaalam ako sa kanila bago kami tuluyang sumakay sa kalesa.

"Eliana hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon-ngayon pa lamang," panimula niya nang makasakay kami sa kalesa.


"Bakit naman Binibini? Hindi ba dapat maging maligaya ka sapagkat muling magtatagpo ang inyong landas ni Ginoong Samuel." wika ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit tila may lumalabag sa'king kalooban sa tuwing binabanggit ko ang mga sinabi ko kanina.


Napahinga siya nang malalim at napangiti. "Hindi ko alam Eliana, marahil ay mababaw lamang talaga ang aking damdamin. Sana'y sa oras na magkita kami mamaya mayroon na siyang tugon sa aking liham," wika niya at tumingin sa'kin habang hindi maikaila ang ngiti sa kaniyang labi.


Napatango ako at tipid na ngumiti  "Panigurado akong may tugon na si Ginoong Samuel mula sa inyong liham," wika ko at umiwas muli ng tingin.

Wala na kaming gaanong napag-usapan hanggang sa makarating kami sa mansyon ng Delos Santos. May karamihan na ang taong nasa loob ng mansion at ang iba'y nagkakasiyahan na. Nauna akong bumaba sa kalesa at inilalayan si Binibining Miranda sa pagbaba.

"Napakaganda!" bungad kaagad ni Binibining Miranda nang makapasok kami sa kanilang tarangkahan.

Masigla na ang kasiyahan at kaliwa't kanan na rin ang mga serbidora sa pagbibigay ng mga pagkain at inumin. Nagkalat ang mga upuan at mesa sa gitna at nasa gilid naman ang mahabang lamesa na naglalaman ng mga pagkain. Napakaganda at napakagarbo ng bawat paligid mayroon ring enteblado sa harapan at hindi magkamaliw sa pagtugtog ang orkestra.

Napabalik ako sa ulirat nang mapagtanto kong  ako na lamang mag-isa ang naroon at wala na sa'king tabi si Binibining Miranda.

Agad kong hinawakan ang  kahabaan ng aking saya at daling tinahak ang daan papasok sa mansion. Napakabilis mawala sa aking paningin si Binibining Miranda bumaba lamang ako sa kalesa ngunit wala na siya.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo hindi ko kabisado ang lugar na aking tinatahak. May karamihan na rin ang mga tao at ako'y nangangamba na baka madungisan ko ang kanilang mga kasuotan.

Muli kong tinahak ang kalawakan ng mansion ng Delos Santos, pabaling-baling ako ng paningin sa kaliwan't kanan. Hindi ko akalain na ganito kaagad ang takbo ng oras ngayon. Ni hindi ko man lang nasubaybayan si Binibining Miranda kung saan ito nagtungo.


Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now