"Caitlyn."
"How's your head? Masakit pa ba?"
"Cate we're really sorry."
"Secooond, oi!"
Pasok sa isang tainga labas sa kabila ang mga boses ng kaibigan ni Caitlyn.
Patuloy lamang si Caitlyn sa paglalakad papunta sa dorm, nakabuntot naman sakanya ang kanyang mga kaibigan na para bang nawawalang mga tuta. Yung mga estudyante naman na makakasalubong nila ay kusang gumigilid para padaanin ang maingay na grupo.
Ever since nung nangyari sa cafeteria kanina, hindi na pinapansin ni Caitlyn ang kanyang mga kaibigan na patuloy pa din sa pagkulit sakanya.
Just as when Tyler and Carter was about to hold Caitlyn's hand to stop her, biglang tumunog ang mga speaker sa palibot ng akademya, dahilan upang matigilan ang lahat ng estudyante para pakinggan ang anunsyo.
"Good afternoon, students. The Headmistress is calling for the attention of Phantoms, Barbarians, Copycat, 3C and the Parr Twins of Clone. I repeat, the Headmistress is calling for the attention of Phantoms, Barbarians, Copycat, 3C and the Parr Twins of Clone. Please proceed to the Headmistress's office. Good day."
Nagkatinginan sina Marcus.
"And ano naman kaya ang kailangan ng baliw na yun?" Pinameywangan ni Freia sina Tyler na nagkibit balikat.
"Beats me. Baka kailangan ng atensyon." Nagtawanan sina Clayton dahil sa sinabi ng kanilang leader.
"Guys, baka bibigyan tayo ng punishiment dahil sa ginawa natin sa cafeteria kanina." Napatingin ang lahat kay Krista.
Natahimik sila.
"Bahala kayo, basta kami--" Natigilan si Chase sakanyang sasabihin ng makitang wala na si Caitlyn sa harapan nila. "Caitlyn?"
Napatingin nadin ang lahat sakanilang paligid, pero kahit saan sila lumingon ay hindi nila makita ang dalaga.
***
Binuksan ni Caitlyn ang pintuan ng kanilang dorm room ni Freia atsaka ito sinara. Dumiretso sya sa kanyang kama at hinagis ang nya ang kanyang bag sa ibabaw nito atsaka hinayaang mahulog ang kanyang katawan sa malambot na kama. Napatitig sya sa ceiling.
I didn't know na kaya mo silang hindi pansinin. Tawa ni Lyn.
"I'm just...so mad at them. Bakit kailangan pa nilang gumawa ng gulo sa cafeteria? Honestly para silang mga bata!" Kinuha ni Caitlyn ang isa sa mga throw pillow na nasa kanyang kama atsaka ito tinakip sakanyang mukha at sumigaw.
Well, possessive ang mga loko eh. Obviously, your Omega friends didn't wanna share you with your Stanli friends, and vice versa.
YOU ARE READING
Good Girl Gone Bad [MGGIGA BK2]
Teen FictionEverything is not the same once Caitlyn found out about Lyn. Constant nightmares visited her every night, the horrors she did in the past came back to haunt her. Stressed and Scared. Haunted and Shaken. Dark and Bloodied. One day, it made Caitlyn sn...