22 ♥Luna in Pink Fluffy Slippers♥

78 6 5
                                    

A/n: okay sorry guys if ngayon lang ako nakapag-update, medyo busy kasi sa school works. Natambakan ako kakanood anime eh hehehe. But no worries, I made sure na medyo mahaba tong UD. So, hopefully you enjoy it guys!

***

Kasalukuyang naglalakad si Lyn pabalik sa girls dormitories, may talon sakanyang hakbang at tila ba isang batang namamasyal sa parke. Pa-swing swing pa ang kanyang mga kamay at may matamis na ngiti sa labi.

Sobrang out of place nya sa madilim at malamig na paligid, sa mga naka-all black at leather clothes na mga gangster na kung makatingin sakanya ay para syang tinubuan ng isa pang ulo. Sino ba naman ang hindi? Hindi lang sa mukha syang batang nawawala sa mundo ng mga gangters, naka-pajamang pink pa din sya, pati yung fluffy pink slippers nya. Buti nalang at may hoodie sya at hindi sya masyadong nilalamig.

It feels so good to be free~...! Pa-kantang isip ni Lyn at dinama ang pag-ihip ng malamig na hangin. Wala pa din ang haring araw at marami pa din ang bituin sa kalangitan, pero alam nya na ilang oras na lamang ay liliwanag na.

May nadaanan syang isang gang, tumigil sya at tinaas ang kanyang hood hanggang sa masigurado nyang natatakpan na ang kalahati ng kanyang mukha, tapos tinupi nya yung dulo ng kanyang pajama hanggang sa three inches above the knee nalamang ito kaya nagmukha syang naka-hood na black at pink short shorts na medyo awkward kung tingnan dahil sa pagtupi nya dito, tapos umatras sya hanggang sa makabalik sa pwesto ng gang na nadaanan nya kanina.

Bago sya bumalik sa dormitories, may ilang gusot muna syang aayusin. She has two objectives she must achieve before returning to the Dark Void.

"Hi boys!" She smiled and waved at the five guys who looked at her. Galit at kunot ang mga noo nito.

"Who the hell are you bitch?"

"Fuck off!"

Lyn clicked her tongue playfully while shaking her head, as if na-disappoint sa mga salitang nakuha nya.

"Nawala lang ako ng ilang weeks, ganito na ang trato nyo saakin? Bad." Ninamnam nya ang mga mukha ng kalalakihan ng rumehistro sa mga mukha nito ang pagkagulat, at ang pagguhit ng respeto sa kanilang mga mukha.

"Luna." Dawn, the leader of Midnight Sun, slightly bowed his head to show his respect. Agad namang gumaya ang kanyang mga ka-miyembro.

She grinned and waved. Ramdam nya na titig na titig ang mga ito sakanyang mukha. Of course, Since wala ang kanyang mask, hood lamang ang nagtatakip sakanyang mukha. Hindi sya magtataka kung magtangka ang isa sa mga ito na hablutin ang kanyang hood para tingnan kung sino nga ba talaga sya.

"Anong nangyari sa'yo? You were gone for a few weeks at nawala ka sa gangster system." Tanong sakanya ni Dawn.

Right. Wala silang alam na hindi na sya solo-fighter at sumanib na sya sa mga Hunters.

"Don't worry, everything is fine." She swatted her hand in the air. "On a more important note, may kilala ba kayong gang leader na Sasha? Mga tatlo o apat yata ang kanilang gang members. Mind telling me what's Sasha's gang?"

Nagkatinginan ang mga ito.

"Someone's going to die." Dusk grimaced, sya ang right hand man ni Dawn.

"Why? Anong ginawa nila sayo? And what's with the get up?" Tumaas ang kilay ni Dawn habang pinasadahan ang katawan nya ng tingin, tumagal ang kanyang mga mata sakanyang fluffy pink slippers.

"That's not what I wanna hear, Dawn." Umiling sya, may ngiti pa din sa labi ngunit dinig nila ang pagbabanta sa boses ng dalaga.

Tumikhim sila.

Good Girl Gone Bad [MGGIGA BK2]Where stories live. Discover now