20: SECOND PHOTOSHOOT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bruh, sayo pa talaga nanggaling yun?" Ngumiwi ako.

"Hahaha. Hindi ka pa hinahanap sa bahay niyo diba? Tara, mall muna tayo." He chuckled bago niya ako inakbayan at hinigit palabas ng gate.

Nadatnan pa namin si Jazz na naghihintay ng taxi. Hindi na ulit siya pinahiram ng kotse ng dad niya pagkatapos niya itong itakas nung welcome party. Edi wala siyang choice kundi ang mag-commute. Wala naman akong sariling kotse, wala rin kay Kelly. Lugi siya.

Nakatingin siya sa amin at kaagad na tumaas ang kilay niya habang nasa mukha niya ang pagka-amuse. Ngumisi siya at pumara na ng taxi. Kumaway lang siya kaya ngumiti ako. Kumaway rin si Jayzee sa kanya kaya kumunot ang noo ko.

"Close kayo?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Hindi."

"Lol." Yun na lang ang sinabi ko nung hinigit niya ulit ako. Saan kami pupunta?

Nasagot ang sarili kong tanong nang huminto kami sa harap ng isang itim na kotse. "Sayo to?" tanong ko at tumingala para tignan siya.

"Sa ate ko, binigay niya sa akin kasi bumili ulit siya ng bago." he said with a satisfied smile. "Sige na, pumasok ka na."

Binuksan niya ang pinto tsaka tinulak ako ng mahina para makapasok. Siya na rin mismo ang sumara at tumakbo papunta sa driver's seat. "Ooh," Ngumiti ako. "Marunong ka?"

Pinaandar na niya ito at hinawakan ang manibela bago ngumisi. "Watch me."

Inatras niya ang kotse gamit ang isang kamay habang nakatingin sa likod. Nakatupi pa ang polo ng uniform niya.

Uhm, tumulo yata ang laway ko dahil sa scene. Ang hot niya, lalong na-emphasize ang jawline niya pati rin ang adam's apple. Yung collar bones niyang nasisilayan ko dahil nakabukas ang dalawang butones ng button up niya.

"Hm." he smirked nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin, ramdam ko pa ang init ng mukha ko. Pasensya naman! Hindi ko mapigilan. Eh kung iba ang nasa posisyon ko, paniguradong kanina pa siya na-rape.

Pumunta nga kami ng mall at napagdesisyonan na gumala muna. Hindi naman kami pumasok sa mga boutique kasi wala akong ganang mamili.

Naka-akbay lang siya sa akin habang naglalakad kami. Wala naman siyang ibang hawak kaya nagpresinta siyang siya na lang daw ang magdala ng bag ko.

"Come to think of it," aniya as he tilt his head. "This is our first date."

Tinignan ko siya at nanlaki ang mata. "Oo nga noh. And it's unplanned pa." pagkibit ko. Hindi naman ako nadismaya, wala lang talaga akong pakialam kung date ba to o ano. I don't mind.

"At dahil first date natin to," he snapped his fingers. "I'll buy you something unforgettable."

Malaki ang ngiti niya kaya napangiti rin ako. Cute rin pala ang isang to minsan.

Pumasok kami sa boutique, which I find entertaining. This is the first time na may kasama akong lalaki sa pamimili ng dress. Actually, siya lang ang pumipili.

Pinaupo niya lang ako at sinabing hayaan lang siya. Maganda raw ang taste niya pagdating sa fashion.

"Ma'am, boyfriend mo?" tanong nung sales lady na katabi ko. Pina-assist siya ni Jayzee sa akin.

Ngumiti ako ng pilit at tumango. "Oo."

"Naku ma'am ang swerte mo," wika niya at pinisil ang dalawang kamay. Swerte ako kasi gwapo ang boyfriend ko? Hm? "Ma-effort si sir."

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-irap sa kawalan. Effort? Nagloloko lang ang lalaking yan. Naku, hindi na ako magtataka kung babalik siya dito na may lingerie na hawak.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon