"Don't worry, hindi mo naman kailangang lumabas ng kotse. And one more, they won't see you, highly tinted ang kotse ko." Seryosong sagot niya kaya naman napatango na lang ako.

Nang huminto ang sasakyan ay bahagya akong yumuko para walang makakita sa akin sa paglabas ni Kio, wala naman kasi ako sa tabi ng driver's seat, narito ako sa likod. Hindi pa rin ako nakakahinga ng maluwang nang isara niya ang pinto.

Umayos ako ng upo at tumingin sa bintana ng sasakyan. Masasabi kong malaki ang bahay na ito, parang hindi lang ito basta mansion, parang isang palasyo na sa sobrang laki. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit dito pinili nina mommy na tumira. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa rin sa bahay namin.

Kahit na maliit lang 'yon, atleast hindi ko dama 'yung pagiging malayo namin sa isa't isa. Nasa labas na sina mommy, daddy, si tita Hazel at si tito Jackson. Hindi naman daw kasama 'yong mga grandparents namin dahil hindi sila pinayagan ni tito Jackson.

Hindi ako sanay na tawagin siyang papa kahit na siya ang totoo kong tatay... siguro hindi na rin ako masasanay. Kaya ko bang sanayin ang sarili ko sa bagong buhay na dapat ay ginagalawan ko? Hindi ko rin alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang lumabas ang isang matandang babae, mayroon siyang suot na mamahaling damit at makintab perlas sa leeg niya. Ngunit hindi ko inaasahan na bigla siyang titingin sa gawi ko at tumabingi ang ulo niya. Natakot ako roon kaya yumuko ulit ako. Sana hindi niya ako nakita ulit.

Ilang saglit pa ay muling bumalik si Kio sa kotse niya, sumakay na rin si Daddy at mommy rito. Ngumiti na lang ako sa kanila dahil ako ang nasa gitna nilang dalawa. Hindi naman po ako tatakas e.

"Buti naman at napapayag ka na namin." Sabi ni mommy habang nasa byahe kami.

"May pagkain daw po e." Ngumiti ako sa kaniya at nagpeace sign.

"You looked elegant with your dress, anak." Sabi naman ni Daddy. "Dapat pala ay palaging dress ang suot mo, mas bagay sa 'yo 'yon kaysa roon sa mga damit na mas malaki pa sa 'yo."

"Daddy naman..." Ngumuso ako.

Mahinang hinampas ni mommy ang kaniyang balikat.

"Hayaan mo siyang gawin ang gusto niya. Kung doon siya komportable 'wag mong pigilan. Atleast suot niya pa rin ang damit na gusto niya. Hindi mo dapat pinipilit ang anak mo sa mga bagay na ayaw niya naman." Sabi niya kaya napatango na lang sa kaniya si daddy.

Sa isang malaking bahay kami nakarating, dito na siguro 'yon dahil maraming itim na sasakyan ang nasa labas tapos 'yong mga tao ay halos pabonggahan ng suot. Inalalayan pa ako ni daddy sa pagbaba.

"Sis!" Tawag sa 'kin ni Jaxon. "Naks naman, nakadress ang tomboy."

"Hindi ako tomboy!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Naks, nakatuxedo ang bading." Pambabara ko sa kaniya. Napansin kong nasa likod niya sina Zoe saka 'yung isa pa niyang kapatid na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba ang pangalan.

"Let's go? Pasok na tayo." Nagsalita si tito Jackson, tinanguan niya si daddy bago bumaling sa akin. "Ang ganda mo ngayon, anak."

"Uh... thankyou po." Sagot ko na lang to ease this awkward feeling. Hindi pa rin ako komportable na kausap ko sila... pero alam kong dapat ko pa ring silang kausapin kasi sila pa rin ang pinagmulan ko. "Bitawan mo ako, siraulo ka." Bulong ko kay Jaxon.

Paano ba naman, kinalawit niya ang braso niya sa braso ko. Naging baligtad ang nangyari, siya ang naging babae sa aming dalawa. Baliw na 'to, mukha ba akong escort? Nakadress na nga ako at nakaheels.

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Where stories live. Discover now