Tumango ako. Ngumisi siya sa akin at nginuso ang mga pagkain. Yung sushi nalang ang natira. Kinuha ko ang chopsticks at kumuha ng isang sushi. Titikman ko lang naman kung ano ang lasa, hanggang sa naubos ko ito. Hindi na ako kumuha ulit dahil busog na ako. Gusto pa sana niyang umorder pero ako yung tumanggi dahil hindi ko na kaya na kumain pa. Grabe itong lalaki na'to walang kabusugan.

Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan dahil sa panlibre niyang sakin 'to. Hindi ko gustong mangyari pa ulit dahil kapag malaman ito ng ibang tao na nasa baba ay baka ano pa ang isipin nila. Nasasabi lang yun kanina ni Phoebian dahil siya ang amo at hindi siya mapapagalitan.

Inabot yung gamit ko sakin ni miss Gretchen. Pagkatapos ko siyang pasalamatan ay tinulungan ko muna si Phoebian na ligpitin ang mga basura. Ang daming pagkain kanina na inorder niya. May Japanese foods at yung iba ay galing sa canteen. Special order yata ang mga yun dahil medyo mainit pa kasi.

"Phoebian salamat sa dinner. Hindi na ako makakakain nito sa bahay. Pero sana ay huwag mo na akong patawagin pa dito sa office mo. Nakakahiya na." Direkta kong usal.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Okay. But every time na pupunta ka sa penthouse para maglinis, you'll join me for dinner. And 'no' is not an answer okay? So see you again?"

Hindi na ako nakaalma. Paano ba ako aalma kung hindi niya tatanggapin ang pagtanggi ko.

Para hindi na humaba ang usapan ay tumango ako. Lumabas na ako sa opisina niya at umuwi.

Pagkakinabukasan ay walang lumabas na balita o kahit anong tsismis na tungkol sakin. Nakita ko si miss Gretchen sa loob ng elevator. Actually nagkasabay kaming sumakay. Tinanong ko siya kung anong nangyari kahapon no'ng kinuha niya ang mga gamit ko. Ang sabi niya sakin ay wala na daw tao pero hindi daw nakalock yung opisina at bukas pa ang ilaw kaya mabuti nalang at walang may nagtanong kung bakit niya kinuha ang mga gamit ko.

Siguro ay totoo ang sinabi ni miss Gretchen dahil wala akong may naramdaman na may tumatagos na tingin sa likod ko o walang kahit anong tanong sakin. Mas mabuti na yun at sasabihin ko ulit kay Phoebian na hindi na dapat maulit yun.

Sabado ng hapon ay nagkita kami ni Donna. May usapan kami na kumain sa labas. Libre niya dahil may natanggap na siyang unang sweldo sa bago niyang trabaho. Mataas daw ang pasahod sa bago niyang trabaho at hindi na siya rumaraket kada gabi. Salamat naman at nagtigil na siya sa delikadong trabaho na yun.

Sa KFC niya ako nilibre. Ang daldal niya parin. Kinuwento niya sakin na may bagong boyfriend na siya. Mabuti sa kanya.

"So kumusta naman yung training mo? Mahirap ba?" Tanong niya, sumipsip siya sa milk tea niya. Nandito naman kami sa park. Niyaya ko siya dito dahil gusto ko ng sariwang hangin. Although hindi naman gaanong kapresko dahil malapit yung kalsada at yung buga ng usok mula sa mga sasakyan.

"Medyo lang. Pero kaya ko naman." Kibit-balikat kong sagot.

"Swerte mo at do'n ka sa kompanya ng isang sikat na cosmetic brand. Alam mo ba na ang daming bumibili sa mga produkto nila? Best seller yung lip kit nila grabe. Ano ba ang sunod na ilalabas nila? Sana may bagong pabango sila sa susunod." Ani Donna.

Halata na updated siya sa official account ng Phoebian cosmetics at Phoebian Sprintz.

"Lip kit ang sunod na ilalaunch sa bago nitong collection. Hindi ko maaaring sabihin sayo dahil confidential yun. Pero may ilalaunch talaga sila."

"Ganun ba? Naku excited na ako." Excited na sabi niya at napapalakpak pa. "Ay teka, alam mo napapansin ko sayo kahit lumalabas ka hindi ka naglalagay ng make up sa mukha mo. Try mo namang maglagay ng moisturizer sa mukha mo o di kaya sunscreen. Maputi ka pero para kang patay, sayang yang beauty mo Maia. Kung ako sayo alagaan mo ang skin mo habang bata pa."

PhoebianWhere stories live. Discover now