Napansin ko ang babaeng sugatan kanina na tinulungan ko na nakatingin saakin kaya nang tignan ko rin siya ay agad niyang nilipat ang tingin sa kalaban.

What?!

Dahan dahang iginalaw ni Dexter at Justin ang main gate pabukas kaya dahan dahan rin silang umaatras upang makalabas. Kinunotan ko sila ng noo. Nang dumako muli ang tingin ko sa harap, mata sa matang nag-uusap si Glass at Crime. agad hinanap ng mata ko naman ang dalawa na hawak hawak parin si Cole.

Medyo naalarma ang mga ibang slayers dahil akala nila hindi namin ibibigay ang nais nila, pero nang tuluyan nang matanggal ang tali dito ay agad na tinulak ni Oliver si Cole sakanila. Doon namin narinig ang pagbusina ng isang sasakyan.

Pagkalingon ko ay nasa labas na silang lahat. si Alteb ay nasa loob na niya ng kanyang cotse habang si Dexter ay sa isa namang sasakyan niya. Medyo umuwang pa ang bibig ko dahil ang bibilis nila kumilos.

"If you don't mind, i just want to ask." tumigil siya saglit sa sasabihin.
"What is the real reason for you to do this..?  he sighed. Mukhang labag sa loob n'yang magtanong.

Sa tingin ba niya sasagutin nila ang tanong niya?

Gaya ng inaasahan ko, tinawanan lang siya ng nagngangalang Crime. Napamura nalang Glass dahil sa naging reaksyon niya. Maging ang mga kasamahan niya ay nakataas ang kilay habang pinagmamasdan siya.

Pero dahan dahang umiba ang tawa niya hanggang sa maging tunog dismayado ito. Sumeryoso ang mukha niya, baliw.

"We're not too stupid to answer that directly. But I will give a clue .." kalma s'yang napalunok. "We are not the same. Hindi namin sila kagrupo, we don't care about them, and they don't care about us either. To all the killers you encounter except us, they have the biggest dark reason. Parehas kaming pumapatay pero magkakaiba kami ng dahilan."

Does he mean...

"Young gunners, that's our gang name.  Ganda noh?"  sabi pa n'ya at saglit na napapalakpak. Binatukan siya ni Risk kaya bumalik sa seryosong itsura ang mukha niya.

"I didn't like your fuvking clue." sabat naman ni Glass.

"You can leave now, then."

Hindi pa natatapos ang sinasabi niya tinalikuran na sila ni Glass. Walang emosyon ko silang pinagmamasdan noong una nang magkatinginan kami ni Risk, nakasimangot ang mukha niya.

"Magtutos pa tayo, I'm not done with you, hussy!" pilosopo nalang akong napangisi sa sinabi niya.

I wink at her.

"Can't wait."

Pasimple kong sinilayan si Cole na karaniwang kinakausap ni Crime habang nakasakay na ako sa motor angkas si Jess.

Parang walang nangyari nung nakauwi kaming lahat. Dala narin nang matinding trauma hindi makapagsalita ang iba naming kasama kanina. Yung babaeng sugatan naman kasama ang kaibigan niyang lalaki ay inihatid nila Dexter sa ospital. Nalaman nalang kasi namin na hindi lang sa braso ang sugat niya.

Whatever might happen to me, I have nothing to fear. The worst-case scenario for those close to me is what I dread.

Agad kong hinanap ang isa ko pang cellphone sa loob ng kwarto ko. Buti nalang at dalawa ang cellphone ko. Naghihinayang parin ako sa isa na nawala.

Tinawagan ko si Ate Carol sa bahay para kamustahin ang lagay nila. Naalala ko bigla si Russel mag ha-hangout nga sana kami kaso hindi natuloy. Siguro sa ibang araw nalang kapag maayos na ang lahat.

Traits Of A SlayersWhere stories live. Discover now