CHAPTER 61

2.5K 65 4
                                    

Chapter 61

Shan's POV



"Oy! Busy ka ba mamaya?" tanong ko sakanya.






"Hindi naman. Bakit?"



"Mall tayo! Gusto ko kasing makasama boyfriend ko eh?" Sabi ko sabay lambing sa kanya.





Wow. Natuto na ako ng salitang 'PDA' hahahahaha. Inismidan nalang niya ako.





"Alam mo bang araw-araw na tayong magkasama?" Natatawa nyang tanong.





Lumayo naman ako sakanya at nag-sad face. Siguro nagsasawa na ‘to sa mukha ko. Naramdaman niya siguro ang paglayo ko kaya bigla nya nalang akong niyakap.



"Shan? May nasabi ba akong mali?" Tanong nya.




Humarap nman ako sakanya at—


"Seriously, nagsasawa ka na ba sa mukha ko?" Tanong ko,dahilan para mapatawa sya ng malakas. Sinamaan ko lang sya ng tinggin.

"Sorry" sabi nya sabay peace sign. Nagpapa-cute ang loko.. Hahahaha. Di ko tuloy mapigilan, ang hindi mapangiti.
"Oh? Ngumiti na sya.. " Pangungulit nya saakin. "Sa totoo lang. Di ako nagsasawa sa Napakaganda mong mukha, kung pwede nga lang pakasalan na kita para akin kana araw-araw ei." Sabi nya sabay yakap ng mahigpit.

Grabe. Bumalik lahat ng pagmamahal ko kay kevin. Pero paano kapag bumalik din yung kay Thej. Anong gagawin ko?

Umiling-Iling na lang ako . "May Problema ba?" Tanong nya.

"Ahh... Eh.. Wala! Nagulat lang ako pakasal agad? Pero sasama ka ba saakin mamaya?" Pagbabalik ko sa topic.

Napangiti nman sya "Malamang. Kahit saan ka pa pumunta." Sabi nya.

Dahilan para mapangiti ako.
---

"Eto! Couple Shirt. Bagay saatin!" Sabi ko sabay pakita sakanya ng Couple shirt.

Tumango-tango nman sya. "Oo. Sige bilhin mo na yan!" Sabi nya. Ayan na nman ang mukha nyang malungkot problema ba nito.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay. "Mamaya pagkatapos nating mag-mall sabihin mo saakin yang sasabihin mo? Okay?!" Sabi ko.

"Sige!" Sabi nya sabay lighten ng mukha.

-----
Marami na kaming naipamili. Nang maisipan naming kumain.

Nung naka-Order na kami agad ko nang tinanong sakanya kung ano mang sasabihin nya.
"Ano? Ano yung sasabihin mo?" Sabi ko ng nakangiti.
Bigla nmang nagsad ang face nya. "Pe..pero...per-Wala!" Sabi nya.
Kumunot nman ang noo ko. "Spill! Di ako magagalit!" Sabi ko.

Yumuko nman sya at hinawakan ang kamay ko. "Kasi...kasi-Wala nga!" Sabi nya. Halatang hirap na hirap syang sabihin.
"Sinabi ko na sayo, Di ka magaling magsinungaling." Sabi ko.

Tumingin sya sa mga mata ko sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. Napabuntong hininga din sya.

"Pinapabalik na ako sa U.S." sabi nya.

Agad nman akong nagresponse at binigyan sya ng bitter na ngiti.
"Yun lang nman pala eh? Okay lang. Shoot ba? Tapping? Okay lang. 2 or 3 months lang nman ang itatagal eh. Dba?" Pagtataranta ko pero di nman OA. Ayoko lang kasing makarinig ng ibang bagay galing sakanya.

Pero lalo nyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko. "3-5 years Contract,Shan."

Balak ko pa sanang tumayo at lumakad pero dahil sa sinabi nya nagfroze ako pagkaka-Upo. Tae, yan ang ayaw kong marinig. Ang Contract.. Kaya di ako nakabalik sa philippines because of that pest Contract.

Di ko tuloy maiwasang mapaluha. "Oka...okay lang.....Kailan ba ang alis mo....." Binigyan ko sya ng bitter na ngiti.

"Sa susunod na linggo na!" Sabi nya ng nakayuko.

Aray! Ang sakit nman. Grabe! Iiwan nya ba ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't tumayo na ako at umalis.

Umuwi ako sa bahay ng mag-isa..

The Play is starting again..

------

Sorry sa iba dyan na nag-abang sa ArShan lovestory sa KeShan muna ako pero last 3 Chapter or 2 Chapter mag-eend na yung lovestory nila .

Sorry for errors
Hyduuush...

Ms. Sungit meets Mr. YabangWhere stories live. Discover now