CHAPTER 8

4.3K 140 1
                                    

Chapter 8


Shan's POV


Bigla niya akong hinila papuntang Dance floor.


"Hoy! Bitiwan mo ako!"

"Pssh!"

Tinarayan ko lang siya at pinag-ekis ang aking mga braso. Maya maya ay gumapang yung kamay niya papunta sa bewang ko. Syempre, para akong nai-statwa na hindi makagalaw. Agad niya kinuha nya ang kamay ko at ipinulupot nya sa leeg nya..



'Akala siguro nya ma-iinlab ako'


NO WAY!!! OVER MY DEAD BEAUTIFUL AND GORGEOUS BODY!! HAHAHA!!



Tumingin ako sa bandang kanan ko para makaiwas ng titig sa kaniya. Baka kasi biglang lumakas ang 'Hangin' dito eh? Nagbabalak sana akong gumalaw nang kaunti ng bigla siyang magsalita.

"Shan, Alam kong nagagwapuhan ka saakin kaya ayaw mong tumingin sa mata ko.." aniya na ubod ng kakapalan ang mukha.

Napa-irap ako at napasapo sa noo. Oh diba? Sabi ko sa inyo eh? Malakas ang 'Habagat' netong lalaking ito eh?

Unti-unti akong bumwelo at hinarap siya suot ang pilit na ngiti ko. "Pwede bang tumigil ka? Di porket di ako interesado sayo eh nagagwapuhan na agad ako? Kapal huh? Hindi ba pwedeng hindi ikaw ang taste ko?"


Inirapan ko siya at nag-iwas muli ng tingin. Habang siya naman ay natawa sa sinabi ko at patuloy padin kami sa pag-sayaw syempre, patuloy parin ang kahanginan nya.

"Gwapo ako no?" bigla niyang singit.

"Saan banda? Sorry ah, di ko makita atsaka loading ang pake ko." sagot ko sakaniya. Bahala ka diyan!


"Sungit mo." bulong niya, pero hindi naman talaga bulong. Narinig ko eh? So syempre di ako papatalo.

Tumingin ako sa kaniya. "I know, and Thank you!" sabi ko habang nakangiti. Akala niya siguro madadala niya ako sa mukha niya at kahanginan niya. No way!

Natapos kami sa pagsayaw nung pagkatapos nang dalawang kanta. Agad kong tinahak ang sofa at naupo. Kahit kailan talaga isa ang pagsayaw sa kinaiinisan ko.

"Aray! Ang sakit naman ng paa ko." daing ko. Hindi talaga ako marunong magsayaw at isa pa di din ako sanay na magsuot ng ganito ka taas na takong 'no!


Naramdaman ko na may papalapit saakin kaya agad akong nag-angat ng tingin. "Okay ka lang ba?" tanong niya saakin.


Siya na naman.

"Sa tingin mo? Nakita mong hinihimas ko yung paa ko at narinig mo nman siguro na 'Umaray' ako. So ano sa tingin mo?" inis na inis kong sabi. Lalo na pag-ganitong may iniinda ako, hindi talaga ako maayos kausap.



"Bakit ba ang sungit mo saakin?"


Pumikit ako ng mariin. Pwede ba? I need space. I need to rest. I need peace of mind. Bumuntong hininga ako at sinamaan siya ng tingin. Hindi ako sasagot. Hindi ako makikipag-away, Shan, hingang malalim.

Patuloy ako sa pagkumbinsi sa sarili ko ng bigla siyang umupo sa tabi ko at nagsalita.

"Bakit ang daming babae na nagkakagusto saakin?" tanong niya. Anak ng! Pake ko? Kung makikita niyo lang ang mukha ko, mukha na akong gago dito. Ano bang problema nitong ungas na 'to?

"Ehem. Excuse me lang ha mister na wala akong pake, can't you see that I need peace of mind? Why do you keep on bothering me? Hindi ba halata na ayaw kitang kausap? Do I need to tell it straight to your face for you to understand it loud and clear?"

Agad na akong tinignan. "Bakit ba ang sungit mo saakin? Hindi mo ba ako kilala?"

"Seryoso ka ba? First of all, I don't know you so I am not obliged to be nice at you. Second, I'm not interested whoever you are. Lastly, I am like this ever since pinanganak ako. And if you find me masungit well, that's me. I won't change for you."

"Wow. Ako din mayabang, I am rich and handsome. You sure you aren't interested to get to know me?" aniya.


I smirked. "I don't care."

Maka-uwi na nga, will text Hydie na na sa dorm ako uuwi. Kainis.

Ms. Sungit meets Mr. YabangWhere stories live. Discover now