CHAPTER 3

6.3K 184 10
                                    

Chapter 3


Shan's POV


Check! Check! Check! Aish—Puro check. Ano ba toh? Kodigo o answer key bakit puro check yung papel nitong Thej na ito?

Focus na focus ako sa pagrerecheck at baka mamaya ay may mali siya nang biglang siniko ako ng katabi kong lalaki. Agad akong napalingon doon.

"Hi miss. Meron kang extra red ballpen?" he asked.
"Ikaw ba merong extra?" sarkastiko kong tanong. Bobo ang wala nag-isip pa.
"Wala eh?"
"Oh? Wala pla eh? So wala rin ako?" sagot ko sabay irap sa kanya.
"Ang sungit mo naman sayang maganda ka pa naman!" aniya.

Binalikan ko siya ng tingin at pekeng ngumiti. "Ang pangit ng mindset mo. Hindi porket maganda ang isang tao, mabait na agad dapat ito. Alam kong masama ugali ko. Thank you ah?"

Busy padin ako sa pagdodouble check ng biglang tumunog na ang ring. Aissh! Sawakas lunch na. Lumabas na ako sa room dala lahat ng mga gamit ko. Madali akong pumunta sa Cafeteria para kumain. Malapit na ako sa Cafeteria nang may nakita akong nagkukumpulan. Saka lang nag-sink in saakin yung sinabi ni Sofia kanina.

"Kapag meron kang nakita na mga babaeng nagkukumpulan andoon si Thej! Hehe. In case lang na gusto mong makilala."

Na-curious ako so syempre pumunta ako at nakisilip lang naman. Pagkalapit ko ay nakita ko siya kaagad. Tinitigan ko siya, mula paa hanggang ulo.

Ang pangit naman mukhang abnoy kapag ngumiti. Psh..

Nung napansin kong napalingon siya saakin. Agad na akong umalis doon at napunta sa Cafeteria.

---------------------------------------------------------------------

"Hoy!" pangugulat ni Sofia.

"Ha? Ah—eh—Ano ba yan? Bakit?" nakabusangot kong sagot.

"Ang sungit mo na naman. Atsaka lutang ka ba?" tanong niya saakin. Malamang ginulat mo ako eh.

"Whatever! Si Hydie nga pala asaan?" tanong ko sakaniya. Inalis ko ang pagtingin ko kay Sofia at ibinalik ito sa harap ko pero nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Hydie na apakalapit saakin.

"What the fuck, Hydie!" sigaw ko. "What's wrong with the two of you! Kanina pa kayo nangugulat ah!" inis na inis kong sabi.


"Hoy tanga ka ba? Kanina pa ako sa tabi mo, ni hindi mo lang ako napapansin!" sigaw nya. "Kanina ka pa occupied diyan. Are you sick?" aniya.

I shook my head at bumuntong hininga. Akmang sasagot ako kaso sinita kami nung staff eh. "Hoy, mga studyante kayo. Hindi kayo palengkera."

Malamang, Naka uniform kami dba? Hindi nalang naming pinansin iyon. Bahala siya diyan.


"Oh? So what's the reason why you're spaced out?" pagbasag ni Sofia sa katahimikan..

"Nothing. I'm just―just tired." sagot ko at ipinagpatuloy na ang pagkain. "Ano ba? Can't you just shut up girls. I'm okay!"

"Sungit na naman!" bulong ni Hydie.

Bakit nga ba ako tulala? Maybe I'm just tired. 

Ms. Sungit meets Mr. YabangWhere stories live. Discover now