"Sigurado na sila ay imbitado dahil lubusang kapanalig ni Don Alonzo si Mayor Roman," singit naman ni Manang Lita. Napatango-tango na lamang ako habang patuloy na nakikinitg sa kanilang usapan.

"Ikaw ba Eliana ay kanilang isasama sa pagdiriwang?" napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya ako. Sandali akong napaisip sa tanong ni Manang Lita naalala ko na ipapakiusap ako ni Binibining Miranda na sumama sa kaniya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin naman siyang nababanggit sa'kin.

Napakibit-balikat ako "Sa palagay ko po ay hindi.." tugon ko at narinig ko ang biglaang pagsinghal ni Rosa.

"Nakatitiyak naman na walang lugar ang mga katulad nating katulong sa pagdiriwang dahil sino ba naman tayo?" wika niya habang hindi tumitingin sa'min. Napatitig na lamang ako sa kaniya dahil batid ko ang pagkasarkastiko sa kaniyang tinig.

Sinagi ni Manang Linda ang kamay ni Rosa. "Ayusin mo nga ang iyong pananalita at baka may makarinig sa'yo," saad niya.

Napahinga nang malalim si Rosa "Ina? masama bang sabihin kung ano ang totoo?" giit niya. Napailing na lamang si Manang Lita. "Magsitigil na nga kayong dalawa. Bilisan na natin at makapagsimula na tayo sa pagluluto," usisa ni Manang Lita at napatayo ito sa silya at nagtungo sa pugon.

Nang ibinaling ko ang tingin kay Rosa ay nagulat ako nang bigla itong umirap at tumayo na lang bigla. Napabalik ang tingin ko sa harap nang hawakan ni Manang Linda ang kamay ko.

"Iyo na lamang pagpasensiyahan ang aking anak" paumanhing sambit niya. Napangiti ako, "Ayos lamang po wala po kayong dapat ipag-alala, hindi naman ho ako naapektuhan sa mga sinabi ni Rosa," sambit ko habang nakasilay ang ngiti sa aking labi.

Aking nauunawaan ang mga sinambit kanina ni Rosa sapagkat tama naman ang kaniyang mga tinuran. Wala naman akong dapat ikagalit o ikahiya dahil lang sa ako'y personal na soltera ni Binibining Miranda.

"Huwag mo na lamang dibdibin ang mga sinambit sa iyo ni Rosa, marahil ay nasasaktan lamang siya kung paano tayo ituring nang karamihan," saad niyang muli at ngumiti nang mapait sa'kin.

"O siya, tulungan ko lang si Ate Lita," saad niya at napatayo upang magtungo kay Manang Lita. Napatayo na rin ako sa silya at dinampot ang mga pinagbalatan ng gulay. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang marinig namin ang tinig ni Binibining Miranda.

"Eliana ikaw pala ay narito!" sambit niya. "Magandang araw Binibini" bati sa kaniya ni Manang Lita at Linda.

"Magandang araw rin po sa inyo maaari ko po bang makausap si Eliana?" pakiusap niya. "Oo naman walang problema", sambit ni Manang Lita bahgo napatingin sa akin. "Maraming Salamat po" tugon ni Binibining Miranda.

Napangiti ako kay Manang Lita bago kami lumisan ni Binibining Miranda sa kusina nagtungo kami sa kaniyang silid. At agad na nagtungo sa kaniyang lamesa malapit sa malaki nitong bintana at kinuha ang isang kapirasong papel.

"Eliana, sa iyo ko lamang sasabihin ang bagay na ito" panimula niya at nakatingin lamang sa akin. "Ano po ba iyon Binibini?" taka kong tanong. Napangiti muli ito bago tumugon.

"Kahapon nang aking makita si Ginoong Samuel ay may kakaiba akong naramdaman" panimula niya habang nakangiti sa kawalan. "Siya'y tunay na maginoo at kaibig-ibig, ako'y nabighani sa kaniya Eliana!" patuloy niya habang dahan-dahang naglalakad sa kaniyang silid.

"Ibig niyo po bang sabihin Binibini ay kayo ay may lihim nang pagtingin kay Ginoong Samuel? Hindi ba't matagal na kayong may lihim na pagtingin sa kaniya?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya sa kaniyang dahan-dahang paglalakad. Nahihiya siyang napatango siya sa akin "Oo nga ngunit iba na ngayon at isa pa m-masyado na bang halata ang may nararamdaman ako sa kaniya Eliana?" pag-amin niya.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now