Napangiti ang Donya. "Kayo'y parehas din ni Solana madalas na magkulong sa kaniyang silid at nagbuburda." tugon niya.

"Iyan na ba ang ipinadala ni Donya Flora para sa'kin?" Patuloy niyang saad habang nakangiti at nakatingin sa'kin.

Agad akong napatango. "Opo, ito nga po ang bagay na iyon." sambit ko at inabot ang plorera na may rosas at ang liham na agad naman nitong inabot. "Maraming Salamat pakisabi na lamang kay Flora, napakasariwa ng mga rosas." tugon niya at hinawakan at inamoy ang mga iyon.

"Halika kayo tayo'y magmeryenda." alok niya na halos ikinagulat naming dalawa ni Binibining Miranda. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang umiling nang kaunti ang kaniyang ulo.

"Ah, huwag na po kayong mag-abala Donya Esmeralda, mauuna na ho kami—"

"Ina kami'y narito na!"

Halos napalingon kaming tatlo sa pintuan ng mansion nang marinig namin ang tinig na iyon. Pumanhik ang isang babaeng may dalang maliit na bilao na naglalaman ng kakanin, nang ito'y humarap ay aking napagtatanto na ito ay si Binibining Solana.

"Ina kami'y may dala----"

"Binibining Miranda, ikaw ay naparito!" nagagalak na saad niya at lumapit sa amin, ibinigay niya sa kanilang katulong ang bilaong dala at napatigil ito sa akin at napabaling rin ang tingin niya kay Binibining Miranda.

"Sa aking palagay ikaw si Binibining Miranda?" Tanong niya habang nakapako ang tingin sa kaniya. Napangiti nang tipid si Binibining Miranda at tumango

"Ako nga ito Binibini..." tugon niya. Napangiti si Solana "Ikinagagalak kitang makilala Binibining Miranda, marahil ito ang una nating pagkikita." wika niya at bahagyang hinagkan si Binibining Miranda.

Bumalik ito sa kaniyang pwesto at ikinapit niya ang kaniyang kamay sa aking bisig. "Ikinagagalak rin kitang makilala." tugon ni Binibining Miranda.

"Mabuti naman at napadalaw ka sa'ming tahanan Binibining Miranda, kay tagal ko ring hinintay na makilala ka nang harapan." patuloy niya habang nakangiti nang malapad.

Akmang tutugon na si Binibining Miranda nang bigla naming marinig ang isang baritonong tinig.

"Ina narito na ba si Solana?" Napabaling ang tingin nilang tatlo sa pinto habang ako ay nanatili lamang sa aking pwesto. Kahit hindi ko siya lingunin ay batid kong tinig iyon ni Ginoong Samuel.

Narinig ko ang paghakbang niya ng dalawang beses hanggang sa napatigil ito sa paglalakad nang mapagtanto narito kami.

Napalingon ako sa kaniya at bahagyang napaawang ang kaniya labi ngunit mabilisan din itong napawi. Sandaling nagtama ang aming tingin bago napabaling ang tingin niya kay Binibining Miranda.

Humakbang ito palapit sa amin at bahagyang yumuko at ngumiti nang matamis. "Magandang araw mga Binibini.." magalang na wika niya.

"M-magandang araw rin sayo Ginoo" tugon ni Binibining Miranda at bahagyang nakayuko ang kaniyang ulo ngunit aking nasisilayan ang ngiti niya. Napangiti si Ginoong Samuel bago inilipat ang tingin sa'kin subalit mabilisan akong uniwas at yumuko.

"Binibining Miranda siya nga pala ang aming pangalawang anak na si Samuel. Ilang beses nang nababanggit sa'kin ng iyong ina na hindi ka pa niya lubusang nakikilala." saad ni Donya Esmeralda at bahagyang napangiti sa kanilang dalawa.

Napatango-tango si Ginoong Samuel at ngumiti nang matamis kay Binibining Miranda, habang si Binibining Miranda ay napapangiti na lamang habang nakatingin sa kaniya.

"Ikinagagalak kitang makilala Binibining Miranda." wika ni Ginoong Samuel bago bahagyang napayuko. Sandali kong naramdaman ang paghigpit ng hawak sa aking palad ni Binibining Miranda at ang pagharang nito ng kaniyang abaniko sa kaniyang bibig, upang takpan ang namumula niyang mga pisngi.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt