"Sir pwede naman po akong magtrabaho. Hindi na po masakit ang paa ko." Rason ko ulit.

Dumilim ang kanyang tingin niya sakin at para akong aso na umamo dahil pinagalitan ako. "You're not doing it miss Gascon... or you want me to sprain your ankle para hindi ka tuluyang makapagtrabaho." Pananakot niya sa akin.

Sayang ang damit na binigay niya sa akin kung ganun. Pero hindi ko ugaling umupo nalang ang maging bisita niya. Emplayado niya ako. Cleaning lady niya ako dito sa penthouse niya na magara. Pero nagprisenta parin ako na tumulong sa kanya na magluto para hindi ako maghintay sa kanya. Pinagkibitan niya lang ako ng balikat. Sa banyo ng kusina ako nagbihis. Utos pa nga sa akin ay sa guestroom na ako pero umayaw ako dahil hindi ko gusto do'n. Nakakahiya na.

Nag-ingat lang ako sa paglakad. Pinahiram niya ako ng tsinelas na kasing laki ng higante ang size. Sinukat ko ang damit na binigay niya sa akin. Perfect ang size at kasya talaga sakin. Ganun din ang pants. Tinali ko ng maayos ang buhok ko para hindi magkalat ang hibla. Paglabas ko ay nakahanda na siya sa pagluluto. May suot na siyang itim na apron sa kanyang bewang.

Pag-angat ng tingin niya sa akin ay napatango siya. Aprobado siya sa suot ko na kasya sa akin. Nagpasalamat ako ulit ako sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasalamat at humingi ng tawad sa araw na'to. Pero okay lang sa kanya pero minsan ay nagrereklamo siya na huwag magsorry dahil wala daw akong kasalanan. Basta magsosorry lang ako.

"Ano po ang lulutuin niyo sir?" Tanong ko. Tinapik ko ang mga daliri ko sa countertop habang nakatingin sa ingredients sa baba.

"You know how to cook?" Mangha niyang tanong.

Ngumiti ako at sinabi ko sa kanya na marunong naman akong magluto dahil mag-isa lang ako. Hindi pa kami nagsimula agad dahil sunod-sunod yung tanong niya sa akin na parang imbestegador.

"Mag-isa lang po ako sa apartment ko kaya wala po akong ibang choice kundi ang magluto para sa sarili ko. Ako lang naman ang kumakain ng mga niluto ko." Pagtapal sa kuryosidad niya.

"But you're leaving alone? Where's your parents? And why are you leaving alone in the middle of the busy environment? Aren't you afraid of... gangsters, rapists, drug addicts, serial killers?"

"Ako lang po talagang mag-isa sa apartment ko. Yung tatay ko ay nasa probinsya dahil may ibang pamilya na. Yung nanay ko, hindi ko naman alam kung nasaan. At hindi po ako takot sa mga masasamang tao. Buhay pa naman po ako." Proud ko pang sabi sa kanya.

Nabura ang ngiti ko nang makita ko siyang nakakunot ang noo. Mahigpit ang hawak niya sa pan. Pero agad niyang pinikit ang kanyang mata at huminga ng malalim. At diretso agad sa akin ang kanyang tingin nang ito ay imulat niya.

"Don't say it again." Sabi niya. Nalaglag ang panga ko. Bakit ganun nalang ang kanyang boses? Kanina okay lang siya ngayon ay parang galit siya.

Tinulungan ko nalang siya. Hindi ko alam kung ano ang lulutuin pero may pinahiwa siya sa akin na mga rekados. Nakailang hiwa na ako pero siya ay nakapirme lang sa kanyang pwesto. Ang diin ng tingin sa kamay ko, partikular sa kutsilyo na hawak ko. Parang siya ang nahihirapan sa akin. At dahil gusto ko siyang tuksuhin ay binilisan ko ang paghiwa ko na parang experto. Sa kanya ako nakatingin dahil gusto ko yung reaksyon niya. Nakakatawa siya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at tinaas ang kanyang kamay. "Wait wait wait. Relax, relax, cool down okay? Don't cut the onion like that." Pinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ko.

Napawi ang ligaya sa puso ko at napalitan ito ng isang emosyon na hindi ko dapat maramdaman. Tumikhim ako at tinulak ang kanyang kamay.

"Sir okay na po ito. Ano nga ba ang lulutuin natin? Madilim na po sa labas." Tugon ko.

PhoebianWhere stories live. Discover now