EPILOGUE

57 0 0
                                    

Time passed by really fast, sa nagdaang panahon at oras ay hindi ko na namamalayan na unti-unti na akong nakakabangon mula sa pagkasadlak ko noon at kawalan ng pag-asa. With the help of Ortega family na soon to be family ko na rin ay nagiging continous ang healing ko. I've been alone for the longest time,  bagamat may mga kaibigang nasasandalan. May mga pagkakataon pa rin na pakiramdam ko ay ako na lang mag-isa ang lumalaban at humaharap sa mga problemang ibinabato ng mundo.

I've been cheated....

"Lovely magpapaliwanag ako, mag-usap tayo."

Mistreated...

"Lumayas ka rito! Hindi na kami tumatanggap ng isa pang palamunim at taong walang pakinabang!"

Judged.

"Isang linggo nang nandito 'yan ah, baka naman umaabuso na  ang babaen—"

"Ma, shut up!"

"O e bakit? Abuso naman talaga siya 'yang kaibigan mo na 'yan. Wala na nga tayong makain, nagdagdag ka pa ng palamunin. Palamunin at magnanakaw dahil lahat ng inuuwi mo sa kanya lang napupunta.

Lahat ng iyan ay naranasan ko na mag-isa, Akie's fam really help me to continue on living They gave me hope and a motivation to move on, and at the same time they gave me Akie. Ang lalaking nagbukas ng puso ko at nagpasaya sa akin. He held my hands tight and he never let it go, he gave me life and love at the same time.

I was really waiting for the time that we will fall in love, hinanda ko lang talaga ang sarili ko. Unti-unti nang nagsisink-in  sa akin ang lahat ng mga nangyayari. Gradually, na-accept ko na 'yon, it happen because of a purpose.

Everything  happen for a reason.

Tadhana

Kapalaran

Propesiya

Kahit ano pa man ang itawag sa bagay ay mananatili pa rin na may dahilan kung bakit ipinararanas iyon sa mga tao.

March 3, 2010

"You look  beautiful Love," si Maxi 'yon. Pinsan ko at isa sa mga bridesmaid sa kasal ko.

"She's right, ang ganda-ganda mo girl. Talagang nasa dugo natin ang pagiging maganda." Masayang wika ni Marigold, pinsan ko rin at isa rin sa mga brides maids ko.

Ngayong araw ang pinaka espesyal na petsa ng buhay ko, ang araw ng kasal namin ng pinakamamahal kong si Akie. Sinong mag-aakala na ang lalaki na nagnakaw ng first kiss ko, at everyday akong binubwiset ay siya rin pala ang lalaki na ihaharap ko sa altar at siyang magiging kabiyak ng puso ko habang buhay. 

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang hawak-hawak ko ang naka-frame na litrato ng parents ko, gusto kong maglakad sa altar na hawak-hawak ang mga ito instead of flowers. I wanna feel that they're  still here. Gusto ko pa rin na maramdaman na hinahatid nila ako sa altar kahit wala na sila dito.  Mahigpit kong yinakap ang litrato ng magulang ko habang inilalagay ang belo sa ulo ko, si Maxi ang humawak ng bouquet na dapat sana ay hhaawakan ko sa paglalakad sa altar. 

"Hey girl, smile. Araw ng kasal mo, this is your special day. What's with the frown?" Si Maxi 'yon habang  pinapaypayan ako para hindi pagpawisan.

"Nami-miss ko lang sila Mama at Papa, sana nandito rin sila. Sana sila ang maghahatid sa akin ngayon sa altar.

"I'm pretty sure that they're happy lung nasaan ka ngayon," Maxi said.

"Agreed 100%," pagsang-ayon naman ni Mari na nasa unahan ng kotse at katabi ng driver. "Ngiti na girl, sayang ang magandang mukha. Ang ganda-ganda ng ayos mo tapos nakasimalmal ka riyan. Naghihintay na si Akie sa loob. Gogora na kami ha, entourage na baka hinahanap na ng mga maid-of-honors." Bumeso pa sila sa akin bagon sila bumaba ng kotse, sumunod na rin ako alinsunod sa sinabi ni Ate Krita na organizer ng wedding ko.

Enggrande ang kasalan na si Ate Krista ang nag organize, event organizer  kasi siya at sinagot niya ang pag-oorganize ng simbahan at reception. Sila Ninong at Ninang naman ang sumagot sa bayad ng food at catering, si Kuya Clyde naman ang sa clothes at other things. Lahat sila ay nagtulong-tulong para maidaos ang espesyal na araw namin ni Akie. Talagang sobrang effort ang ibinuhos nila Ninong dahil bukod sa bunso si Akie ay siya na lang kasi ang hindi na pa nagpapakasal.  

Nasa labas na ako ng simbahan, ako lang mag-isa habang yakap-yakap ko ang litrato ng parents ko. I was nervous and happy at the same time, I consider this day as the happiest day of my life. Wanna know why? After my parents died, hindi ko na naranasan kasi maging genuine na happy. Hindi ko maiwasan na mag-overthink every now and then. Sobra akong nagluksa for the passed months e kaya rin matagl bago ako nakapag-move on, 3 years rin ang lumipas bago kami finally naikasal ni Akie. He did wait for me until maging ready na ako to settle down.

"Ma, Pa, ikakasal na po ako. Ngayong araw na po ang kasal ko, how I wish na nandito kayo to witness it. Sorry po, hindi na magiging-Collab ang apelido ko sa mga susunod na taon tapos 'yong baby mo, may baby na rin. May Arkiel na po ako. May apo na po kayo na dating pinapangara ninyo. Sana masaya po kayo ngayon para sa akin kung nasaan man kayo naroroon." Bulong ko sa sarili habang naglalakad ako patungo sa aisle. Naghari ang kulay sky blue at puti sa buong simbahan, ang lahat ay nakangiti habang pinapanood ang paglalakad.

Mula sa gilid ng altar ay naaninag ko ang pamilya Ortega, si kuya Clyde na best man na buhat-buhat ang mga nagagwapuhan kong anak na sina Arkiel at Cedric. Ang emosyonal na si Ninang na soon-to-be Mommy na, si Ninong Daddy na malapad ang ngiti, at syempre ang pinakaguwapo sa lahat. Ang aking groom at may-maya lang ay magiging mister ko na ang pinakamamahal kong si Akie, napakagwapo niya sa suot niyang puting amerikano.

"Mano po," aniko habang nagmamano kina Ninong at Ninang, yumakap naman ako kay Kuya Clyde at humalik sa daalwang anak ko. Officially, ay Collab na ang middle initial ni Cedric. Ako na rin ang nakalagay sa birth certificate niya kaya 'anak' narin ang tawag ko sa kanya.

Kinuha ni Ninong ang frame na hawak-hawak ko at dinala ito sa kabilang side na supposed to be ay upuan ng parents ng bride but unfortunately hindi makaka-uupo ang parents ko dahil wala na silang dalawa. 

"Finally, after so many years." Mahinang sambit ni Akie nang hawakan niya ang kamay ko at sabay kami na humarap sa altar at sa pari na magkakasal sa aming dalawa.  

"This is it Akie," aniko. Sumulyap siya sa akin na may ningning ang mga mata. 

"Let's do this, hindi na ako makapag hintay na tawagin kang Mrs. Lovely Collab-Ortega. Misis ko, asawa ko, ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ko sa buong mundo." Nakangiti niyang sabi, malandi pa siyang kumindat saka inilitaw ang mapuputi at kumpleto niyang ngipin.

                                                                                    THE END.

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now