18

34 3 0
                                    

"Congratulation Ms. Collab, you are three months pregnant."

"Congratulation Ms. Collab, you are three months pregnant."

"Congratulation Ms. Collab, you are three months pregnant."

"Congratulation Ms. Collab, you are three months pregnant."

"Congratulation Ms. Collab, you are three months pregnant."

Kanina pa ako ginugulo ng isipan ko, paulit-ulit na nag[aflash rito ang kaninang sinambit ng ob-gyne ko. Kumpirmadong buntis nga ako, wala nang kawala. Matiko akong napalingon kay Akie na naka-upo sa tabi ko nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko, he was smiling from ear to ear and kinda teary-eyed. Noong malaman niya kasi kay Kuya Clyde at Ninang Marissa ang nangyari sa akin three days ago ay hindi nya na ako tinigilan na kulitin para magpacheck- up para masigurado. Siya pa ang gumising sa akin, naghanda ng breakfast ko, at pati na naghatid-sundo sa akin. Iniwanan niya ang shop sa pinsang si Eula para masamahan niya ako sa clinic ni Dra. Monteclaro.

"Masaya ka ba?" Usisa ko sa kanina pa pasulyap-sulyap sa akin na si Akie habang nagmamaneho.

"Oo naman, sobra. Magiging dalawa na ang anghel sa bahay, magiging Kuya na si Cedric." Nakangiti niyang sabi. "How bout you?

"Masaya ako, sobrang saya ko. Atleast ngayon, hindi na ako mag-isa. May baby na ako na makakasama ko."

"You're not alone, I'm always here. Ako at Cedric, pati na sina Mommy, Daddy, at Kuya. Well, even Krista. "

Nanubig ang mga mata dahil sa narinig ko sa hindi ko malaman na dahilan, ganito raw talaga ang mga buntis. Emosyonal masyado kahit pa sa kakaunting bagay, tumataas daw kasi ang hormone ko,

"Thank you Akie."

"I love you Lovely," aniya at pinisil ang kamay ko na hawak-hawak niya. Hinagkan niya pa ang likod nito at saglit akong nilingon. "Pakiramdam ko ay na-kumpleto na ako dahil kasama na kita at si Cedric, pati na ang magiging anak natin. I won't be the miserable Akie that I used to be." Muling sumilay ang malapd niyang ngiti na mas lalong nagpaguwapo sa hitsura niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na abutin ang ilong niya at pisilin dahil ang cute-cute talaga. "Love, hold on. Baka mabangga tayo, " hagikgik niya.

"Sorry, ang cute lang kasi ng ilong mo." Nakangusong sabi ko.

"Ayos 'yan, ako ang paglihihan mo para sure na ako ang kamukha ng baby natin." Kumpyansa niyang sabi.

"Wala naman na siyang magiging kamukha bukod sa'yo at bukod sa akin ikaw kaya ang nakauna ..." Naramdaman ko na biglang uminit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ko.

"Yeah and I'm proud of it, bawal ka na sa iba ah dahil sa ayaw at sa gusto mo ako pa rin ang magiging tatay ng baby natin."

"At magiging asawa ko na makakasama ko habang buhay."

Otomatiko na napalingon siya, bakas sa mukha at reaksyon niya ang labis na pagkagulat.

"A-Ano?"

"Asawa ko," ngumiti ako.

Pinamulahanan siya ng pisngi kasabay ng pagsilay ng malapad na mga ngiti sa labi niya.

"Napakasarap naman sa tainga ng sinabi mo," hagikgik niya. "Worth it ang paghihintay." Aniya saka bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Inilipit niya ang kamay sa tiyan ko saka ito hinimas-himas. "Ikaw talaga ang lucky charm ko Arkiel."

"Arkiel?"

"His name."

Ayos ah, wala pa ngang gender reveal may pangalan na agad siya.

"Hindi pa nga natin alam kung ano ang gender niya e, pinapangalanan mo agad."

"We'll name him Gion Arkiel kapag lalaki, Kiarra Heart kapag babae naman." Aniya habang naka pokus ang atensyon sa kalsada. pp

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora