16

30 4 0
                                    

"Coreen?"

Matikong  napalingon ako sa kinaroroonan ni Akie nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya, pangalan iyon ni Coreen na nanay ni Cedric. 

"What do you want?" Malamig na sambit ni Akie. "Chill? Kukuhanin mo ang anak mo tapos gusto mo na mag-chill ako? Seryoso ka ba sa sinaasabi mo? What?" Nagbago ang tono ng pananalita nito, animo'y natanggalan siya ng tinik sa dibdib sa naging reaksyon niya. He then looked at me and gave me a half-smile. 

I was really curious. 

Ang kaso ay hindi ko alam kung may karapatan ba ako na mangielam, unang-una ay sampid lang naman ako na in-involved ni Akie sa sitwasyong ito.  Pangalawa ay issue nila iyon, bilang mga magulang ni Cedric, labas ako at wala akong "K" na mangielam.

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Ani Akie matapos niyang ibaba ang tawag. 

"Saan naman tayo pupunta?" Usisa ko pa habang  binubuhat si Cedric. 

"Gusto ka raw makilala ni Coreen," tugon niya.

"Coreen?"

"Cedric's mom," mahiksing sagot niya. "Don't worry, she  wants to meet us and maybe, talk to you about my child." 

"Bakit kailangan pa na kasama mo a ako? Hindi ba dapat  kayo lang 'yan kasi kayo ang parents ni Cedric e."

"And soon you'll be his mom, magiging magulang ka na rin niya." 

Matikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko sa hindi ko malamang dahilan, nanunubog rin ang mga mata ko na para bang gusto ko na umiyak, umiyak hindi dahil sa lungkot kung'di dahil sa kakaibang saya na nararamdaman ko sa loob ko. 

Inuna ko na paliguan at bihisan si Cedric saka ko isinunod ang sarili ko, Halos twice a week ako na nakakatanghp ng regalo kay Akie kung kaya't isa sa mga regalo niya ang isinuot ko. Isang simpleng white floral dress na off-shoulder na pinarisan ko ng silver na stilleto. Isa rin sa regalo ni Akie ang slingbag na gagamitin ko, itim ito at may golden chain. Pagkatapos ko na maiayos ang sarili ko ay tumungo na ako sa salas kung saan naghihintay ang mag-ama... ko? Soon.

"Let's go?"  Ani Akie, sinalubong niya ako na pababa ng hagdan. Tulak-tulak niya sa stroller ang dumedede naman na si Cedric. 

"O saan ang punta  ninyong mag-anak?" Si Ninong Pocholo iyon na kakalabas lang ng kwarto nila. 

Mag-anak? 

Who?

Kami?

"Mamamasyal lang," nakangiting sagot ni Akie at umakbay pa sa akin. "Ipapasyal ko lang ang mag-ina ko," aniya at nilingon ako saka umakbay. 

O ngayon naman 'mag-ina niya' 

Talagang pinanindigan na niya na magiging asawa niya ako which is good.

Wait? 

Good?

Gago Lovely anong good? 

Anong sinasabi mo riyan?

Para akong saglit na nahibang sa mga naririnig ko,  accepted ko naman na since unang-una ay hindi ako tumanggi. Gusto kong magmalasakit at nagmammalasakit ako sa bata e, that's why I ended up here in my place. Medyo nako-confuse lang kasi hindi ko alam kung kailan at saan ako lulugar, wala naman kasing cue card.

"May napili ka na?" Usisa ni Akie, marahan pa niya na hinawi ang menu na hawak-hawak ko.  May ilang minuto na rin kami dito sa loob ng isang five star restaurant.  Dito raw kasi gusto ni Coreen na makipagkita. 

"HIndi pa e, hindi kasi ako familliar sa mga pagkain na nakalagay dito. Wala pa ba si Coreen?"

"She's on her way, na-traffic lang daw siya. As if naniniwala ako sa palusot niya." Gumulong  ang mga mata niya. 

"Demonyo, nanay ng anak mo 'yon."

"Hanggang ngayon, demonyo pa rin ba ang tingin mo sa amin? Love, ang laki na kaya ng ipinagbagp ko. I did really change a lot for you... tapos demonyo pa rin nag tingin mo sa akin. Nakakasakit ka na ha."  Ngumuso pa siya dahilan para impit ako na matawa. "Tignan mo 'to, imbis na maawa sa akin. Tinawanan pa ako."

Napa-iling ako at ibinaling ang atensyon kay Cedric na nagpapacifier. "Cedric 'yong tatay mo pabebe, akala niya naman uubra 'yon sa akin." 

"Palibhasa kasi hindi mo ako mahal e kaya ang lakas ng loob mo na ganyanin ako." Pabiro niyang sabi, he did even try to faked his lips pero naramdaman ko ang hinanakit niya dahil sa nabasag ang boses niya. 

"And who told you that I don't love you?" Hindi siya naka-imik, takang tumitig siya sa akin.   "Who told you?"

"What do you mean?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako ngunit napahinto ako nang may dumating babaeng mestisa, nakasuot siya ng pulang dress na above the knee ang haba, itim na coat, at mataas na heels. Hangang balikat ang buhok niya, chinita, at matangos ang ilong. 

"Sorry I'm late, sobrang traffic kasi." Umupo siya sa bakanteng upuan na opposite sa kina-uupuan ni Akie. saka hinila ang stroller kung saan nakahiga si Cedric. "Hello Baby Ceddie ko, kumusta na ang prinsipe ko? " Aniya saka padaskol na binuhat ang bata.

"Careful! Baka mapilay si Cedric!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses dahil sa way ng pagbuhat niya kay Cedric, kamuntikan kasi na malingay ang bata.

"Woah! Hold on! This is my child, I know what I'm doing." 

"Pero kasi baka malingay siya..."  

"She is just concern. Coreen. Anak namin si Cedric," malamig na sabi ni Akie. 

"Wait, hold on. Anak ninyo?" Nnanunuyam niya ako na tinignan mula ulo hanggang paa. "Ikaw pala si Lovely, did I expect too much? Wala ka kasi sa kalingkingan ng mga tipo ni Akie." Ngumisi siya at saka tumawa na para bang nang=aasar.

"Coreen stop it!" Bulyaw ni Akie at napatayo pa mula sa kinauupuan. 

"What?" She scoff, "bakit natapakan ko ba ang ego mo?"  Marahan niya na ibinaba sa stroller si Cedric. "Nagsasabi lang ako ng totoo Akihiro." 

"I said enough! You're out of the line, nakakasakit na 'yong sinasabi mo."

"Chill, I'm just kidding okay? Look, I'm just trying to be her friend."

"Mukha mo!" Malakas na sigaw ni Akie, he even punch the table dahilan para maging center of attraction kami.  

"Akie, tama na." Awat ko sa kanya nang marinig ko na humikbi na si Cedric, dali-dali ako na tumayo sa upuan ko at at marahan siya na binuhat para patahanin. "Tahan na baby, nandito na si Mama. Shush!" Pang-aalo ko habang hinehele-hele ko si Cedric. 

"What happened to my child?" Si Coreen na umaarte na concern kahit hindi naman. 

Nilingon ko lang siya ngunit hindi ko sinagot, nakakaramdam kasi ako ng pagka-inis deep inside. Ayaw ko lang na ipahalata, this is our first meet. Ayokong mag-create ng bad impression sa nanay ni Cedric, Coreen is still Cedric's mom kahit na pagbalik-baliktarin ko ang mundo.

"Mag-usap kayo riyan, lilibangin ko lang si Cedric." Aniko at kinuha ang baby bag sa likod ng stroller.

"No, wala na naman na kaming dapat pag-usapan Love."  Sumeryoso ang tono niya, "Nakita ko na ang dapat ko na makita." Lumapit pa siya sa akin  at hinawakan ako sa balikat. "Thank you,"  aniya at yinakap ako.  

Nakakapagtaka, bigla na lang siyang naging anghel. 

"H-Huh? Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko. 

"Nakita ko na ang gusto ko na makita," ani Coreen. Ipapaubaya ko na sa'yo ang anak ko. Sa inyo ni Akie, sa nakikita ko mas capable  nga kayo kaysa sa akin." Aniya at lumisan na.


UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now