5

42 5 0
                                    

AGAD na binuhat  ni Akie si Cedric mula sa high chair, he then stares at me coldly na para bang hinihintay niya na ibaba ko ang hawak kong plastic bowl na may cerelac.

"H-Huhugasan ko lang 'to Akie, susunod na lang ako sa'yo."

"Just leave it," malamig niyang sabi.

"P-Pero.."

"I hate excuses, just leave it. May mga maids naman tayo na magliligpit ng mga 'yan." Malamig niyang sabi sabay hiklat sa braso ko. 

Wala naman na akong nagawa kaya sumunod na lang ako kay Akihiro, malay ko ba sa lalaking ito. Pati ako na nananahimik, nadadamay sa kung ano mang away na meron sila ni Kuya Clyde. Nakaka-irita pero hahayaan ko na lang kasi wala naman akong choice, nakikitira lang ako at isa pa pinili kong makipaglaro sa abnormal na 'to. 

"Naawa ka kay Kuya 'no?" Pagpasok ko ay ito agad ang ibinungad niya.

"Huh?"

Umirap lang siya, "nevermind. Bihisan mo na lang 'yang si Cedric, aalis tayo. "

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa impyerno," sarkastiko niyang sagot habang ibinababa si Cedric sa kuna nito. 

"Fuck Akie, nagtatanong ako ng maayos." Mahina kong sambit, nagtitimpi ako, opo. Kailangan e, may kasama kaming inosente. "Saan nga tayo pupunta? Ang dali-dali ng tanong ko, bakit hindi mo masagot ng maayos?" 

"Just shut up, ayoko ng maraming tanong." Malamig niyang sambit. 

Hindi na ako nagsalita, itinikom ko na lang ang bibig ko at itinuon na lang ang pansin sa pagpapaligo sa batang si Cedric sa loob ng bathroom ng kwarto ng bata. Ang ama naman niya ay pinapanood lang ang ginagawa ko, naka-pwesto siya sa may pinto at nakasandal at nakapaulsa.

"Dada-dada-Dada-." Mahinang sabi ni Cedric habang nilalaro niya ang toy duck na nasa bath tub. "Dada-Dada," muli pa niyang sabi sabay tampisaw ng kamay sa tubig.

" Daldal naman ng bata ba 'yan," natatawa kong sabi habang  sinasabunan ko ang katawan niya. Tawa lang ang isinagot ni Cedric sa akin. "Chin up baby, wash ko lang neck mo." Aniko, agad naman na tumingala si Cedric.

"Ma-ma wash," 

Napahinto ako sa pagkuskus sa leeg ng bata ng marinig ko ang sinambit niya, liningon ko rin si Akie na halatang nagulat rin sa narinig mula sa bata. Napa-alis siya sa pwesto niya at nagmamadali na lumapit sa anak.

"What did you just said?" Tanong niya.

"Ma-ma," pag-uulit ni Cedric sa sinabi, sumilay rin ang malapad na ngiti sa labi ng bata. "Ma-ma," aniya at humagikgik pa. 

Muli kaming nagkatinginan ni Akie at nagpakiramdaman, kapwa kami nagulat mula sa narinig kay Cedric. Magkahalong shocked at happiness ang nabakas ko sa mukha ni Akie. Normal siguro 'yon dahil siya ang ama ng bata.

"That's his second word simula no'ng matuto siya na magsalita.  I'm glad na natututo siya but.." he paused as he look at Cedric. "Wala naman siyang Mama e," mapait siya na tumawa. 

"K-Kung... K-Kung itatanong ko ba kung nasaan ang... ang Mommy niya. Sasagutin mo ba?Sasabihin mo ba?"

"Ofcourse not! In the first place, sino ka ba para sagutin ko? Tandaan mo na nakikitira ka lang dito at isa ka lamang hamak na baby sitter ng anak ko." Malamig niyang sabi, "pagkatapos mo na bihisan si Cedric. Magbihis ka na rin,  may iniwan akong paperbag sa kama mo. 'Yon ang isuot  mo para naman hindi ka mukhang basura." Wika niya bago lisanin ang bathroom.

Napa-irap na lang ako at hindi na umimik pa, tinapos ko na lang ang pagpapaligo kay Cedric at pagbibihis sa bata, iniwanan ko na siya kay Akie pagkatapos. Hawakan niya man lang ang anak niya kahit saglit, magpakaa-ama man lang siya ng labinglimang minuto habang nagbibihis ako. Nang pumasok ako sa kwarto ko ay bumungad agad sa akin ang dalawang puting paper bag na nasa kama ko.  Kaagad ko na ito na pinuntahan at inusisa kung ano ang nasa loob nito.

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now