Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


'I-I admit that she's so cool looking this way...'






"Mukhang ang grasya na mismo ang lumalapit sa'tin at nadagdagan pa ang diyosa na nasa harap natin ngayon. Hahahaha!"






"Ngayon ay hindi lang isa ang pagsasaluhan natin mamaya! Hahahaha!"






Hindi ko maiwasan na mapangiwi sa narinig mula sa bibig ng mga lalaki. Ngunit nawala rin sa kanila ang atensyon ko nang makitang lumapit sa'kin si Heavenhell at mabilis na hinubad ang suot-suot nitong cloak.






"Wear this. It's cold." Seryoso nitong sabi sa'kin habang maingat na hinihigpitan ang tali nito. *Gulp*






"Hoy miss! Nakikinig ba kayo sa'min? Bakit kung gumalaw kayo diyan ay tinalo niyo pa ang magkarelasyon?!"






Nang marinig ang sinigaw ng lalaki ay doon lang ako nabalik sa pag-iisip. Agad na namula ang mukha ko sa hiya. W-what are they trying to say, that we like each other? What is the matter with their brains?!?






Pasimple kong sinamaan ng tingin ang mga lalaki bago tinuon ulit ang atensyon kay Heavenhell na seryoso pa rin sa pag-aayos ng cloak sa'kin. Nang matapos sa ginagawa ay tsaka lang siya lumingon sa kanilang lahat.






"Pwede bang manahimik muna kayo? Kita niyong busy yung tao dito tapos bigla kayong sisingit. Panira kayo ng moment no? Aish!" naiiling na sabi ni Heavenhell na kinagulat ko.






'Wait! W-what did she want to imply? Is it just me, or is there something wrong with what she meant by that?'






"Miss hindi namin alam na babae pala ang gusto mo." Natatawa na sabi ng kalbo.






Napataas na lang ako ng kilay sa narinig. Hindi niya ba alam na may hinahabol-habol 'tong si Heavenhell sa loob ng halos pitong taon? Kung hindi ay marapat din na malaman nila na magkaribal kaming dalawa kaya imposible ang mga pinagsasabi nila ngayon.





'My gosh! It is beyond impossible for Lady Heavenhell to take a liking to a girl. Despite the fact that the song she sang at my birthday banquet was heartwarming and beautiful, it's still out of the question.'






Nabalik ang paningin ko kay Heavenhell nang marinig ang boses nito.






"Hoy taong bola, huwag kang gawa-gawa ng kwento! Atsaka bakit ba ang dami niyong satsat?! Hindi ba't ito ang oras kung saan susugod kayo sa'kin, tapos isa-isa ko kayong lalampasuhin?" nakangising sabi ni Heavenhell na kinagulat ng mga lalaki.






Sinong hindi magugulat sa mga sinabi niya 'diba? Isang babae naghamon ng away sa lagpas sampung gangster na lalaki?! This is absurd!






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now