KABANATA 63

821 44 30
                                    

Place

Hinayaan ko na lang siya sa gusto. Hinatid ko siya palabas ng pinto at nagpaalam. Isinara ko ang pinto at nasapo ang dibdib, ramdam ko ang abnormal na pagkabog ng puso ko at hindi ko alam kung nasisiyahan ba o ano dahil sa presensiya ni Yahwi. Hindi ako makapaniwalang nagkasama kami at nakapag-usap pa. Sana magtuloy-tuloy ang pagiging malapit namin sa isa't isa muli. Kahit manatili lang kaming magkaibigan, ayos na sa akin. Ako na ang bahalang mag-waksi sa nararamdamang pag-asang magkakabalikan pa kami.

Nag-shower lang ako saglit bago lumabas. Nadatnan ko si Flor na pinapainit ang pagkaing naiuwi namin. Nang makita niya ako ay binato niya ako ng mga tanong at panunukso. Natatawa na lang ako at pilit tinatanggihan ang paratang na boyfriend ko raw si Yahwi.

"Ex-boyfriend nga, Flor!" Iling na sagot ko habang nag-ayos ng plato sa mesa namin. "At hindi kami nagkabalikan!"

"Aysus! Pero mahal mo pa, 'no?"

"Mmm." Ngisi ko kaya napatili siya at pabirong hinampas pa ang braso ko pagkalapag ng hawak na pagkain.

"Shuta ka! E'di balikan mo na!"

"Kung pwede lang, Flor!"

"Bakit? May bago na? May asawa na ba?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko lang alam..."

"Baka pwede pang agawin! Tanungin mo kung mahal ka pa niya hanggang ngayon at baka magkabalikan pa kayo!"

"Hay naku, Flor!"

Natawa ako at napailing. Natawa rin siya at panay ang pagpupumilit sa gustong mangyari. Umupo na rin ako sa upuan at maghahain na sana nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami. Una siyang napahagikgik at sininyasan akong buksan dahil ako naman ang may bisita. Tumayo ako at lumapit sa pintuan saka siya pinagbuksan. Ngumiti ako agad nang mabungaran siya. Pero ang mga mata ay nakatuon sa ibang direksyon. Napatitig siya sa parteng leeg ko bago sunod na sinuyod ang kabuuan ko. Simpleng puting sando lang naman ang suot ko pantulog at itim na pajama. Nakapaa-paa pa ako kaya medyo nakaramdam ako ng hiya.

Sinulyapan ko ang isang lalaking espanyol na kasama niya at nasa bandang likuran niya, mukhang service dahil sa ayos at may bitbit pang kung ano. Samantalang dalawang malaking paper bag ang hawak-hawak ni Yahwi. Hinarang niya bigla ang katawan sa direksyon ng mata ko kaya tiningala ko siya at nginitian.

"Pasok,"

"Take these and eat with your friend," aniya at inilahad ang dalawang paper bag na hawak. Dali kong inabot at sinipat, mabilis na kumalat ang mabangong amoy ng pagkain sa ilong ko. "I'll just set up your bed."

"Bed?" Nagtatakang tanong ko at pilit sinusulyapan ang nasa likuran niya pero inihaharang niya rin ang malaking katawan sa akin, hindi ko alam kung sino ang pinagtatakpan niya sa amin. Ngumuso ako at tiningala ang mukha niya.

"Yes, Yuki. Your bed."

"Eh?"

"Now, get your pretty ass inside and eat your dinner."

"O-Okay..."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at agad na tumalikod. Impit lang na napatili si Flor at sayang-saya habang sabay naming inilalabas ang mga pagkain na bigay ni Yahwi. Pinagsaluhan naming dalawa at sa dami n'on ay baka may matira pa para bukas. Pareho kaming napasulyap kay Yahwi nang pumasok siya bitbit ang hawak niyong lalaki kanina. Tahimik siyang nagtungo sa sala at sinimulang iniligpit ang mga gamit ko. Binilisan ko na lang kumain para puntahan siya at para tulungan. Iniwan ko si Flor mag-isa sa mesa at nilapitan si Yahwi na kasalukuyang inaayos ang isang single folding bed.

"Bakit mo pala ako binilhan?" Nagtatakang tanong ko at tinitiyempuhang makatulong sa kanya.

"Bawal ba?"

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon