KABANATA 56

786 37 25
                                    

Leave

"Huh?!" Gulat na gulat na sambit ko at nawala yata bigla ang antok ko dahil sa nakitang hawak niya. "Anong... S-Saan mo nakuha 'yan?"

"This was your friend's gift to me and obviously, he wants me to make you wear this tonight. Fuck, I love it. Maybe, I should thank him for this later." He smirked and looking so happily at the white bunny costume.

"P-Pero Yahwi... Seryoso ka ba?"

"Yes, baby. Please?"

Napabuntonghininga ako at tumango na lang. Ngumiti siya at may ipinasuot pa sa aking puting headband pero may mahaba at naka-arkong bunny ears. Pinatayo niya ako at tinulungang isuot ang damit o damit pa bang matatawag dahil sa nipis at kawalan ng tela. Sa paa ko unang inilusot ang damit para maisuot sa katawan ko, saka niya ni-zipper sa may likod mula parteng itaas ng pang-upo ko kung saan sa ibaba at mismong parteng puwitan ko ay talagang nakasentro ang bilog at mabalahibong buntot,  ni-lock niya ang zipper sa may taas ng likod ko. Pero umabot lang ang damit sa ibabang parte ng dibdib ko kaya kitang-kita ang mga nipple ko.

Napangiwi ako pero natawa na lang din dahil sa nakikitang sabik sa mukha niya habang dinadamitan ako. Umupo ako sa kama at pinanood siyang inangat ang binti ko pero hinalik-halikan pa niya bago tuluyang isinuot ang manipis at puting net stocking na medyas na umabot hanggang kalahati ng hita ko. Hindi niya rin pinatawad ang paglagay ng gwantes  sa mga kamay ko na kapareho lang din sa disenyo ng net stocking, umabot lang hanggang siko ko. Hinuli niya ang paglalagay ng chocker sa leeg ko na may nakasabit pang kung anong maingay kapag nagagalaw.

"Ah, you're perfect..." mahinang sambit niya habang pinapasadahan ang katawan ko.

Maliit akong ngumuso at sinipat rin ang katawan. "Hindi ba ako parang ewan dito?"

"I just said, you're perfect. You're fucking gorgeous as fuck."

Napangiti ako at umikot-ikot pero mabilis niya akong hinuli at hinapit sa bewang. Napabungisngis ako at yumakap sa leeg niya nang buhatin niya ako at ihiga sa kama habang humahalik na sa leeg ko at dibdib.

"Akala ko ba matutulog na tayo?"

"Yes, we will sleep after we make-out, Yuki..."

Hindi na ako nakaangal nang sakupin niya ng buo ang labi ko at mariing hinalikan. Nagpaubaya ako. Ibinuka ko ang bibig at hinayaan siyang sipsipin ang dila ko. Halos mahingal ako sa bagal ng pagsipsip niya. Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang nakapikit at marahas na iginagalaw ang sariling balakang para ikiskis ng mariin ang harapan ko sa matigas na harapan niya.

"Ahh..." Mahabang ungol ko pero napangiti na rin ako kalaunan nang marinig ang sinabi niya.

"I love you too..."

Nagpatuloy ang mga masasayang araw para sa amin. Sa bawat araw ay hindi ako nagkulang sa pagpaparamdam sa kanga kung gaano ko siya kamahal at siya lang ang lalaking mamahalin ko. Pero hindi pa rin talaga maiiwasang magkaroon ng away at hindi pagkakaintindihan. May mga araw nang umaabot na hindi kami nagpapansinan at walang komunikasyon sa buong araw o dalawa.

Minsan ay hinahayaan ko na lang para makapag-isa siya at mas makapag-isip. Hinahayaan ko siya minsan dahil gusto kong bigyan siya ng oras para magpalamig hanggang sa kausapin niya ako. Siguro ganito talaga kapag medyo tumatagal na ang relasyon at pagsasama. Kaya mas nagpopokus na lang muna ako sa pag-aaral ko dahil medyo mahirap-hirap na pala taong ito, paano pa kaya kapag sa susunod na taon ko sa kurso?

Pero sa huli, ako pa rin pala ang talo dahil ako ang unang lumalapit at nanunuyo. Hindi ko matagalan at hindi ko kaya kapag umaabot ang away namin ng ilang araw. Sa kagustuhan kong ayaw kong tumagal kaming ganito at baka magsanhi pa ng hiwalayan namin sa huli. Palagi akong kinakain ng takot at bumabalik ang mga masasamang iniisip ko.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon