KABANATA 23

1.2K 51 6
                                    

Sushi

"Ikaw Yuki, try mo nga! Ikaw lang yata ang gusto eh!"

"H-Hindi na, baka masungitan rin ako..." Kamot ko ng batok at nangangati na ang pisngi ko sa pag-iiinit niyon.

"Try mo lang, please?" Pagpupumilit niya kaya napatango rin sila habang ngising nag-aabang. "Pustahan na lang oh, kapag hindi nag-stay si Yuki doon at pinaalis rin, ako na ang maglilinis rito sa mesa natin, alone!" Aniya kaya nakuha niya lalo ang atensyon ng grupo.

"Gora na, Yuki!!"

"Pero kapag pinag-stay ka roon, ako naman ang mag-isa na maglilinis, Yuki." Si Zarina na ngingisi-ngisi rin.

"Iyon oh!!"

Bakit ba ako nasali sa sitwasyong ito? Sa dami ba ng kalat ng pinagkainan namin at mga pinaggamitan rin namin ay marami-rami nga kung tutuusin at kawawa ang matatalo.

Napipilitan, ay tinapangan ko ang sarili at nilakasan ang loo na tumango. Nangingibabaw ang tili ni Lisa kaya namula ako roon. Kinuha ko ang inumin ko at isang sandwich saka mabagal na naglakad patungo sa nakahiwalay at nag-iisang Yahwi.

Napabuntonghininga ako at bumaling sa grupo na abang na abang talaga sa akin. Sinenyasan akong magtuloy-tuloy lang. Mariin akong napapikit at pinagpatuloy ang paglalakad, nanginginig ang tuhod na tumayo ako sa may gilid ng upuan niya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay agad na niya akong binalingan at tiningala. May pagtataka ang nababaksan ko sa mukha niya.

"Yuki,"

"Uh, h-hi?"

"Why?" Baba niya ng iniinom at napaayos ng upo saka inilahad ang upuan sa may tabi. "Sit,"

"O-Okay..."

"Why are you here? Bored there?"

Napailing ako habang inilalapag ang pagkain ko katabi ng sa kanya. Nasa pagkain lang ang tingin ko at hindi na siya binalingan pa gayong ramdam ko na nasa akin ang atensyon niya at nakamasid.

"Sa totoo lang, pinapunta nila ako rito at pinagpustahan kung papaalisin mo ba ako o hindi..."

"Hm, a bet huh?"

"Oo. Kaya hihintayin ko kung anong gusto mong mangyari-"

He cut me off, he tilted his head more to have a clearer view of my face. "You know that I like it that you're here, Yuki."

Maliit akong napangiti. Inabot ko ang milk tea at napasimsim ako nang maramdaman ang balikat niya sa likod ng upuan ko at prenteng isinandal roon. He slouched on his seat and parted his legs a bit.

"I like it too, Yahwi..."

"Hm, but I like you more, Yuki." He whispered huskily and his hot breath burned my face more. Nakagat ko ng mariin ang labi at maliit na lang na napapangiti.

"And why your milk tea was on that Zarina? That was your favorite, you said."

"Nakipagpalitan sa akin kanina eh,"

"Then you should've refused,"

"Hayaan mo na, masarap naman itong Blue berry eh," I smiled and sipped on it.

Napakagat ako sa sandwich at napasulyap sa sarili niyang inumin na katulad ng akin sana kanina.

"Let me taste it then." Aniya at kinuha agad ang milk tea ko at sumisipsip roon. Ni hindi ko man lang napigilan kaya namumula ang pisngi na sumulyap ako sa kanya.

"M-Masarap naman 'di ba?"

"Yeah. Masarap nga..." Bulong nito at ngumisi saka sumipsip pa ng marami. I can clearly watch his pinkish lips jailing that lucky straw while he sips and eyes on me. "Knowing that your lips and mine indirectly kissed on this straw. I love it more, Yuki..."

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon