KABANATA 68

982 46 26
                                    

Meet

Hindi ko alam kung anong nalalaman ng ALFA tungkol sa magulang ko, kung ano ba talaga ang ugnayan nila sa isa't isa. May mga bagay na alam siya na siguro ay kailangan kong malaman, o gusto akong maliwanagan. Simula nang kupkupin ako ni Ninang, wala naman siyang ikinuwentong kakaiba tungkol sa mga magulang ko.  Lahat ng tungkol kay mama ay alam ko na dahil bestfriend na sila simula pa noong college. Magaganda at masasayang mga alala niya ang ikinintil sa utak ko. Samantalang ang tungkol sa papa ko, hindi ko lang alam. Basta ang sabi niya lang ay walang maidudulot na maganda ang kagustuhan kong makita siya at makilala. Hinding-hindi rin niya magagampanan ang pagiging ama sa akin. Kaya hindi na rin ako umasa na magkikita pa kami.

But now, my curiosity is killing me. Para akong nauuhaw ng mga kasagutan sa mga katanungan sa isip ko. Nababaliw ako at gusto ko na lang sumama sa kanya para maliwanagan. At marinig ang gusto niyang sabihin sa akin na dapat kong malaman.

Wala kasi siyang sinabi nang gabing iyon nang magtanong ako. Basta ang sabi niya ay pwede kaming mag-usap kapag handa akong sumama sa kanya kasama si Hyerin. Pilit niya akong kinukumbinsing sumama dahil mas maalalagaan niya raw kaming dalawa na sana ay ginawa niya noon pa. I don't know what to think anymore. I want to come with her but...

"Yuki,"

"P-Po?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pangalan ko. Napasulyap ako sa isa sa mga ka-trabaho kong lalaki na nasa pintuan ng pantry.

"Bilisan mo raw," ngisi niya.

"O-Okay, okay!"

Nataranta ako at mabilis na tinapos ang pagtitimpla ng kape para sa isang senior ko. Inilagay ko sa maliit na platito bago lumabas ng pantry at idinala sa opisina niyang hiwalay sa amin. Maingat kong inilapag ang dala sa mesa niya. Aalis na sana ako dahil abala siya sa katawagan nang humarap siya sa akin at pinandilatan, sininyasan niya akong manatili bago tumalikod. Napalunok ako at tumayo roon habang nag-hihintay na matapos siya.

Pangalawang araw ko pa lang pero parang pinaparamdam na ng ilang katrabho ko na hindi nila ako gusto rito. Hindi ko alam kung bakit. Mabait naman sila sa akin kahapon. Alam kong bago pa lang ako kaya wala pang ipinapagawa sa akin. Kaya naiintindihan kong nauutusan ako sa ganitong paraan. Nang ibaba niya ang cellphone ay doon lang niya ako hinarap.

"Hindi pa ako nag-umagahan kaya bilhan mo ako sa labas. Bilisan mo," aniya kaya tumango ako at inabot ang inilapag niyang pera sa may mesa.

Magalang akong nagpaalam at lumabas. Minadali ko ang paglalakad pero napatigil rin nang tawagin ako ni Annie. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Ngumiti siya.

"Inutusan ka ba ni boss bumili ng breakfast niya?"

"Opo," magalang na sagot ko.

"Pwede pasuyo na rin? May tinatapos kasi akong design eh, please?"

"Sige-"

"Yuki, ako din!"

Hindi na ako tumanggi pa at kinuha ang mga pera nila. Mabuti at may mga restaurant na malapit lang kaya hindi na ako lumayo pa. Pang-breakfast ang ni-order ko para sa kanila. Mabilis rin akong nakabalik sa kompanya. Pero pagkapasok ko pa lang sa lobby ay may mga empleyadong nagkalat at mukhang abala. NagmadaIi ako sa pagsakay ng elevator at nagtungo sa floor kung nasaan ang department namin. At gaya sa baba ay tila nagkakagulo sila at abala sa pag-uusap sa kung sino. Dumiretso ako sa opisina namin at tuloy-tuloy na pumasok. Hindi ko alam na may bisita pala. Maingat akong naglakad pero mahinang napatili nang halos mabitawan ko ang isa sa mga paper bag na hawak.

"Ay!"

Natawa pa ako dahil naagapan ng hinliliit ko at hindi tuluyang naibagsak. Nanlaki rin agad ang mga mata ko nang mapansin ang mga mata nilang nakatuon na pala sa akin. Nag-init ng husto ang mukha ko sa kahihiyan at ngiwing ngumiti sa kanila. Pero agad ding napawi nang makita ko agad si Yahwi na kasalukuyang nasa harap at siya pala ang ipinapakilala kanina.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu