Chapter 18

5.2K 264 10
                                    

Lauren



Naglalakad na ako ngayon pa punta sa office nila Janine. Nang bigla na lang may umakbay sa akin.



Sa amoy pa lang nito ay alam ko na kung sino ito.



"Alam ko na kung saan ang punta mo nyan?" Bulong nito sa akin.



"Alam mo naman na pala eh. May kukunin kapa ba sa office mo?" Tanong ko na lang kay Janine.



"Wala naman, bakit mo naitanong?" Kunot noo na baling nito sa akin.



"Ayain sana kita na sa labas na lang tayo kumain eh. Gusto ko rin sana na makakain ng ibang putahi at hindi iyong palagi na lang na kinakain natin sa Cafeteria. Nakakapanawa na rin kasi mga foods doon eh." Sabi ko naman kaagad dito.



Tinignan naman ako nito ng maigi kung seryoso ba ako sa aking sinabi sa kanya. Alam naman kasi nito na pinaka gusto ko ay iyong kumakain sa cafeteria dahil madalas kasi na dahilan ay gusto ko lang maka silay kay Ma'am Camela.



Pero dahil nga sa pinakita nito sa akin kanina ay nawalan na ako ng gana pa.



At saka naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Dahil sa ginawa nito sa akin na hindi man lang ako nito inalok na pumasok sa bahay niya kahit pabalat bunga lang.



Gustong gusto ko pa naman na makapasok sa bahay nito. Pero dahil nga doon eh hindi iyon nangyari.



"Paano ka makaka silay sa crush mo kung sa labas tayo kakain?" Nag tatakang tanong nito sa akin.




"Wala ako sa mood na makita siya ngayong araw na ito. Naiinis kasi ako eh. Hindi niya man lang pinansin ang beauty ko." Inis na sumbong ko dito.



Natatawa naman na tinignan na lang ako nito.



"Sige sa labas na tayo kumain. Basta libre mo ha. Wala akong dalang pera ngayon at nasa bag ko iyon na naiwan sa office." Mabilis na sabi nito sa akin.



Napasimangot naman ako dahil doon. Hays umandar na naman ang pagka kuripot niya po.



"Pwede na libre kita. Basta kotse mo ang gagamitin natin ha." Nasabi ko na lang sa kanya.



"Sure, basta ako ang pipili ng pag kakainan natin ha. At bawal kang tumanggi doon." Malawak ang ngiti na sabi nito.



Umoo na lang ako sa kanya. Kaysa makipag talo pa ako dito. Sabagay ako naman ang nag aya dito eh.



Pa punta na kami sa kotse nito ng hindi sinasadya na makasalubong namin ang grupo nila Ma'am Camela.



Masayang nag uusap ang mga ito. Gusto ko nga sana mapatulala dahil madalang ko lang ito makitang ngumiti pero buti na alng at napigilan ko. Tsaka ramdam ko rin ang pag diin ng kamay ni Janine na naka akbay pa rin sa akin hanggang ngayon.



Nang mapansin kami ng mga ito ay biglang nangunot ang noo ni Ma'am Camela at parang biglang tumalim ang mga mata nito na nakatingin sa amin ngayon. Lalo na doon sa kamay ni Janine na naka akbay pa rin sa akin hanggang ngayon.



Dahan dahan naman na inalis ko ang kamay nito na naka akbay sa akin.



Agad naman namin sila binati. Tinanguan naman kami nila at nagpatuloy na sila sa pag lalakad.



Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Ma'am Camela sa akin. Sabay irap pa talaga at paikot ng kanyang mga mata.



Hays ang maldita naman talaga oh. Sarap tusukin ng mga mata nito. Mamaya kaka irap nito sa akin eh di na mag balik sa dati mga mata nito.



"Matulala ka na naman sana buti na lang at napigilan ko iyon." Pag yayabang na sabi sa akin ni Janine.



"Hindi no. Sanay na ako sa charms nya kaya hindi niya na ako madadaan sa ganun." Pag dadahilan ko naman dito.



Nahihiya na nga ako sa sarili ko. Tapos ibubuking niya pa talaga. Eh alam naman nito na iyon ay. Kailangan pa talaga na e voice out.



Minsan mahirap din na may nakakaalam na crush mo si ganito eh. Palagi ka aasarin kasi at kung ano ano pa ang sasabihin.



Buti na nga lang at di na ito nag salita pa kanina nung kaharap namin sila Ma'am Camela eh. Nakakahiya sana sa mga ito pag nagkataon.



Tsaka hindi nga pala kami bati ngayon ni crush. Bahala sya dyan. Naiinis ako sa kanya. Akala nya ha. Di ko rin siya pa pansinin.



Nag tataka din ako dito bakit ang sama niya makatingin sa amin kanina ni Janine. Akala mo ay mag nagawa akong kasalanan sa kanya kung makatingin ito.




Hello siya kaya ang may kasalanan sa akin. Ako nga dapat itong hindi ma mansin sa kanya eh. Dahil sa ginawa nito sa akin.




Pero sabi ko nga ay okay lang sa akin iyon. Alam ko naman na kasi ang ugali nito eh. Kaya expected ko na na ganun ang mangyayari.



Naglakad pa kami ng ilang minuto bago namin narating ang parking lot kung saan naka park ang kotse ni Janine.



Mabilis na sumakay na ako sa kotse nito at baka maya niyan ay ako pa ang gawin nitong driver. Ayaw ko pa naman ngayon dahil nga sa wala ako sa mood.



"Bilis sumakay ah. Hindi naman halata na excited lang kumain ha Lauren." Nang iinis na sabi pa nito sa akin.



Pero umirap lang ako sa kanya. Bahala sya dyan basta ako ay naka upo na dito at ayaw ko ng bumaba. Maya na lang pag nasa restaurant na kami.



Nakasimangot naman ito na nag drive na ng kotse niya.



Binalingan ko naman ito ng tingin saka nginitian ng matamis. Sabay kindat pa. Pang asar lang dito.




Hindi naman pwede na siya na lang palagi ang mang aasar. Tama lang sa kanya yan. Siya na nga itong e li libre eh. Kaya dapat lang na maging mabait ito sa akin ngayon.



Pag ganito na naiinis ako ay huwag siyang pa ganyan ganyan sa akin at papatulan ko talaga lahat ng pang iinis na gagawin nito sa akin.



"Lagot ka sa akin pag balik natin ng school. Sasabihin ko tlg kay Ma'am Camela na crush mo sya matagal na" di pa rin nag papatalo na sabi nito sa akin.



"Subukan mo lang ng makita mo kung paano ako magalit." Pag ba banta ko naman dito.



3/19/2022




Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon