Chapter 11

5.5K 283 22
                                    

Lauren



Nang matapos ako mag explain sa kanya ay dahan dahan ko naman tinignan kung anong reaction nito. Pero wala pa rin. Nakatingin lang siya na para bang inaaral pa kung nag sasabi ako dito ng totoo o hindi.



Maya lang ay nagsalita na ulit ito.

" May nakakita ba sa party na ako ang kasama mo na umalis kagabi?" Mataray na nitong tanong sa akin.



"Hindi ko po alam Ma'am, basta binuhat na lang po kita mula sa table nyo pa punta sa aking kotse. Hindi ko na po napansin kung may mga nakakita ba ng ginawa ko." Sagot ko naman dito na kinakabahan na rin.



Bakit ba kasi nag tataray siyang ganyan? Dapat pa nga ay magpasalamat ito sa akin at di ko siya hinayaan na lang doon eh.



Professor pa naman siya tapos makikita lang siya ng kanyang estudyante na lasing sa isang party.




"Mag sabi ka ng totoo sa akin Ms. Fortalejo. May ginawa ka ba sa akin bukod sa dinala mo ako dito? At saka bakit buhat mo nga pala ako kanina nung magising ako? Ano ba ang totoo?" Nag hihinala ng tanong nito sa akin.



Di ko naman maiwasang mapalunok sa mga tanong na nito sa akin. Bakit ba feeling ko ay para akong nasa isang lie detector test na pag kinabahan ako kahit nag sasabi ako ng totoo ay mag la lie pa rin sya.




Bakit naman kasi ganito ito makapag tanong sa akin? Eh nagmagandang loob lang naman ako na dalhin sya dito ah. Tsaka binuhat ko lang naman siya kasi nga nahulog siya sa kama kanina. Wala naman na akong ibang ginawa na iba ah.




Kinakabahan man ay sinagot ko na ito kaagad. Baka mas lumala pa kasi pag nagpakita ako dito na kabado ako sa kanya.




"Ma'am Camela, wala naman po akong ginawang masama sa inyo eh. Binuhat ko nga lang po kayo papunta sa kotse at ng makarating tayo sa aking condo ay dinala na po kita dito sa kwarto ko at binanyusan. Yun lang po ang ginawa ko. Tapos kanina nakarinig ako ng kalabog na galing dito kaya nagmadali naman akong pumasok at yun nga nakita po kita na nasa lapag na at wala na sa kama. Kaya nga po naabutan nyo ako na buhat ka eh dahil po iyon sa balak ko kayo na ihiga ulit sa kama. Yun po ang nangyari." Mahinahon ko naman na paliwanag dito habang naka titig lang sa kanyang mga mata. Gusto ko kasi na makita nito na nag sasabi ako sa kanya ng totoo.




Bakit ba parang sobrang big deal dito na nandito sya sa aking condo. Hindi ko naman kasalanan na nag lasing siya at ako lang naman ang nag magandang loob na e uwe sya.




Buti nga at ako pa ang nag uwe sa kanya eh. Kung iba iba lang siguro eh baka may nangyari nang kakaiba dito.




"Siguruhin mo lang na wala kang ginawa sa aking iba ha. Malaman laman ko lang talaga lagot ka sa akin." Pananakot pa niya.




Hindi na lang ako umimik dito at baka humaba pa ang aming sagutan. Ayaw ko pa naman na may masabi ako sa kanya na hindi maganda.




Hello si Ma'am Camela yan no. Kahit na sobrang sungit nyan eh di ko magagawang magsabi dito ng hindi maganda no.




"Ah Ma'am Camela, baka po like nyo ng mag breakfast na po. Mag luluto lang po ako saglit at ng makakain na po tayo?" Pag aalok ko dito.





Gusto ko na rin naman kasi na lumabas ng room at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya lalo na at kaming dalawa lang dito sa kwarto ko.




"Hindi ako nagugutom at wala din akong balak na kumain." Masungit na tugon nito sa akin




Maya lang ay napansin ko na kumikilos na ito. Balak nya na atang umalis.



Patayo na sana ito ng bigla na lang siyang natumba sa aking harapan.




Sakto na tumama ang malambot nitong katawan sa aking katawan at ang mas lalo kong ikinagulat eh ang pag tama ng labi nito sa aking labi.




Ramdam na ramdam ko ang lambot nito ngayon. Bigla na lang nagpaligsahan sa pag tibok ang aking puso. Nag papakitang gilas ang mga ito ngayon sa lakas ng kanyang tibok.




My god, nakatulala lang ako sa kanya at di ko alam kung ano ang gagawin ko.




Kahit ito ay naka tulala din lang sa akin at walang kakilos kilos na para bang nanigas na siya sa aking ibabaw.




Hindi ko alam kung ano ang lumukob sa akin at ginalaw ko ang aking mga labi upang mas magkaroon ako ng access na mahalikan na siya ng tuluyan.




Maingat lang ang bawat hagud ng labi ko sa kanyang labi. Hanggang sa naramdaman ko na lang na gumaganti na rin ito ng halik sa akin.




Mas lalo naman akong ginanahan sa aking ginagawa at mas pinalalim pa ang ginawa kong pag halik dito.




Maya lang ay pinasok ko na sa loob ng kanyang bibig ang aking dila at ginalugad ang loob nito.





Halos di ako makakilos ng maramdaman ko ang pag ganti nito sa akin at nakipag espadahan na ng dila sa akin.




Nang mahuli ko ito ay agad ko naman sinipsip ng bahagya ang kanyang dila. Halos tumagal din ng ilang minuto nag aming mainit na halikan at kung hindi pa siguro kami mauubusan ng hininga ay baka hindi pa kami maglayo na dalawa sa isat-isa.




Ang lakas pa rin ng tibok ng dibdib ko.  At di ko rin halos mapaniwalaan ang katatapos lang na nangyari sa aming dalawa.




Magka dikit lang ang noo naming dalawa at parang ninanamnam pa ang katatapos lang naming mainit na halikan.




Balak ko sanang ipag dikit ulit ang aming mga labi ng bigla na lang ako makaramdam ng pag sakit ng aking pisngi.



Nasampal na pala ako nito ng di ko namamalayan. Grabi ang bilis naman ng kamay nito at di ko manlang napansin iyon.




Dahan dahan naman na nag angat ako ng aking paningin at sinalubong ako ng isang nag liliyab sa galit na mukha ni Ma'am Camela.



Agad din itong umalis sa ibabaw ko na parang biglang nandiri sa akin. Agad din nitong pinahid ang kanyang labi na para bang gusto na nitong mabura kaagad ang katatapos lang na naganap sa aming dalawa.




Hindi ko naman maiwasang masaktan dahil sa ginawi nito at napayuko na lang ako ng ulo dahil doon.





3/3/2022





Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon