Chapter 6

6.2K 274 9
                                    

Lauren


Agad akong kumatok sa pinto ng office ni Janine nang makarating na ako dito sa building nila. Ayaw ko naman na maging bastos at basta na lang papasok sa office nito kahit ba sabihin pang kaibigan ko ito.


Alam ko rin naman ang tinatawag na privacy eh. Tsaka andito kami sa office ng SSC so dapat lang na gumalang ako sa kanya. Kahit parang hindi naman kagalang galang pag kaming dalawa nalang.


Mukha lang matino ito pero baliw din ito pag nag kasundo mo. Lumalabas ang kanyang pagka childish


"Bukas yan, pasok!" Dinig ko naman na sabi nito kaya dahan dahan ko namang binuksan ang pinto nito.


Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng busy sa pagbabasa ng report. Di ko alam kung ano yung binabasa niya eh.


Yun lang ang maganda sa babaeng ito napaka seryoso niya pagdating sa mga paper works. At masyado siyang dedicated sa kanyang katungkulan bilang presidente ng campus. Sobrang proud nga ako diyan eh.


Agad naman itong tumingin sa akin sabay baba ng kanyang binabasa pati na rin ng reading glasses nito. Sabay ngiti kaya nakita ko nanaman ang perfect teeth nito saka ang gustong gusto kong dimple nito sa magkabilang pisngi niya.


Ang cute nya talagang tignan. Pero di ko yan crush ha. Kahit na may malalim na dimple yan sa magkabilang pisngi eh di ko parin sya crush.


Isa lang kaya ang crush ko si Ma'am Camela lang kaya yun noh. Di na sya pwede pang madagdagan. Basta isa lang yun.

"Tapos na ba ang classes mo Lauren?" Agad na tanong naman nito sa akin.


"Obvious ba? Kita mo ngang nandito na ako sa harap mo diba. Ay hindi pa siguro tapos, nag skip lang ako sa class ko." Pa pilosopo kong sagot sa kanya. Duh napaka obvious naman kasi no. Parang tanga lang na magtanong pa. Naturingan pa naman siyang SSC President pero tanga lang magtanong?



Huwag siyang ganyan pag ganito na sinampal ako ni Ma'am crush eh. Di pwede na ako lang ang ma badtrip nito. Dapat damay damay yun para pair diba. Sanggang Dikit kami eh. Magkadugtong bituka namin.



Agad naman ako nitong pinangunutan ng noo nya sabay tingin sakin ng masama.


Pero tinaasan ko lang ito ng kilay. Duh di nya ako matatakot sa pa ganyan nya no.


Kung iyong ibang student eh kaya niyang takutin pero ako hindi no. Baka sungitan ko rin lang ito.



"Kung badtrip ka Lauren ay huwag mo akong idamay ha. Pag ganito na naiinis din ako dito sa binabasa ko kaya huwag ka ng dumagdag pa at papatulan talaga kita.



"Huwag mong sabihin na di mo nakita yung crush mong dragon kaya nag a attitude ka sa akin ngayong nerdy ka." Inis na sabi naman nito sa akin



Agad naman akong ngumiti dito ng pa cute. Alam ko na di nito kayang e resist ang charm ko no. Pang bawi lang naman sa pang iinis sa kanya.



"Di naman kasi dahil doon kaya ako badtrip ngayon eh. Ang totoo pa nga dyan eh Prof ko siya doon sa isang subject ko no." Pagmamalaki ko pa dito



"Oh yun naman pala eh. Di dapat matuwa ka pa nga diba. Pero bakit ganyan mukha mo ngayon?" Nag tatakang tanong naman nito sa akin.p

Medyo nahiya naman ako na eh kwento dito yung nangyaring pag sampal nito sa akin kanina..


Baka kasi magalit ang isang ito pag nalaman niya ang bagay na iyon. Isa pa namang walang inuurungan ang kaibigan kong ito. At mapa away pa pag nagkataon na ayaw ko naman mangyari. Ano yan nandamay pa ako ng tao




"Wala badtrip lang ako kanina at medyo na late kasi ako ng pasok kay Ma'am crush eh. Napagalitan tuloy ako. Bawas points ko pa iyon." Half true na kwento ko dito.


Tama ng iyon na lang ang malaman nya. Tsaka na kwento ko na pala madalas dito ang tungkol doon sa walang katapusan kong pagkakaroon ng crush kay Ma'am Camela.


Kaya alam na alam na nito ang mga pinag gagawa ko para lang masilayan itong si Ma'am.


"Eh kasalanan mo din lang naman pala. Malamang na pagalitan ka talaga noon. Parang di mo naman kilala yang dragona mo eh. Bakit ano ba kasing ginawa mo at na late ka ha?" Tanong na nito sa akin


"Nag cr lang naman ako eh tas naka salubong ko sila sa hallway ni Ms. Catherine. Tapos yun natulala na ako. Mga ilang minuto din iyon na naka tanga lang ako na sinusundan sila ng tingin no. Pero my god Janine ang bango niya sobra. Feeling ko nga eh parang ayaw ko ng huminga ulit para lang mag stay sa ilong ko yung amoy niya eh. Mabuti na ngalang hindi ako nahimatay. Tapos alam mo ba na pinaupo pa niya ako sa harapan doon mismo malapit sa may table niya. Shit lang sobrang pagpipigil na ang ginagawa ko para lang hindi matulala dito kanina. Hindi mo lang alam kung paanong torture nun sa akin. Yung nasa harapan mo na ang masarap na pagkain at gutom na gutom ka pa pero hindi mo siya pwedeng kainin kasi bawal. Alam mo ang pakiramdam na yun? Ganun na ganun kanina." Mahabang pag kwento ko dito.



"Pero di naman kasi pwede iyon dahil baka mamatay lang ako na di ko man lang na sa sabi dito na gusto ko siya." Mahabang paliwanag ko dito saka parang tanga na inalala na naman yung nangyari kanina. Lalo na yung sobrang lapit nito sa akin kanina nung kinakausap niya ako.


"Malala ka na talaga Lauren. Magpatingin ka na kaya sa doctor at baka kung ano na yan. Mamaya niyan bigla ka nalang mag sisigaw diyan dahil nabuang kana. ." Pangbubuska nito sa akin.


"Basag trip ka naman Janine eh. Parang di rin naman sya ganun pag dumadaan din yung crush nya. Panay pa nga ang pa pansin mo eh. Pero di ka rin niya pinapansin. Kaya tama lang na maging mag kaibigan tayo. Dahil halos pareho lang ang ating kapalaran sa mga taong gusto natin." Bawi ko naman dito. Akala niya ha siya lang ang pwedeng mang asar.


Napasimangot naman ito dahil sa aking sinabi sa kanya. "At Least ikaw kahit paano may pag asa sa crush mo. Paano na lang kaya ako na may asawa na yung gusto ko. Kainis naman kasi eh. Doon pa sa may asawa at medyo may edad na ako mag kaka gusto. Eh ang dami naman dyang iba na mas higit pa sa kanya." Inis na sabi naman nito sa akin.


Sabagay may point din naman sya sa sinabi nya. "Eh kain na lang natin ang ating pagka sawi sa pag ibig." Natatawa ko ng sabi dito na siyang nag pangiti na rin sa kanya.


Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon