Chapter 23

5.4K 421 34
                                    

Camela


Paglabas ko sa cafeteria ay dumiretso na ako sa office ko. Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon. Kaya huwag silang pahara hara ngayon dyan sa daraanan ko dahil makakatikim talaga sila sa akin.

Lalo na ang Fortalejo na iyon. Bwisit sya. Kundi dahil sa kanya hindi ako mag kakaganito ngayon na nalilito na sa aking sarili.

Inis na pumasok na ako sa office ko. Mabuti na lang at wala akong nakasalubong na estudyante.

Nag open na lang ako ng Facebook ko at nag scroll lang ng nag scroll habang hinihintay matapos ang lunch break. Maya lang ng di makatiis ay hinanap ko ang Facebook name ni Fortalejo.

Huwag kayong ano dyan. Gusto ko lang itong tignan. Bakit ba? Estudyante ko naman ito.

Agad ko naman nakita ito at tinignan kaagad ang status nya. Parang nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na single ito.

Hindi ko na lang pinansin ang pakiramdam na iyon at agad na akong tumingin ng mga post nito. Mabuti na nga lang at naka public din lang pala ito.

Maya lang nag init ulit ang ulo ko ng makita ko ang post ni Janine na naka tag ito.

"Thanks sa pa libreng lunch, sa uulitin."  Caption nito sa selfie nila ni Fortalejo.

Bakit kailangan pa ng may pa akbay? Pwede naman mag selfie na lang sila na walang ganun.

So ni libre nya pa pala ang babaeng iyon? At sa labas nga talaga sila kumain.

Ano pa kaya ang ginawa ng mga ito? Kumain lang kaya? Pero sa isipin na ni libre pa niya ito ay naiinis ako.

Bigla ko na lang tuloy tinigil ang pag stalk sa FB account nito. Mas lalo lang ako naiinis sa aking mga nakikita.


Puro mga kaharutan lang ni Fortalejo ang nakikita ko. At kung sino sino pang mga kasama nito na mukhang malalandi din.

Nang makita ko na malapit ng matapos ang lunch break ay tumayo na ako para sa aking next classes.

Maya lang ay nasalubong ko ang mga cheerleader na busy sa kanilang pag kwe kwentuhan. Mukhang mga kinikilig pa. Lalo na yung captain nila na akala mo ay pinansin ng crush nito.

"My god, paki kurot ako mga bruha. As in pupuntahan ako ni Lauren sa condo ko mamaya. Mag di dinner date kami!!" Kinikilig na malakas nitong sabi na siyang biglang nagpatigil sa aking pag lalakad at gusto pa sanang e sure kung si Fortalejo ba na Lauren ang tinutukoy nito.

" Oo gaga pumayag na nga siya. Matatanggihan ba nun ang isang Lavine na katulad mo? Para na siyang nagtampo sa bigas pag ganun." Sabi naman dito ng mga kasama nya.

Sabay sabay pang nag iritan ang mga ito na akala mo eh mga bulate na binudburan ng asin.

"Tapos nakuha ko pa ang Cellphone number niya!!!" Tilian ulit sila na nakapag painis lalo sa akin. Kung kaharap ko lang mga ito. Baka nakatikim ng salita sa akin ang mga talandi na ito.

Pero hindi pa rin ako maka get over sa mga pinag uusapan ng mga ito. Iniisip ko kasi na baka si Fortalejo ang pinag uusapan nila.

Pero nahiya rin naman ako na tanungin sila at baka ma misinterpret lang nila ako. Tsaka bakit kailangan ko rin na itanong iyon eh kung tutuusin wala naman akong pakialam doon.

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad ko at di na sila pinansin pa. Bahala ka dyan. Pakialam ko ba kung si Fortalejo man iyon o hindi.

Pagkarating ko sa room ay gaya pa rin ng dati nagsipag tayuan kaagad ang mga ito at bumati sa akin.

Pero dahil sanay na rin sila na tinatanguan ko lang ang mga ito ay nag sipag upuan na rin sila kaagad.

Nag discuss lang ako tsaka nag bigay ng activity nila. Tinatamad kasi ako ngayon eh. Parang bigla na lang nawalan ako ng ganang mag turo.

Ganun din lang ang ginawa ko sa mga next classes ko. Nag pa activity na lang din sa kanila.

Last subject ko ito at nag hihintay na lang ako matapos sila sa kanilang ginagawa. Gusto ko ng umuwe sa bahay ko at parang biglang sumama ang pakiramdam ko.

Gusto ko lang ngayon ang humilata sa aking bahay. Hindi naman ako inaantok. Basta wala akong gana ngayon mag kikilos.

Nang makatapos sila sa pa activity ko ay nag dismissed na ako sa mga ito at lumabas na ng classroom.

Tumuloy na ako kaagad sa aking office at nilagay ang mga gamit ko doon. Hindi ako mag dadala sa bahay ng trabaho ko kasi hindi ko naman iyon magagawa. Bukas ko na lang ta trabahuhin ang mag check ng mga pa activities ko kanina.

Nag ayos na ako ng gamit at lumabas na sa office ko. Tumuloy an rin ako sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ko.

Nang nakasakay ako sa kotse at mabilis ko na itong pinaharurot. Nasa kahabaan na ako ng byahe ng maisipan ko na dumaan saglit sa mall.

Parang bigla gusto ko muna mag unwind na ako lang. Parang may iniiwasan kasi akong maisip ngayon.

Baka kasi pag hindi ako nakapag pigil eh sa condo ni Fortalejo ako tumuloy at tanungin itong maigi kung ano ang totoong relasyon nila ni Janine at pigilan na rin itong makaalis pa punta sa condo ni Lavine.

Baka kasi ito ang tinutukoy ng mga cheerleader kanina na Lauren ang pangalan.

Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa akin at bakit ako nag kakaganito na.

Ayaw ko isipin ang posibilidad na baka may gusto na ako dito kaya ganito na lang ako maka react sa mga napapalapit dito.

Kaya habang maaga pa ay pipigilan ko na itong nararamdaman ko na ito. Dahil hindi ko kayang tanggapin na maging katulad ako sa mga kaibigan ko na baliw na baliw sa kanilang mga girlfriend at asawa.

Ayaw ko mapabilang sa mga ito na nagkagusto lang sa isang estudyante. Mahal ko ang trabaho ko para lang ipalit kay Fortalejo kung sakali man na magustuhan ko ito.



_______
Dahil araw ko ngaun ay nag update ako. Baka naman pa vote dyan pang gift nyo na sa akin.😊




4/4/2022







Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon